Ang Miss World 2017 ay ang ika-67 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Sanya City Arena sa Sanya, Hainan, Tsina noong 18 Nobyembre 2017.[1][2]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Stephanie Del Valle ng Porto Riko si Manushi Chhillar ng Indiya bilang Miss World 2017.[3][4] Ito ang ikaanim na tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Andrea Meza ng Mehiko, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Stephanie Hill ng Inglatera.[5][6]
Mga kandidata mula sa 118 mga bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Fernando Allende, Angela Chow, Megan Young, Steve Douglas, Frankie Cena, at Barney Walsh ang kompetisyon. Nagtanghal sina Kristian Kostov, Jeffrey Li, Celine Tam, at Zizi sa edisyong ito.[7]
Kasaysayan
Lokasyon at petsa ng kompetisyon
Noong 8 Abril 2017, inanunsyo ng Miss World Organization sa isang press conference sa Shenzhen, Tsina na magaganap ang edisyong ito sa Sanya City Arena sa 18 Nobyembre 2017.[8] Ayon sa tagapangulo ng organisasyon na si Julia Morley, darating ang mga kandidata sa kalagitnaan ng Oktubre, kung saan sila'y lilibot sa mga lungsod ng Sanya at Haikou sa isla ng Hainan.
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa 118 bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Labing-anim na kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo, at labing-isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.
Mga pagpalit
Iniluklok ang first runner-up ng Miss World Bangladesh 2017 na si Jessia Islam upang kumatawan sa kaniyang bansa dahil nagpakasal ang orihinal na nanalo na si Jannatul Nayeem Avril.[9][10] Iniluklok bilang Miss World British Virgin Islands 2017 si Helina Hewlett matapos na hindi makalahok si Khephra Sylvester sa Miss World dahil sa salungatan sa petsa sa pagitan ng Miss World at Miss Universe. Lumahok lamang si Sylvester sa Miss Universe.[11] Iniluklok si Star Hellas 2017 Maria Psilou upang kumatawan sa Gresya matapos bumitiw ni Miss Hellas 2017 Theodora Soukia dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[12] Iniluklok si Miss Universe Guatemala 2016 Virginia Argueta bilang kinatawan ng Guwatemala matapos bumitiw ang orihinal na iniluklok para sa kompetisyon na si Lisbeth Gómez dahil sa personal na dahilan.[13][14]
Iniluklok ang fourth runner-up ng Miss Cameroon 2016 na si Michèle-Ange Minkata upang lumahok sa edisyong ito matapos na tinanggalan ng titulo si Miss Cameroon 2016 Julie Nguimfack dahil sa kawalan ng disiplina.[15] Iniluklok si Kristin Amaya upang kumatawan sa Kapuluang Kayman sa edisyong ito matapos bumitiw sa kompetisyon si Miss Cayman Islands 2017 Anika Conolly dahil lagpas na ang kanyang edad sa age requirement ng kompetisyon.[16] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Madagascar 2017 na si Felana Tirindraza bilang kinatawan ng Madagaskar sa edisyong ito matapos mapili si Miss Madagascar 2017 Njara Windye Harris na lumahok sa Miss Student Africa 2017.[17] Iniluklok ang second runner-up ng Miss Zambia 2017 na si Mary Chibula upang lumahok sa edisyong ito matapos matanggalan ng titulo ang orihinal na nagwagi na si Louisa Josephs Chingangu dahil sa kanyang pag-uugali.[18] Dapat sanang lalahok si Miss South Africa 2017 Demi-Leigh Nel-Peters sa edisyong ito, ngunit dahil sa mga salungatan sa pag-iskedyul ng Miss World at Miss Universe, iniluklok ang first runner-up ng Miss South Africa 2017 na si Adé van Herdeen upang lumahok sa Miss World.[19] Pinalitan ni Aslı Sümen si Itır Esen bilang Miss Turkey World 2017, ilang oras matapos silang koronahan dahil sa isang tweet ni Esen tungkol sa 2016 Turkish coup d'état attempt.[20][21]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Armenya, Laos, at Senegal. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Bangglades at Madagaskar na huling sumali noong 2001; Cabo Verde na huling sumali noong 2010; Liberya na huling sumali noong 2011; Makaw na huling sumali noong 2012; Anggola na huling sumali noong 2013; Gresya at Hong Kong na huling sumali noong 2014; at Etiyopiya, Kamerun, Noruwega, Sambia, at Simbabwe na huling sumali noong 2015.
Hindi sumali ang mga bansang Antigua at Barbuda, Biyelorusya, Demokratikong Republika ng Konggo, Guniya Bissaw, Hayti, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kirgistan, Kosta Rika, Letonya, Malaysia, Porto Riko, Republikang Tseko, Sierra Leone, Santa Lucia, at Uganda sa edisyong ito. Hindi sumali si Ekaterina Savchuk ng Biyelorusya dahil sa personal na dahilan. Hindi sumali sina Laila Da Costa ng Guniya Bissaw at Begimay Karybekova ng Kirgistan matapos na tanggihan ng pamahalaan ng Tsina ang kanilang mga entry visa.[22] Dahil sa epekto ng Bagyong Maria sa Porto Riko, napagpasiya ng Miss World Puerto Rico Organization na huwag munang magpadala ng kandidata sa Miss World.[23] Hindi sumali ang mga bansang Antigua at Barbuda, Demokratikong Republika ng Konggo, Hayti, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kosta Rika, Letonya, Malaysia, Republikang Tseko, Sierra Leone, Santa Lucia, at Uganda sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat din sanang lalahok si Masty Hama Adel ng Irak sa edisyong ito, ngunit hindi ito nagpatuloy dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[24]
Ginanap sa unang pagkakataon ang Hamong Head-to-Head kung saan anim na kandidata sa bawat grupo ang magpapakilala sa pamamagitan ng kanilang introductory video. Pagkatapos, sasagutin ng bawat kalahok ang mga tanong mula sa taganguna at ang publiko na nagtatanong sa pamamagitan ng opisyal na pahina ng Miss World sa Facebook at Twitter gamit ang hashtag na #MissWorldHeadtoHeadChallenge. Sa huli, sasagutin ng lahat ng kalahok ang parehong huling tanong mula sa taganguna, kung saan ang bawat kalahok ay may tatlumpung segundo upang sagutin ang tanong.[34][35] Pagbobotohan ng publiko ang magwawagi sa bawat grupo, at iaanunsyo ang nagwagi sa grupo bago magsimula ang Head-to-Head ng sumunod na grupo. Ang dalawampung nagwagi sa Hamong Head-to-Head ay awtomatikong kabilang na sa Top 40.[36][37]
Opisyal na itinalaga ang mga kalahok sa kani-kanilang grupo para sa hamong Head-to-Head na ipinalabas sa Miss World YouTube Channel noong 1 Nobyembre 2017.
Leyenda
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamong Head-to-Head.
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamong Head-to-Head, ngunit nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng judges' choice o sa iba pang mga challenge event.
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng iba pang mga Challenge Event.
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Judges' Choice.
Ginanap ang finals ng Hamon sa Palakasan noong 8 Nobyembre 2017. Inanunsyo ang kandidatang nagwagi sa hamon sa pagtatapos ng kaganapan at ang nagwagi ay mapapabilang na sa Top 40. Nagwagi si Aletxa Mueses ng Republikang Dominikano sa hamong ito.[41][42]
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamon sa Palakasan.
Ginanap ang finals ng Hamong Top Model sa Phoenix Island Resort sa Sanya noong 11 Nobyembre 2017. Inanunsyo ang kandidatang nagwagi sa hamon sa pagtatapos ng kaganapan at ang nagwagi ay mapapabilang na sa Top 40. Nagwagi si Ugochi Ihezue ng Niherya sa hamong ito.[43]
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamong Top Model.
Ginanap ang finals ng Hamon sa Talento noong 13 Nobyembre 2017. Inanunsyo ang kandidatang nagwagi sa hamon sa pagtatapos ng kaganapan at ang nagwagi ay mapapabilang na sa Top 40. Nagwagi si Michela Galea ng Malta sa hamong ito.[49][50]
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamon sa Talento.
Inanunysyo noong 18 Nobyembre 2017 ang nagwagi sa hamong Multimedia, at ang nagwagi ay mapapabilang na sa Top 40. Nagwagi si Enkhjin Tsevendash ng Mongolya sa hamong ito.[54][55]
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Hamong Multimedia.
Inanunsyo noong 13 Nobyembre 2017 ang dalawampung semifinalist para sa Beauty With A Purpose, at inanunsyo noong 18 Nobyembre 2017 ang limang nagwagi para sa Beauty With A Purpose na mapapabilang sa Top 40. Nagwagi sina Đỗ Mỹ Linh ng Biyetnam, Manushi Chhillar ng Indiya, Achintya Holte Nilsen ng Indonesya, Laura Lehmann ng Pilipinas, at Adè van Heerden ng Timog Aprika.[57][58]
Nakapasok sa Top 40 sa pamamagitan ng Beauty With a Purpose.
Ilang pagbabago ang inimplementa sa edisyong ito. Ang bilang ng mga semifinalist sa edisyon ito ay tumaas sa apatnapu mula sa dalawampu ng nakaraang edisyon.[61] Dalawampu sa mga semifinalist ay nanggaling sa Hamong Head-to-Head na ipinakilala rin ngayong taon. Limang semifinalist ay nagwagi sa Beauty With A Purpose, apat ang nagwagi sa mga Fast Track event, at ang nalalabing labing-isa ay pinili ng mga hurado. Mula sa apatnapu, labinlimang semifinalist ang pinili, at sampung semifinalist naman ang kalaunang pinili kung saan pinakita ang kanilang mga introductory video. Mula sa sampu, limang pinalista ang sumabak sa question-and-answer round, at kalauan ay hinirang na ang runner-up at ang bagong Miss World.[37]
Komite sa pagpili
Li Bing – Tagapangulo ng New Silk Road
Donna Darby – Stage director at choreographer ng Miss World
Mike Dixon – Musical director ng Miss World
Rohit Khandelwal – Mister World 2016 mula sa Indiya
Andrew Minarik – Opisyal na estilista para sa Miss World
Julia Morley CBE – Tagapangulo at CEO ng Miss World Organization
↑"Miss Cameroun perd sa couronne" [Miss Cameroon loses her crown]. BBC News Afrique (sa wikang Pranses). 31 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2024. Nakuha noong 21 Disyembre 2024.
↑"Judelsia Bache exibe charme na China" [Judelsia Bache displays charm in China]. Jornal de Angola (sa wikang Portuges). 28 Oktubre 2017. Nakuha noong 10 Agosto 2023.
↑"Der Countdown zum Miss World Finale läuft" [The countdown to the Miss World final is on]. MeinBezirk.at (sa wikang Aleman). 11 Nobyembre 2017. Nakuha noong 18 Setyembre 2023.
↑Pereyra, Omar (1 Hulyo 2017). "Yasmin Pinto es Miss Bolivia Mundo 2017" [Yasmin Pinto is Miss Bolivia World 2017]. Eju.tv (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2 Oktubre 2024.
↑Barry, Diawo (13 Pebrero 2017). "L'élection de Miss Guinée 2017 fait polémique" [The election of Miss Guinea 2017 causes controversy]. Jeune Afrique (sa wikang Pranses). Nakuha noong 16 Disyembre 2024.