Ang Bayan ng Pagsanjan ay isang Ika-2 klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 44,327 sa may 11,404 na kabahayan. Nagmula ang salitang Pagsanjan sa salitang "pinagsangahan" na dating tawag sa lokasyon nito. Dahil na rin sa magandang lokasyon nito, kung saan nagtatagpo ang mga Ilog ng Balanac at Bumbungan, naging sentro ito ng lalawigan ng Laguna sa loob ng 170 taon. Sa napakahabang panahong ito, nakamit ng Pagsanjan ang "Ginintuang Panahon" nito at naging isa sa mga pinakaimportanteng bayan sa labas ng Maynila.
Ang Pagsanjan ang siyang itinuturing na "Tourist Capital of Laguna", dahil sa mga kagandahan nitong natatangi. Ang Talon ng Pagsanjan ay itinuturing na isa sa pinakadinadayong likas na yaman ng bansa, kaya naman maraming lokal at banyagang turista ang nahuhumaling dito. Ang bayan ding ito ay kilala bilang Tahanan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe na nakalagak sa Dambanang Pangdiyosesis ng Pagsanjan. Maipagmamalaki rin ang kanilang Arco Real na sinasabing ginawa matapos ang aparisyon sa lugar ng kanilang patrona. Dalawang taon itong ginawa ng mga masisipag na Pagsanjeño mula 1878 hanggang 1880 sa pangangasiwa ni Fray Cipriano Bac.
Barangay
Ang bayan ng Pagsanjan ay nahahati sa 16 na mga barangay.
- Anibong
- Biñan
- Buboy
- Cabanbanan
- Calusiche
- Dingin
- Lambac
- Layugan
|
- Magdapio
- Maulawin
- Pinagsanjan
- Barangay I (Pob.)
- Barangay II (Pob.)
- Sabang
- Sampaloc
- San Isidro
|
Demograpiko
Senso ng populasyon ng
PagsanjanTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|
1903 | 6,361 | — |
---|
1918 | 7,538 | +1.14% |
---|
1939 | 8,865 | +0.78% |
---|
1948 | 9,282 | +0.51% |
---|
1960 | 10,691 | +1.18% |
---|
1970 | 14,556 | +3.13% |
---|
1975 | 16,188 | +2.15% |
---|
1980 | 19,489 | +3.78% |
---|
1990 | 25,024 | +2.53% |
---|
1995 | 28,999 | +2.80% |
---|
2000 | 32,622 | +2.56% |
---|
2007 | 35,944 | +1.35% |
---|
2010 | 39,313 | +3.31% |
---|
2015 | 42,164 | +1.34% |
---|
2020 | 44,327 | +0.99% |
---|
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.