Ang Miss World 1957 ay ang ikapitong edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 14 Oktubre 1957.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Petra Schürmann ng Alemanya si Marita Lindahl ng Pinlandiya bilang Miss World 1957.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pinlandiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Lilian Juul Madsen ng Dinamarka, habang nagtapos bilang second runner-up si Adele June Kruger ng Timog Aprika.[2][3]
Mga kandidata mula sa dalawampu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Eric Morley ang kompetisyon.
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa dalawampu't-tatlong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon.
Mga pagpalit
Dapat sanang lalahok si Miss Holland 1957Corine Rottschäfer sa edisyon ito. Gayunpaman, dahil nanalo na ito sa Miss Europe, siya pinalitan ng kanyang first runner-up na si Christina van Zijp upang lumahok sa Miss World. Kalaunan ay sumali rin si Rottschäfer sa Miss World noong 1959 kung saan siya ay nanalo.[4]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Kanada at Luksemburgo, at bumalik ang bansang Australya na huling sumali noong 1955. Hindi sumali ang mga bansang Bagong Silandiya, Ehipto, Suwisa, at Turkiya sa edisyon ito. Hindi sumali sina Zubaida Tharwat ng Ehipto at Yvonne Bridel ng Suwisa dahil sa kakulangan ng badyet. Bumitaw rin sa kompetisyon si Tharwat dahil sa sigalot ng Reyno Unido at Ehipto tungkol sa Kanal Suez.[5] Hindi sumali si Leyla Sayar ng Turkiya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Dapat sanang sasali si Monica Amekoafia ng Gana, ngunit hindi ito nakasali dahil nagpakasal ito sa diplomatikong Ghanes na si Henry Kofi Marrah.[6] Hindi sumali si Pascaline Herisson ng French Antilles dahil sa kakulangan sa badyet. Hindi rin sumali si Alicja Bobrowska ng Polonya dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semifinalist sa edisyong ito ay itinaas sa pito mula sa anim noong nakaraang edisyon. Ang pitong semifinalist ay napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competiton.
↑"Finse Miss World" [Finnish Miss World]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 15 Oktubre 1957. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Miss World is there somewhere". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 18 Oktubre 1957. p. 10. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Miss Amerika niet geplaatst" [Miss America not placed]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 15 Oktubre 1957. p. 1. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"1957 'Miss World' line-up". The Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Oktubre 1957. p. 2. Nakuha noong 12 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑ 10.010.1"De zes meisjes, die u van deze" [The six girls you like this]. Nieuw Utrechtsch dagblad (sa wikang Olandes). 8 Oktubre 1957. p. 5. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Universe". Deseret News (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1957. pp. 1, 4. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"British beauty". The Singapore Free Press (sa wikang Ingles). 11 Setyembre 1957. p. 11. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Japanese Beauties". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 14 Hunyo 1957. p. 33. Nakuha noong 12 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Flu hits the Miss World misses". The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 1957. p. 2. Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"De mooiste Miss" [The most beautiful Miss]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 18 Hulyo 1957. p. 7. Nakuha noong 18 Abril 2023 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑Ben Khalifa, Lotfi (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.