Distritong pambatas ng Malabon–Navotas

Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang solong Distritong Pambatas ng Malabon–Navotas ang dating kinatawan ng mga noo'y munisipalidad ng Malabon at Navotas (ngayon mga mataas na urbanisadong lungsod) sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

Ang mga nasasakupan ng Malabon at Navotas ay bahagi ng kinakatawan ng Rizal (1907–1972), Rehiyon IV (1978–1984), at ng Distritong Pambatas ng Malabon–Navotas–Valenzuela (1984–1986).

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Malabon at Navotas bilang Distritong Pambatas ng Malabon–Navotas mula 1987 hanggang 2010.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 9387 na niratipikahan noong Hunyo 24, 2007, ginawang lungsod ang Navotas. Ayon sa Seksiyon 58 ng batas, binigyan ng tig-iisang distrito ang dalawang lungsod.

Solong Distrito (defunct)

  • Lungsod: Malabon (naging mataas na urbanisadong lungsod 2001), Navotas (naging mataas na urbanisadong lungsod 2007)
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Teresa Aquino-Oreta
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Federico S. Sandoval II
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Alvin S. Sandoval[a]
Josephine Veronique R. Lacson-Noel[b]

Notes

  1. Inalis sa posisyon noong Setyembre 24, 2009 matapos matalo sa protestang inihain ni Josephine Veronique Lacson-Noel.
  2. Nanumpa sa tungkulin noong Nobyembre 17, 2009 matapos manalo sa protestang inihain niya laban kay Alvin Sandoval, ayon sa desisyon ng House Electoral Tribunal na sinang-ayunan ng Korte Suprema noong Marso 9, 2009.

Tingnan din

Sanggunian

  • Philippine House of Representatives Congressional Library