vAng Miss World 1968 ay ang ika-18 na edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Lyceum Ballroom sa Londres, Reyno Unido noong 14 Nobyembre 1968. Ito ang huling edisyon na naganap ang kompetisyon sa Lyceum Ballroom.
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Madeleine Hartog-Bel ng Peru si Penelope Plummer ng Australya bilang Miss World 1968.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Australya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Kathleen Winstanley ng Reyno Unido, habang nagtapos bilang second runner-up si Miri Zamir ng Israel.[2][3]
Mga kandidata mula sa limampu't-talong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Michael Aspel ang kompetisyon.
Kasaysayan
Pagpili ng mga kalahok
Ang mga kalahok mula sa limampu't-tatlong mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at dalawang kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.
Mga pagbabago sa mga patakaran
Muling pinayagan ang mga ina na sumali sa Miss World sa edisyong ito, bagay na huling pinayagan noong 1951. Dahil sa pagbabago ng patakarang ito sa Miss World, pinayagan si Miss International Bahamas 1968 Rose Helena Simms-Dauchot na lumahok sa edisyong ito bagama't ito ay kasal na at may isang anak.[4]
Mga pagpalit
Bagama't inanunsyo na ang kandidata ng Pransiya sa edisyong ito ay si Mademoiselle France 1968 Maryvonne Lachaze,[5] siya ay biglaang pinalitan ng first runner-up ng Miss Cinemonde na si Nelly Gallerne dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Iniluklok ang first runner-up ng Miss Luxembourg 1968 na si Irene Siedler na lumahok sa edisyong ito matapos bumitiw sa kompetisyon ang orihinal na nagwagi na si Lucienne Micheline Krier dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.
Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong
Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Taylandiya. Bumalik sa edisyong ito ang bansang Nikaragwa na huling sumali noong 1964, Kolombya at Liberya na huling sumali noong 1965, at Bahamas at Indiya na huling sumali noong 1966.
Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Czechoslovakia, Gambya, Honduras, Lupangyelo, Libano, Panama, Portugal, at Tansaniya sa edisyong ito. Hindi sumali si Jarmila Teplanová ng Czechoslovakia bunsod ng paglusob ng Unyong Sobyetiko, Polonya, Bulgarya, at Unggarya sa Czechoslovakia noong 20 Agosto 1968.[6][7] Hindi sumali sina Lillian Carol Heyer ng Honduras at Helga Jonsdóttir ng Lupangyelo dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[8] Nadiskwalipikado si Lili Bissar ng Libano matapos matuklasan na siya ay labinlimang-taong gulang pa lamang.[9] Bagama't hindi na kasali sa kompetisyon, pinayagan pa rin si Bissar na lumitaw sa parade of nations.[10] Hindi pinahintuluang sumali sa Miss World si Zena Suleiman ng Pamahalaan ng Tansaniya dahil hindi ito naaangkop diumano sa kanilang kultura.
Dapat sanang sasali sa edisyong ito si Maria Amparo Rodrigo Lorenzo ng Espanya, na siyang tumungo na sa Londres para lumahok sa Miss World.[11][12] Gayunpaman, tulad ng kanyang mga hinalinhan, kaagad na bumitiw si Rodrigo sa kompetisyon dahil tutol ito sa paglahok ni Sandra Sanguinetti ng Hibraltar. Matapos ang kanyang pagbitiw sa kompetisyon, kaagad na tumakas sa hotel ng mga kandidata si Lorenzo upang tumungo sa hotel kung nasaan pansamantalang naninirahan ang kanyang siyamnapu't-dalawang kamag-anak.[10][13]
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga labinlimang semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
↑"Miss World". Edmonton Journal (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1968. p. 22. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Miss World winner". St. Joseph Gazette (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1968. pp. 10A. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Beauty from the Bahamas". Evening Times (sa wikang Ingles). 6 Nobyembre 1968. p. 6. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Czechs not sending Miss World contestant". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 25 Oktubre 1968. p. 9. Nakuha noong 17 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Grooming the beauty queens". 65° (sa wikang Ingles). 1 Hulyo 1968. p. 18. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
↑ 10.010.1"Politics invade beauty contest". The Sydney Morning (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1968. p. 2. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Miss Spain, 19-year-old Maria". Algemeen Handelsblad (sa wikang Olandes). 14 Nobyembre 1968. p. 7. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Miss Spanje loopt weg uit Miss-Wedstrijd" [Miss Spain runs away from Miss World]. Het Parool (sa wikang Olandes). 14 Nobyembre 1968. p. 3. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Spaans Miss-noegen". De Tijd. 14 Nobyembre 1968. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑ 14.014.1"Aussie-type librarian... Miss World". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1968. p. 3. Nakuha noong 17 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Four quest girls on the brink of stardom". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 29 Setyembre 1968. p. 5. Nakuha noong 8 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Five heads with a single thought". Evening Times (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1968. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Harvey, Helen (25 Enero 2014). "Homegrown heroines". Stuff (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2022.
↑"Beauty with a bite". Youngstown Vindicator (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1968. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Neita, Lance (3 Disyembre 2017). "Of Afros and beards". Jamaica Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Hunyo 2023.
↑"Dandy Yankee, Gorgeous Geisha". Herald-Journal (sa wikang Ingles). 10 Nobyembre 1968. p. 47. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Kent beauty Miss Dominion". The Windsor Star (sa wikang Ingles). 2 Hulyo 1968. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"La colombiana en 4o. lugar". El Tiempo (sa wikang Kastila). 15 Nobyembre 1968. pp. 1, 3. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Concursos de belleza en Costa Rica" [Beauty pageants in Costa Rica]. La Nacion (sa wikang Kastila). 17 Hunyo 1968. p. 25. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Kayode-Adedeji, Dimeji (29 Disyembre 2022). "Former Miss Nigeria dies at 75". Premium Times Nigeria (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Marso 2024.
↑"Belle di tutto il mondo a Londra" [Belles from all over the world in London]. La Stampa (sa wikang Italyano). 10 Nobyembre 1968. p. 3. Nakuha noong 16 Marso 2024.
↑"The "high jump" for Miss U.K."Evening Times (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 1968. p. 7. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Worth waiting up for". News-Journal (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1968. p. 32. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Seeks Miss World title". The Phoenix (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1968. p. 1. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Three 'Miss World' lovelies..."The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1968. p. 24. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Miss Cyprus of 1968". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 1968. p. 15. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Turkse miss" [Turkish miss]. De Volkskrant (sa wikang Olandes). 6 Nobyembre 1968. p. 3. Nakuha noong 16 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.