Ang Kirgistan (Kirgis: Кыргызстан, tr. Kyrgyzstan), opisyal na Republikang Kirgis, ay bansang walang pampang sa Gitnang Asya. Hinahangganan ito ng Kasakistan sa hilaga, Usbekistan sa kanluran, Tayikistan sa timog, at Tsina sa silangan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Biskek.
Nahahati ang Kirgistan sa pitong mga lalawigan (sing. oblast (область), pl. oblasttar (областтар)) na pinamumunuan ng mga tinalagang mga gubernador. Ang kabiserang lungsod, Bishkek, at ang ikalawang pinakamalaking lungsod na Osh ay mga lungsod na may kapantay na estado gaya ng mga lalawigan.
Ang mga lalawigan, at mga independenteng lungsod ay ang sumusunod:
Binubuo ang mga lalawigan ng mga distrito (mga raion), na pinamamahalaan ng mga tinalagang mga opisyal (akim). Ang mga pamayanang rural o mga nayon (ayıl ökmötü), ay binubuo ng 20 maliliit na settlements, at mayroon silang mga halal na alkalde at mga konsehal.
Tinatayang nasa 5.2 milyon ang populasyon ng noong 2007.[kailangan ng sanggunian] 34.4% ng mga iyon ay nasa gulang na 15 at 6.2% naman ay nasa mahigit 65 na taong gulang. Isang bansang rural ang Kirgistan: Isang katlo ng populasyon lamang ang nakatira sa mga pook urban. Karaniwang 25 katao ang densidad ng bansa bawat km². Pinakamalaking pangkat etniko ang mga Kirgis, isang pangkat ng mga Turko, na bumubuo sa 69% ng tinatayang populasyon noong 2007. Ang iba pang pagkat etniko ay ang mga Ruso (9.0%) na nakatipon sa hilaga at ang mga Uzbek (14.5%) na nakatira naman sa timog.