Ang Miss World 1972 ay ang ika-22 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 1 Disyembre 1972.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Julia Morley si Belinda Green ng Australya bilang Miss World 1972.[1][2] Ito ang ikalawang tagumpay ng Australya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Ingeborg Sørensen ng Noruwega, habang nagtapos bilang second runner-up si Chana Ordan ng Israel.[3][4] Hindi nakoronahan ni Miss World 1971 Lucia Petterle ang kanyang kahalili matapos nitong magtamo ng pinsala sa kanyang braso.[5]
Limampu't-tatlong kandidata mula limampu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Limampu't-tatlong kandidata mula limampu't-dalawang bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.[6]
Mga pagpalit
Dapat lalahok sa edisyon ito si Miss Spain 1971 María del Carmen Muñoz,[7] ngunit matapos nitong mapag-isipan na bumitiw sa kompetisyon, kaagad siyang pinalitan ni Miss Spain 1972 María del Rocío Martín na siyang kakapanalo lamang isang buwan ang nakalipas bago magsimula ang kompetisyon.[8] Dapat sanang lalahok si Antonella Barci bilang kinatawan ng Italya sa edisyong ito,[9][10] ngunit dahil sa hindi isiniwalat na dahilan, siya ay pinalitan ni Laura Romano.[11] Dapat sanang lalahok si Miss France 1972 Chantal Bouvier de Lamotte sa edisyong ito, ngunit matapos magkaroon ng matinding pinsala sa kanyang katawan dulot ng pagkahulog mula sa isang kabayo, siya ay pinalitan ng kanyang second runner-up na si Claudine Cassereau.[12]
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Botswana at Singapura. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Honduras na huling sumali noong 1968, Kosta Rika na huling sumali noong 1969, at Hong Kong at Liberya na huling sumali noong 1970.
Hindi sumali ang mga bansang Ceylon, Guyana, Kolombya, Luksemburgo, Nikaragwa, Panama, Tsipre, Timog Korea, Trinidad at Tobago, at Tunisya sa edisyong ito. Hindi nakasali sina Damayanthi Gunewardena ng Ceylon, Martha Lucía Cardozo ng Kolombya,[13][14] Lydia Maes ng Luksemburgo, at Chung Keum-ok ng Timog Korea matapos nilang hindi maabutan ang huling araw ng pagpaparehistro para sa Miss World. Ganito rin ang sinapit ni Regina Melgar ng Panama, na nakarating na sa Londres tatlong araw matapos ang huling araw ng pagpaparehistro sa pagiging kandidata. Dahil dito ay hindi na siya pinayagang sumali sa kompetisyon.[15][16] Hindi sumali si Connie Anne Ballantyne ng Nikaragwa matapos nitong ikansela ang kanyang biyahe papuntang Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[17] Hindi sumali si Maria Koutrouza ng Tsipre matapos nitong magkasakit.[17] Hindi sumali sina Victoria Bamidele ng Niherya at Selma Feki ng Tunisya dahil sa kakulangan ng pagpopondo para lumahok sa Londres.[18] Hindi sumali ang mga bansang Guyana at Trinidad at Tobago sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Nagkaroon ng epekto ang mga terrorist attack laban sa delegasyon ng Israel sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1972 sa seguridad ng mga kandidata sa Miss World, gayundin sa kandidata ng Libano na si Odette Naim. Matapos ang mga terrorist attack na naganap sa Munich ay hindi pinayagan na lumabas ng Libano si Naim dahil sa posibleng paghihiganti ng mga terorista laban sa kanilang bansa. Dahil rin sa mga terrorist attack na ito, dalawang bodyguard ang palaging nakabantay kay Miss Israel Chana Ordan imbis na isang chaperone lang.[19][20]
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
↑Polk, Peggy (4 Disyembre 1972). "Miss World named". Ellensburg Daily Record (sa wikang Ingles). p. 10. Nakuha noong 3 Hunyo 2023.
↑"The retiring Miss World". The Clarksdale Press Register (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1972. p. 8. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑Castellanos, Gonzalo (13 Nobyembre 1971). "Para Atlantico, la corona". El Tiempo (sa wikang Kastila). p. 30. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Colombia no participara en un certamen". El Tiempo (sa wikang Kastila). 22 Nobyembre 1972. p. 4. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss Panama a little too late". New Nation (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1972. p. 5. Nakuha noong 16 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Miss Panama late". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1972. p. 20. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑Ben Khalifa, Lotfi (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
↑"Miss World contest cloaked in security". The Calgary Herald (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 1972. p. 77. Nakuha noong 26 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Strict security for Miss World girls". The Straits Times (sa wikang Ingles). 30 November 1972. p. 5. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"53 GADIS REBUT RATU DUNIA DI LONDON". Berita Harian. 2 Disyembre 1972. p. 3. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Bellezas internacionales". La Nacion (sa wikang Kastila). 26 Nobyembre 1972. p. 1. Nakuha noong 26 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑ 24.024.1"Getting-together". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1972. p. 10. Nakuha noong 26 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"The quest of quests". The Australian Women's Weekly (sa wikang Ingles). 4 Oktubre 1972. p. 9. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑""Miss World" title goes to Australian". Times-Union (sa wikang Ingles). 2 Disyembre 1972. p. 2. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
↑"Beauty queens off to represent Bermuda". The Bermuda Recorder (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 1972. p. 1. Nakuha noong 5 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.
↑"Untitled". Jornal do Brasil (sa wikang Portuges). 28 Hunyo 1972. p. 18. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Photo flashback". The Gleaner (sa wikang Ingles). 7 Pebrero 2018. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
↑"Twain meets". Beaver County Times (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1972. p. 22. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss Hong Kong once a boy?". New Straits Times (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 1972. p. 4. Nakuha noong 26 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"ONZE ALLERMOOISTEN". Tubantia. 2 Disyembre 1972. p. 1. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Beauties carefully guarded". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1972. p. 7. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss World contestant". The Sumter Daily Item (sa wikang Ingles). 29 Nobyembre 1972. p. 1. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Monique in Londen voor 'Miss World'". Het Parool (sa wikang Olandes). 23 Nobyembre 1972. p. 5. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑Polk, Peggy (4 Disyembre 1972). "Miss World named". Ellensburg Daily Record (sa wikang Ingles). p. 6. Nakuha noong 30 Marso 2024.
↑"Miss World competitors". Lawrence Journal-World (sa wikang Ingles). 25 Nobyembre 1972. p. 4. Nakuha noong 26 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"MOOIE MISS-POEZEN". Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 25 Nobyembre 1972. p. 3. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"It's like a dream, says Rosalind". The Straits Times (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1972. p. 6. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"It's now 10-1 Miss Sweden". Evening Times (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1972. p. 5. Nakuha noong 29 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Gasser, Benno (11 Oktubre 2014). "Als Missen ihre Kleider selber nähten" [When misses sewed their own clothes]. Tages-Anzeiger (sa wikang Aleman). Nakuha noong 29 Marso 2024.
↑"Blank en zwart apart". Het Parool (sa wikang Olandes). 18 Oktubre 1972. p. 3. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Vying for Miss World title". The Straits Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1972. p. 8. Nakuha noong 30 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.