Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging katulad ng pamayanang maunlad ng Kalakhang Maynila at ang pook ng pinakamamalaking pagawaan at isang pook tagagawa ng pang-angkat sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 407,437 sa may 117,720 na kabahayan.
Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.
Mga Barangay
Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.
Biñan (Poblacion)
Bungahan
Santo Tomas (Calabuso)
Canlalay
Casile
De La Paz
Ganado
San Francisco (Halang)
Langkiwa
Loma
Malaban
Malamig
Mampalasan
Platero
Poblacion
Santo Niño
San Antonio
San Jose
San Vicente
Soro-soro
Santo Domingo
Timbao
Tubigan
Zapote
Kasaysayan
Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng ika-6 na buwan 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.
Noong 1769, ang punong bayan panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.
Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa nasabing bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang "plake" ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang "monumento" naman ang itinayo sa gitna ng "plaza" ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.
Ekonomiya
Ang Biñan ay kilalang gitna ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at punong hukbo Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga nagtitinda sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.
Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga paninda sa kanila kanilang mga kinalalagyan, ang iba pa nga ay sa mga daan at masisikip na daanan pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng bunga, gulay, mga "produktong" gawa sa mantikilya, laman ng hayop, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 "oras" na ang "oras" nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.
Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.
Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.
Edukasyon o Pag-aaral
Ang Biñan ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral sa unang "distrito" ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa pook. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:
↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)