Miss World 1952

Miss World 1952
May-Louise Flodin
Petsa14 Nobyembre 1952
PresentersEric Morley
PinagdausanLyceum Ballroom, Londres, Reyno Unido
Lumahok11
Placements5
Bagong sali
  • Irlanda
  • Kanlurang Alemanya
  • Pinlandiya
  • Suwisa
NanaloMay-Louise Flodin
Suwesya Suwesya
← 1951
1953 →

Ang Miss World 1952 ay ang ikalawang edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 14 Nobyembre 1952.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Kiki Håkansson ng Suwesya si May-Louise Flodin ng Suwesya bilang Miss World 1952. Ito ang ikalawang tagumpay ng Suwesya, at ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kompetisyon na dalawang kandidata mula sa kaparehas na bansa ay magkasunod na nagwagi. Nagtapos bilang first runner-up si Sylvia Muller ng Suwisa, habang nagtapos bilang second runner-up si Vera Marks ng Kanlurang Alemanya.[1][2]

Labing-isang kandidata mula sa sampung bansa ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.

Kasaysayan

Lyceum Ballroom, ang lokasyon ng Miss World 1952

Pagpili ng mga kalahok

Labing-isang kalahok mula sa sampung bansa ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang inimbitahan upang kumatawan sa kanyang bansa para mabalanse ang bilang ng mga kandidata, at isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Mga pagpalit

Dapat sanang kakatawan sa bansang Olanda si Miss Holland 1951 Elisabeth van Proosdij sa edisyong ito.[3] Gayunpaman, hindi na nagpatuloy si van Proosdij sa komeptisyon dahil nais na lamang nito magpakasal, at siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Sanny Weitner.[4]

Mga unang pagsali at pag-urong

Matapos isulong ang kompetisyon na may labindalawang kandidata, naisip ni Eric Morley na imbitahin si Miss Great Britain 1951, Marlene Ann Dee, upang makumpleto ang labindalawang kandidatang sasali para sa Miss World 1952.

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Kanlurang Alemanya, Irlanda, Pinlandiya, at Suwisa. Dapat din sanang kakalahok sa edisyong ito si Anne-Marie Pauwels ng Belhika,[5] subalit, pinilit ni Pauwels na samahan siya palagi ng kanyang kasintahan, na siyang hindi pinayagan ni Morley. Dahil dito, tinanggal ni Morley si Pauwels sa kompetisyon, na siyang dahilan upang naging labing-isa lamang ang bilang ng mga kandidata.

Mga resulta

Mga bansang sumali sa Miss World 1952 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1952
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up

Kompetisyon

Pormat

Pumarada muna ang labing-isang kandidata suot ang kanilang evening gown sa harapan ng mga hurado. Pagkatapos ay pumarada naman ang labing-isang kandidata sa kanilang mga damit panlangoy. Pagkatapos ng pagrampa sa kanilang mga damit panlangoy, inanunsyo na ni Eric Morley ang mga runner-up at ang bagong Miss World.[2][6]

Komite sa pagpili

  • Claude Berr – miyembro ng komite ng Miss Europe
  • Petula Clark – Ingles na mang-aawit at aktres[7]
  • Charles Eade – direktor ng dyaryong Sunday Dispatch
  • Eddy Franklyn – May-ari ng isang model agency sa Reyno Unido
  • Glynis Johns – Aktres mula sa Timog Aprika[7]
  • Richard Todd – Aktor na Irlandes[7]

Mga kandidata

Labing-isang kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Denmark Dinamarka Lillian Christensen Copenhague
Estados Unidos Tally Richards[8] 24 Bagong York
United Kingdom Gran Britanya Doreen Dawne[9] 29 Londres
Marlene Ann Dee 20 Weston Road
Irlanda (bansa) Irlanda Eithne Dunne Dublin
Alemanya Kanlurang Alemanya Vera Marks[10] 19 Francfort del Meno
Netherlands Olanda Sanny Weitner[11] Amsterdam
Finland Pinlandiya Eva Hellas[12] 19 Helsinki
Pransiya Nicole Drouin[11] 22 Paris
Suwesya Suwesya May-Louise Flodin[13] 20 Gothenburg
Switzerland Suwisa Sylvia Müller 20 Geneva

Mga tala

  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Bouquets". The Straits Times (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 2022. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  2. 2.0 2.1 "Crowd is unhappy with beauty judges". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1952. p. 10. Nakuha noong 5 Marso 2024.
  3. "Amsterdams meisje gekozen tot Miss Holland" [Amsterdam girl chosen as Miss Holland]. Het Parool (sa wikang Olandes). 28 Abril 1951. p. 1. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  4. "Wie wordt "Miss World"?" [Who will be "Miss World"?]. Zutphens dagblad voor de Graafschap en Veluwezoom (sa wikang Olandes). 31 Oktubre 1952. p. 7. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
  5. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 1 Enero 2023.
  6. 6.0 6.1 "Fairest of them all". Lewiston Morning Tribune (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 1952. p. 5. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  7. 7.0 7.1 7.2 "Angry boos and catcalls greet 'World's most beautiful girl'". The Windsor Daily Star (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1952. p. 57. Nakuha noong 5 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
  8. "Untitled". Singapore Standard (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1952. p. 7. Nakuha noong 17 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  9. Kay, Richard (16 Agosto 2010). "Archbishop caught up in Miss GB row". Mail Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  10. "Vera Marks". Der Spiegel (sa wikang Aleman). 2 Oktubre 1951. ISSN 2195-1349. Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  11. 11.0 11.1 "There's beauty for you". The Straits Times (sa wikang Ingles). 8 Nobyembre 1952. p. 3. Nakuha noong 8 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
  12. De Rybel, Seija (8 Setyembre 2006). "Eva Hellas, Miss Suomi 1952". Yle (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.
  13. "Miss Zweden, het mooiste meisje van de wereld" [Miss Sweden, the most beautiful girl in the world]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 15 Nobyembre 1952. p. 1. Nakuha noong 5 Marso 2024.

Panlabas na kawing