Ang mga parol[1] ay mga pampalamuting pamaskong ilaw sa Pilipinas. Hugis bituin ang mga ito, at nakaugaliang yari mula sa mga kawayan at papel, kabilang ang Papel de Hapon at Papel de Tsina, na iba-iba ang mga sukat, hugis at disenyo, subalit nananatili ang mukha nitong hugis bituin.[2][3][4]