Abenida Gregorio Araneta

Abenida Gregorio Araneta
(Gregorio Araneta Avenue)
Abenida Gregorio Araneta, kasama ang itinatayong Ikatlong Yugto ng Skyway, noong Setyembre 2019
Impormasyon sa ruta
Haba5.3 km (3.3 mi)
Bahagi ng
  • C-3 C-3
  • N130 mula Abenida Sarhento Rivera hanggang Bulebar Aurora at Magsaysay
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N130 (Abenida Sarhento Rivera) – Lungsod Quezon
 
Dulo sa timogKalye Nicanor Domingo sa San Juan
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon, San Juan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Gregorio Araneta (Ingles: Gregorio Araneta Avenue) ay isang daang arteryal pang-naik sa ligid ng Santa Mesa Heights sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong pangunahing abenida na may 6–8 linya at pangitnang harangan na itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3. Dumadaan ito mula Abenida Sarhento Rivera sa hilaga hanggang Kalye Nicanor Domingo sa San Juan sa timog. Bumabagtas ito sa Abenida Del Monte, Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez Sr., at Bulebar Magsaysay-Aurora pagdaan nito. Tumatakbo sa gitna ng abenida ang isang daluyan ng tubig na gawa ng tao, na tumitigil ng ilang sandali sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte at tutuloy muli hanggang sa matapos ito ng tuluyan bago pa mag-Abenida Quezon. Ang haba ng Abenida Araneta ay 5.3 kilometro (3.3 milya).

Matatagpuan ang abenida sa isang sonang bahain na malapit sa mga Ilog ng San Francisco del Monte at San Juan sa silangan nito. Madalas na bumabaha rito (kahit na may daluyan ng tubig ang abenida) tuwing tag-ulan, kung kailan umaapaw ang mga nasabing anyong tubig.

Sa hinaharap, daraan ang Ikatlong Yugto ng Skyway sa halos kabuoang bahagi ng daan, mula sa Abenida Sarhento Rivera hanggang sa Ilog San Juan. Bunga ng proyektong Ikatlong Yugto ng Skyway, ang ilang bahagi ng daluyan ng tubig sa gitna ng abenida ay gagawing nakasarang alkantarilya[note 1] at magiging bahagi ng madadaanang daanan.

Kasaysayan

Abenida Gregorio Araneta noong 2014, bago ang pagtatayo ng Ikatlong Yugto ng Skyway

Pinangalanan ang abenida kay Gregorio S. Araneta (1869–1930), isang abogado at may-ari ng lupa na nag-mamayari sa Subdibisyong Santa Mesa Heights sa magiging puwesto ng kasalukuyang Abenida Araneta.[1]

Awtomatikong Panghakot ng Basura

Noong 2014, nagtayo ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) ng isang awtomatikong panghakot ng basura sa sangandaan ng abenida sa Kalye Mauban, na gumagana bilang pasilidad na panlinis para sa ilog, bilang tugon sa madalasang pagbaha at mga suliranin sa basura sa lugar na iyon. Palaging nangongolekta ng mga trak ng basura ang mga basura na nakukuha mula sa ilog, gayundin ang mga basurang itinatapon sa paligid nito.[2]

Hilera ng mga Punerarya

Kilala ang abenida bilang Hilera ng mga Punerarya (Funeral Home Row) dahil dito matatagpuan ang ilan sa mga pinakakilalang punerarya sa Kamaynilaan. Ilan sa mga ito ay Arlington Memorial Chapels, La Funeraria Paz, Ascension Columbary, Cosmopolitan, Nacional Memorial Homes, at The Sanctuarium (dating Capitol Memorial). Ang pinakaunang punerarya sa abenida ay ang Funeraria Nacional na lumipat sa Abenida Araneta noong 1968, mula sa dati nitong tirahan sa Abenida Rizal. Sinundan ito ng La Funeraria Paz noong dekada-1970 at ng Arlington Memorial Chapels noong 1985 (kung kailan ginawang punerarya ang gusali ng dating Aklatan ng Thomas Jefferson sa abenida).[3]

Mga pangunahing bagtasan

Panulukan ng abenida at Abenida Del Monte, kasama ang itinatayong Ikatlong Yugto ng Skyway
Pahilagang abenida kasama ang itinatayong Ikatlong Yugto ng Skyway, malapit sa panulukan ng Bulebar Aurora.


LalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Lungsod QuezonAbenida Santo DomingoTutuloy pahilaga bilang N130 (Abenida Sarhento Emilio Rivera). Nagbibigay-daan papuntang N160 (Abenida Bonifacio) at E1 / AH26 (NLEx).
Kalye Valentin VenturaPahilaga lamang.
Kalye MaubanWalang ilaw-trapiko na sangandaan. Pansamantalang isinara habang itinatayo ang Ikatlong Yugto ng Skyway.
Kalye G. RoxasPatimog lamang.
Abenida Del MonteBagtasang ilaw-trapiko. Naglilinkod sa Kolehiyong Siena, Barangay San Francisco del Monte, at N160 (Abenida Bonifacio).
Abenida Norberto S. Amoranto Sr. (Retiro) / Kalye C. AdanSangandaang may ilaw-trapiko. Nagbibigay ng daan patungong distrito ng La Loma at N170 (Kalye Dimasalang) - N160 / N161 (Daang Blumentritt) sa Maynila.
Kalye CalambaMaaabutan ang magkabilang mga bahagi gamit ang kalapit na mga daan.
SkywayLabasang Skyway – Abenida Quezon. Patimog na pasukan sa hinaharap.
Kalye Maria ClaraWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Skyway – BalintawakLabasang Skyway – Abenida Quezon. Pahilagang labasan sa hinaharap.
Kalye P. FlorentinoMaaabutan ang magkabilang mga bahagi gamit ang kalapit na mga daan.
N170 (Abenida Quezon)Bagtasang ilaw-trapiko. Bawal ang mga pagliko sa kaliwa (ngunit pansamantalang sinuspende ang pagbabawal na ito habang itinatayo ang Ikatlong Yugto ng Skyway).
Karugtong ng Kalye AgnoMaaabutan ang magkabilang mga bahagi gamit ang kalapit na mga daan.
Kalye ROTC HuntersPahilaga lamang.
SkywayLabasang Skyway – Abenida Quezon. Patimog na pasukan at pahilagang labasan sa hinaharap.
Daang KalirayaWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Abenida VictoryWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye KitanladPatimog lamang.
Abenida Eulogio Rodriguez Sr.Bagtasang ilaw-trapiko. Bawal ang mga pagliko sa kaliwa at pag-U-turn sa mismong sangandaan; nasa harapan ang U-Turn slot.
Kalye KapiliganPahilaga lamang.
Kalye Tomas ArguellesPatimog lamang.
SkywayLabasang Skyway – E. Rodriguez. Patimog na pasukan sa hinaharap.
Daang BayaniBagtasang ilaw-trapiko.
Kalye BaloyWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye LandargunWalang ilaw-trapiko na sangandaan.
Kalye TamarPatimog lamang. Binakod.
Kalye PalanzaBagtasang ilaw-trapiko.
SkywayRampang Skyway – Bulebar Aurora. Pahilagang labasan sa hinaharap.[4]
N180 (Bulebar Magsaysay/Bulebar Aurora)Katimugang dulo ng ruta N130.[5] Bawal ang mga pagliko sa kaliwa mula pasilangang Bulebar Magsaysay; sa halip, pinaglilingkuran ito ng isang U-turn slot. Nagsisilbing daan patungong SM City Santa Mesa at Central Colleges of the Philippines.
hangganang Lungsod Quezon-MaynilaTulay ng San Juan–Santa Mesa sa ibabaw ng Ilog San Juan
San JuanSkyway – BalintawakPahilagang labasan sa hinaharap.[6]
Kalye Nicanor DomingoDulo ng abenida. Nagbibigay-daan papuntang distrito ng Santa Mesa sa Maynila, mga distrito ng New Manila at Cubao sa Lungsod Quezon at N141 (Bulebar Shaw) at Kalye Heneral Kalentong sa Mandaluyong.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Sarado/dati
  •       Hindi kumpletong access
  •       Pagbabago sa ruta
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Tingnan din

Mga tanda

  1. Alkantarilya - sa Ingles ay "culvert; a drain crossing under a road or railroad" batay sa isang post sa grupong Civil Service Exam Reviewer Free Download sa Facebook, ang nasabing post ay hinango sa Wikipilipinas

Mga sanggunian

  1. "History and Important Events of Sta. Teresita Parish". National Shrine of Our Lady of Lourdes in Quezon City (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2013. Nakuha noong 19 Disyembre 2013.
  2. http://quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1501:dost-turns-over-automatic-trash-rake-facility-to-qc-lgu&catid=1:latest-news&Itemid=362
  3. "QC's Araneta Avenue: Showcase strip for the Filipino 'burol'". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2013.
  4. Metro Manila Skyway Stage 3 update as of March 2020. Marso 7, 2020. Nakuha noong Mayo 21, 2020.
  5. "NCR" (sa wikang Ingles). Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan. Nakuha noong Mayo 25, 2020.[patay na link]
  6. Pornelos, Vince (Setyembre 5, 2019). "Here's your first look at the Quezon City segment of Skyway Stage 3". Autoindustriya.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 17, 2020.

14°36′54″N 121°1′0″E / 14.61500°N 121.01667°E / 14.61500; 121.01667