Ang Miss World 1981 ay ang ika-31 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 12 Nobyembre 1981.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Kimberley Santos ng Guam si Pilín León ng Beneswela bilang Miss World 1981.[1][2] Ito ang pangalawang beses na nanalo ang Beneswela bilang Miss World.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Nini Soto ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Sandra Cunningham ng Hamayka.[4][5][6]
Mga kandidata mula sa animnapu't-pitong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Judith Chalmers ang kompetisyon.[7] Nagtanghal si Helen Reddy sa edisyong ito.[8]
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Mga kandidata mula sa animnapu't-pitong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Dapat sanang lalahok si Miss Germany 1981 Marion Kurz sa edisyong ito,[9] ngunit matapos mag-pose ng walang pantaas na damit para sa isang magasin sa Alemanya, pinili ng organisasyon na ipadala na lamang si Barbara Reimund upang makaiwas sa isang iskandalo.[10] Dahil mas pinili ni Miss Switzerland 1981 Brigitte Voss na gamitin ang kanyang premyong bakasyon sa Timog Aprika sa panahon ng Miss World,[11] napagdesisyunan na ipalit sa kanya ang kanyang first runner-up na si Margrit Kilchoer bilang kandidata ng Suwisa sa Miss World.[12] Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss USA 1981 na si Holli Rene Dennis sa edisyong ito, ngunit siya ay pinalitan ng second runner-up na si Lisa Moss dahil sa personal na dahilan.[13]
Mga pagbalik at pag-urong
Bumalik sa edisyong ito ang bansang Suriname na huling sumali noong 1966, at mga bansang El Salvador, Lupangyelo, Tahiti, at Tsile na huling sumali noong 1979.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansa at teritoryong Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Mawrisyo, Panama, Paragway, at Suwasilandiya sa edisyong ito. Hindi sumali si Carole Fitzgerald ng Mawrisyo matapos matagpuan na siya ay dalawampu't-walong taong gulang, apat na taon na lagpas sa age requirement na dalawampu't-apat.[14] Hindi sumali sina Elizabeth Pérez ng Panama at María Isabel Urizar ng Paragway dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[15] Hindi sumali ang Kapuluang Birhen ng Estados Unidos at Suwasilandiya sa edisyong ito matapos matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang lalahok si Rosje Soeratman ng Indonesya sa edisyong ito, ngunit hindi ito nagpatuloy matapos na hindi payagan ng Pamahalaan ng Indonesya si Soeratman na tumungo sa Londres. Dapat sanang lalahok si Tokunbo Onanuga ng Niherya, ngunit matapos matuklasan na peke ang kanyang mga papeles sa University of Lagos, siya ay diniskwalipika at hindi na napalitan.[16] Dapat sanang lalahok si Paula Leal Dos Santos ng Portugal, ngunit pagkadating niya sa Londres, siya ay diniskwalipika dahil sa siya ay legal na mamamayan ng Timog Aprika, bagamat na siya ay pinanganak sa Portugal.[17]
Kontrobersiya sa Miss Zimbabwe 1981
Naantala ng isang linggo ang Miss Zimbabwe 1981 pageant matapos magprotesta ang ilang mga itim na Zimbabwean na inayos ng mga organizer ng Miss Zimbabwe ang kompetisyon upang paboran ang mga kandidatang puti.[18][19] Sa labimpitong kandidata ng Miss Zimbabwe, siyam sa mga ito ay puti, lima ang itim, at tatlo ang magkahalong lahi.[20][21] Ang mga pangyayaring ito ang nag-udyok sa direktor ng Miss Zimbabwe na si Tim Horgan na bumitiw sa kanyang posisyon, kasabay ng kanyang mga aasikasuhin sa ibayong bansa. Sa gitna ng espekulasyon na ang paligsahan ay inayos para sa isang puting kalahok na manalo, tatlumpung kalahok pa ang dinagdag sa kompetisyon, kung saan labinwalo ay itim. Kalaunan ay nagwagi si Juliet Nyathi, isang itim na kandidata, bilang Miss Zimbabwe 1981.[22] Marami sa mga kandidata at mga manonood ang kaagad umalis bilang protesta, dahil si Julieth diumano ang paborito ng mga bagong isponsor. Pagkatapos manalo, kaagad na inakusahan si Nyathi ng pagiging ina ng dalawang anak, na tahasan niyang itinanggi.[23]
Ilang mga pagbabago sa pormat ng kompetisyon ang ipinatupad ng Miss World. Tulad noong 1980, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview. Sa unang pagkakataon, limang kandidata mula sa limang rehiyong heograpikal ang hinirang bilang mga Continental Queens of Beauty: Isa sa Aprika, Asya, Europa, Kaamerikahan, at Oseaniya.[27] Pagkatapos nito, dalawang runner-up na lamang ang hinirang sa final telecast bago hirangin ang bagong Miss World.[28]
Komite sa pagpili
Shirley Bassey – Mang-aawit mula sa Gales
Rex Christie – Tagapamahala ng Gloria Vanderbilt Jeans sa Europa
↑"Venezuelan student crowned Miss World". Record-Journal (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 15. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"People things..."The Windsor Star (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 43. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Venezuelan beauties win". Schenectady Gazette (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1981. p. 40. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Venezuelan new Miss World". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 2. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"New Miss World is Venezuelan". Logansport Pharos-Tribune (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 8. Nakuha noong 6 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"TV Guide". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1981. p. 39. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Helen Reddy for a laugh". Daily Mirror (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1981. p. 15. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Portuguese Beauty Disqualified". The Age (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 1981. p. 12. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Edlin, John (10 Setyembre 1981). "Miss Zimbabwe pageant stirs race row". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). p. 3. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Zimbabwe beauty contest row takes new twist". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 1981. p. 83. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑ 26.026.1"Smiles all around". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1981. p. 6. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Miss World". The Lewiston Journal (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 9. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"New Miss World is Venezuelan". Logansport Pharos-Tribune (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 8. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Venezuelan new Miss World". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1981. p. 2. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Tres concursantes". La Opinion (sa wikang Kastila). 7 Nobyembre 1981. p. 63. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Gerda Roepel naar Engeland". Amigoe (sa wikang Olandes). 24 Oktubre 1981. p. 12. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Camel bid for beauty". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1981. p. 9. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑Ude, Christian (22 Hunyo 2016). "Beatrix Bilgeri: Die Schönheit aus dem Ländle" [Beatrix Bilgeri: The beauty from the countryside]. Kleine Zeitung (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2 Mayo 2024.
↑"Voorproefje voor missen". Het vrije volk (sa wikang Olandes). 7 Hulyo 1981. p. 4. Nakuha noong 29 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"We're not horses–Miss UK". Manchester Evening News (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1981. p. 39. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Untitled". Amigoe. 11 Mayo 1981. p. 3. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Tina keppir i dag..."Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 22 Oktubre 1981. p. 39. Nakuha noong 5 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
↑"Fraud alleged in beauty pageant". The Madison Courier (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1981. p. 3. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss oefent alvast". De Telegraaf (sa wikang Olandes). 4 Nobyembre 1981. p. 1. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Brush back". The Salina Journal (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1981. p. 2. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"De mooisten van de wereld". Het vrije volk (sa wikang Olandes). 10 Nobyembre 1981. p. 5. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"A bevy of beauties and Willie". Ottawa Citizen (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 1981. p. 33. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss World contestants". St. Joseph News-Press (sa wikang Ingles). 7 Nobyembre 1981. p. 2. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Nini Johana a 'Miss Mundo'". El Tiempo (sa wikang Kastila). 25 Oktubre 1981. p. 44. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Hopeful Cynthia flies to London". New Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Oktubre 1981. p. 2. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Jenny enters quest". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1980. p. 3. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"All set for Miss World pageant..."New Sunday Times (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1981. p. 8. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Sushil all set for contest". The Straits Times. 10 Nobyembre 1981. p. 9. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Robert, Aurelie (17 Disyembre 2020). "Miss France 1981: Isabelle Benard". Journal Des Femmes (sa wikang Pranses). Nakuha noong 26 Pebrero 2023.
↑"Bruised title line-up". Birmingham Evening Mail. 25 Agosto 1981. p. 1. Nakuha noong 3 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Miss Singapore Sushil takes it in stride". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Setyembre 1981. p. 13. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Carousel Ball draws an array of stars". The Vancouver Sun (sa wikang Ingles). 26 Oktubre 1981. p. 36. Nakuha noong 2 Mayo 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.