Ang Usbekistan (Usbeko: Oʻzbekiston, tr. Ўзбекистон), opisyal na Republika ng Usbekistan, ay bansang dobleng walang pampang na matatagpuan sa Gitnang Asya. Hinahangganan ito ng limang estado na hiwalay sa dagat: Kasakistan sa hilaga; Kirgistan sa hilagang-silangan; Tayikistan sa timog-silangan; Apganistan sa timog; at Turkmenistan sa timog-kanluran. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Taskent.
Nagmula ang pangalang Uzbekistan sa mga nomadikong Uzbek na mula sa lahing Mongol. Minsan na itong naging bahagi ng Imperyong Persa ng Samanida at nang lumaon ng Imperyong Timurida. Humiwalay bilang nagsasariling bansa ang Uzbekistan noong 1991 nang mabuwag ang USSR.
Pinakamataas na bundok ng Uzbekistan ang Khazret Sultan na may taas na 4 643 metro (15 233 talampakan) higit sa antas ng dagat. Matatagpuan ito sa Hissar Range sa probinsya ng Surkhandarya na nagsisilbing hangganan ng bansa sa Tajikistan
Ang klima ng Republika ng Uzbekistan ay kontinental na nakakukuha ng kaunting pag-ulan. Ang tag-araw ay napakainit at napakalamig naman ng taglamig. Ang temperatura nito ay umaabot sa 40 Degrees Celsius (104 Degrees Fahrenheit) sa tag-araw at -23 Degrees Celsius (-9 Degrees Fahrenheit) sa panahon ng taglamig.