Ang Miss World 1996 ay ang ika-46 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa M. Chinnaswamy Stadium, Bangalore, Indiya noong 23 Nobyembre 1996.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Jacqueline Aguilera ng Beneswela si Irene Skliva ng Gresya bilang Miss World 1996. Ito ang unang beses na nanalo ang Gresya bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Carolina Arango ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Anuska Prado ng Brasil.
Kasaysayan
Lokasyon at petsa
Nagkaroon ng kasunduan sina Amitabh Bachchan ang mga Morley upang idaos ang sa Indiya ang Miss World para sa susunod na tatlong taon noong Agosto 1996, tatlong buwan bago ang kompetisyon, matapos malaman ng Morley na mayroong kompanya si Bachchan na Amitabh Bachchan Corporation Limited o ABCL. Noong 27 Agosto, inanunsyo ng ABCL na magaganap ang kompetisyon sa Bangalore sa 23 Nobyembre. Magsisimula ang kompetisyon sa 3 Nobyembre kung saan darating ang lahat ng mga kandidata sa New Delhi, at mahahati ang mga kandidata sa limang grupo upang libutin ang buong Indiya hanggang sa 11 Nobyembre kung saan magtitipon-tipon muli ang mga kandidata sa lungsod ng Bangalore. Ginanapa ang parade of nations sa New Delhi sa Indiya at sa pulo ng Mahe sa Seykelas kung saan din ginanap ang swimsuit round.[3]
Nang malaman na magaganap ang edisyong ito sa Indiya, nagsimula ang mga demonstrasyon laban sa pagdaos ng kompetisyon at isang banta ng mga peminista na pumasok sa lokasyon ng kompetisyon at sunugin ang kanilang mga sarili bilang protesta sa kaganapan. Nagkaroon din ng mga demonstrasyon laban sa pagdaos ng kompetisyon dahil sa pagsalungat nito sa kultura ng Indiya.[4][5] Isang lalaki na rin ang nagpakamatay bilang protesta laban sa pagdaos ng kompetisyon sa Indiya. Gayunpaman, dahil sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Bangalore, matagumpay na naisagawa ang kaganapan.
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa walumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Limang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Dapat sanang lalahok si Karina Guerra Manzo ng Ekwador sa edisyong ito na iniluklok ng Miss Ecuador, ngunit siya ay pinalitan ni Jennifer Graham dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Estonia 1996 Maie Jogar sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Mari-Liis Kapustin, isa sa mga pinalista. Dapat sanang lalahok si Lilly Sein Martorell ng Porto Riko sa edisyong ito, ngunit pinalitan siya ni Marissa de la Caridad Hernández dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat din sanang lalahok si Claudia Teixeira ng Portugal sa edisyong ito, ngunit pinalitan siya ni Ana Mafalda Schaefer de Almeida dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Dapat sanang lalahok si Miss Turkey 1996 Pinar Tezcan sa edisyon, ngunit dahil napagdesisyunan niyang hindi sumali sa kahit anong internasyonal na komeptisyon, siya ay pinalitan ni Serpil Sevilay Öztürk.
Mga unang pagsali, pagbalik at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Bonaire, Bosnya at Hersegobina, at Masedonya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Grenada na huling sumali noong 1970; Yugoslavia na huling sumali noong 1991; Uganda at Urugway na huling sumali noong 1993; at Kenya na huling sumali noong 1994.
Hindi sumali sina Nicole Symonette ng Bahamas at Renee Rawlins dahil sa problema sa pananalapi. Hindi sumali ang mga bansang Bermuda, Kapuluang Kayman, at Dinamarka matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng mga paunang aktibidad at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay napili ang limang pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
Marlene Cardin – Pangulo at tagapagtatag ng Video Fashion
Parmeshwar Godrej – Pilantropong Indiyano, asawa ng Pangulo ng Godrej Group
Sanath Jayasurya – Tanyag na cricketer mula sa Sri Lanka
↑Prasad, Srinivasa (20 Nobyembre 1996). "Group threatens Miss World pageant". Ocala Star-Banner (sa wikang Ingles). pp. 17A. Nakuha noong 28 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Hanna Hirvosesta Suomen neito" [Hanna from Hirvose, Miss Finland]. Helsingin Sanomat (sa wikang Pinlandes). 29 Agosto 1996. Nakuha noong 28 Enero 2024.