Kalye Granada Granada Street |
---|
|
Kalye Granada mula sa sangandaan nito sa Abenida Bonny Serrano. |
|
Haba | 0.6 km (0.4 mi) |
---|
Bahagi ng | |
---|
|
Dulo sa hilaga | Kalye Nicanor Domingo, Quezon City |
---|
Dulo sa timog | Abenida Bonny Serrano, San Juan |
---|
|
Mga daanan sa Pilipinas
|
Ang Kalye Granada (Ingles: Granada Street), na tinatawag ding Kalye Senador Jose O. Vera (Senator Jose O. Vera Street) ay isang daan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila. Dumadaan ito mula Kalye Nicanor Domingo bilang isang karugtong ng Abenida Gilmore hanggang sa Lungsod ng San Juan, kung saang natatapos ito sa Abenida Koronel Bonny Serrano at nagiging Abenida Ortigas.
Kasaysayan
Ang lupa na kung saang matatagpuan ang kalye ay dating bahagi ng isang lupaing pag-aari ng pamilya ni Jose O. Vera, ang nagtatag ng Sampaguita Pictures at kalauna'y Senador mula 1946 hanggang 1949.[1] Noong kahulihan ng dekada-1950, kinumbinse ni Alkalde Norberto Amoranto ang pamilyang Vera na payagan ang pagtatayo ng kalye sa kanilang ari-arian, bahahi ng proyektong pagpapabuti ng ugnayan sa pagitan ng Lungsod Quezon — kabisera ng Pilipinas sa mga panahong iyon — at ang mga nakapaligid na arrabal (suburbs), lalo na yaong mga papuntang New Manila mula Mandaluyong at Pasig.[1] Binenta ng pamilya sa pamahalaan ng Lungsod Quezon ang isang ektaryang lupa sa mahalagang diskuwento upang mapadali ang pagtatayo ng daan, at pinagana ng pagtatapos nito ang direktang pagpasok sa Lungsod Quezon mula silangang Kalakhang Maynila nang hindi kinakailangang dumaan sa mga kalapit na kalye o Abenida Epifanio de los Santos.[1] Noong 2004, binago ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod Quezon ang pangalan ng kalye mula kay Vera.[2]
Sa kasalukuyan
Sa kasalukuyan, kilala ang Kalye Granada bilang tahanan ng ilang mga tindero ng parol na naglilinya sa kapuwang mga gilid ng kalye, kaya may bansag itong "Parol Row" ("Hilera ng Parol"). Kilala rin bilang as Parolan sa San Juan,[3] nagsimula ang pagtitinda ng mga parol dito noong dekada-1990, nang gumawa ang mga tauhan ng Sampaguita Pictures ng mga parol at ibinenta ang mga ito sa labas ng istudyo upang makaroon ng karagdagang kita.[1] Nagtitinda rito ang ilang mga tindero at tindera ng kanilang mga parol mula Setyembre hanggang Disyembre taun-taon,[3] habang nagtitinda naman ang iba sa buong taon.[1]
Isa ring puntahan sa pagluluto ang kalye, na nakamit ang pagkilalang ito mula noong dekada-1970.[1] Kabilang sa mga makabagong kainan sa kalye ang Gavino's Donuts, na kilala sa kanilang mga donat sa estilong Hapones,[4] at Mien-San, na kilala sa kanilang nilagang briskete sa estilong Tsino at iba pang mga putahe.[5]
Mga sanggunian
14°36′34.3″N 121°02′14.2″E / 14.609528°N 121.037278°E / 14.609528; 121.037278