Isang republikang may sistemang presidensiyal na pamahalaan ang Zimbabwe. Binuwag ang sistemang semi-presidensiyal nang pinagtibay ang bagong saligang batas pagkatapos ng reperendum sa saligang batas ng Zimbabwe noong Marso 2013. Sa ilalim ng pagbabago ng saligang batas noong 2005, ibinalik ang mataas na kapulungan, ang Senado ng Zimbabwe.[1] Ang Asambleya ng Zimbabwe ang bumubuo sa Mababang Kapulungan ng Zimbabwe. Ang partido ni Robert Mugabe na Zimbabwe African National Union – Patriotic Front (kadalasang pinapaikli bilang ZANU-PF)), ang dominanteng partidong politikal sa Zimbabwe simula ng kasarinlan nito.[2]
Pagkakahating Administratibo
May sentralisadong pamahalaan ang Zimbabwe at nahahati ito sa walong mga lalawigan at dalawang lungsod na may estadong lalawigan, para sa layuning administratibo. Ang bawat lalawigan ay may kabiserang panlalawigan kung saan sinasagawa ang mga pamamahala ng pamahalaan.[3]