Ang Miss World 1967 ay ang ika-17 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 16 Nobyembre 1967.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Reita Faria ng Indiya si Madeleine Hartog-Bel ng Perú bilang Miss World 1967.[1][2] Ito ang kauna-unahang na tagumpay ng Peru sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si María del Carmen Sabaliauskas ng Arhentina, habang nagtapos bilang second runner-up si Shakira Baksh ng Guyana.[3][4]
Mga kandidata mula sa limampu't-apat na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Simon Dee ang kompetisyon, samantalang si Michael Aspel ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa limampu't-apat na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Apat na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at isang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Dapat sanang lalahok si Miss France 1967 Jeanne Beck sa edisyong ito.[5] Gayunpaman, dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ng first runner-up ng Miss Cinemonde 1967 na si Carole Noe bilang kandidata ng Pransiya sa Miss World. Dahil hindi pumayag si Seedevi Ragama na pumunta ng Londres para kumatawan sa bansang Ceylon, napag-isapan ng mga organizer ng Miss World na ipalit sa kanya si Therese Fernando.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Czechoslovakia, Panama, Tansaniya, at Uganda. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Australya, Austrya, Gana, Kenya, Niherya, Peru, Portugal, at Tunisya. Huling sumali noong 1959 ang Gana, noong 1960 ang Kenya, noong 1963 ang Niherya, noong 1964 ang Portugal, at noong 1965 ang Australya, Austrya, Peru, at Tunisya.
Hindi sumali ang mga bansang Aruba, Bahamas, Hordan, Indiya, Malaysia, Suriname, Siria, at Trinidad at Tobago sa edisyong ito. Hindi sumali sina Ankie Bruin ng Aruba,[6] Rosenelly binti Abu Bakar ng Malaysia, Licella Zuiverloon ng Suriname,[7] at Patsy Wilson ng Trinidad at Tobago dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Miss India 1967 Naqi Jehan Ali dahil pinagbawalan siya ng Pamahalaan ng Indiya na lumahok sa Miss World dahil sa mga aksyon ni Miss World 1966 Reita Faria tulad ng pagpunta niya sa Timog Biyetnam upang sumama sa The Bob Hope Show sa panahon ng Digmaang Biyetnam, na kung saan walang kinikilingan ang Pamahalaan ng Indiya tungkol sa nasabing digmaan.[8][9] Hindi sumali ang mga bansang Alherya, Bahamas, Hordan, at Siria matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[10]
Hindi sumali si Francisca Delgado ng Espanya bilang protesta laban sa pag-angkin ng Reyno Unido sa Hibraltar.[11][12]
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition.[15] Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
Komite sa pagpili
Heneral Ibrahim Adjie – Embahador ng Indonesya sa Reyno Unido
↑"On top of the world". Detroit Free Press (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 1. Nakuha noong 30 Marso 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Peruvian is Miss World". Ottawa Citizen (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 20. Nakuha noong 4 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"She is Miss World 1967". The Bulletin (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 9. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Miss Peru wins Miss World contest". The Leader-Post (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 19. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Ankie Bruin runner-up". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 17 Hunyo 1967. p. 5. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Surinaamse Missen" [Surinamese Misses]. Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 18 Oktubre 1967. p. 3. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Wie wordt Miss Wereld?" [Who will be Miss World?]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 15 Nobyembre 1967. p. 15. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑ 10.010.110.2"Enfermas ocho aspirantes a "Miss Mundo"" [Eight candidates for "Miss World" sick]. El Tiempo (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 1967. p. 6. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss Peru wins 'World' title". The Morning Record (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 10. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"She could be the next Miss World". Australian Army (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 1967. p. 3. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Wereldmiss te zijn dat is de vraag" [To be Miss World, that is the question]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 16 Nobyembre 1967. p. 3. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Miss Ghana". De Volkskrant (sa wikang Olandes). 11 Nobyembre 1967. p. 3. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑Jackson, Kevin (8 Agosto 2021). "Reflections of a queen". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Marso 2024.
↑"Candidata italiana a «Miss Mondo»" [Italian candidate for Miss World]. La Stampa (sa wikang Italyano). 12 Nobyembre 1967. p. 3. Nakuha noong 16 Marso 2024.
↑"Keppir sem „Ungfrú Ísland" umtiti linn Miss World" [Competes as "Miss Iceland" at the Miss World pageant]. Vísir (sa wikang Islandes). 15 Nobyembre 1967. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.
↑"Women in today's news". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1967. p. 54. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Beauty from black Africa". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 1967. p. 12. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Miss Monika". De Volkskrant. 10 Nobyembre 1967. p. 3. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Eight of beauties are hit by illness". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1967. p. 54. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"2 pretty maids argue in beauty contest". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1967. p. 24. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss United Kingdom". Sioux City Journal (sa wikang Ingles). 18 Agosto 1967. p. 1. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Too revealing". Reading Eagle (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1967. p. 12. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Seneviraine, Gamini (16 Nobyembre 1967). "All in one hotel- sixty beautiful bodies". The Phoenix (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 14 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑""Miss World" contest in jeopardy". The Dispatch (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1967. p. 6. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"LONDEN Dit is Miss Korea" [LONDON This is Miss Korea]. Tubantia (sa wikang Olandes). 11 Nobyembre 1967. p. 9. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Turkse Miss" [Turkish Miss]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 30 Oktubre 1967. p. 1. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Uganda makes its 'Miss World' choice". Lincolnshire Echo (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1967. p. 5. Nakuha noong 15 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.