Ang Linyang Yamanote (山手線,Yamanote-sen) ay isang paikot na linyang daangbakal sa Tokyo, Japan, na pagmamay-ari ng East Japan Railway Company (JR East)[2]. Isa ito sa matrabahong at pinakaimportanteng linya sa Tokyo, na nag-uugnay sa pinakamahahalagang pangunahing estasyon at sentrong urban sa Tokyo, kasama na rito ang lugar ng Yūrakuchō/Ginza, Shibuya, Shinjuku, Marunouchi at Ikebukuro. Maaaring lumipat sa ibang linyang daangbakal ang mga mananakay sa lahat (hindi kasama ang dalawa) ng mga estasyon sa buong linya.
Pinapahiwatig ng "Linyang Yamanote" bilang opisyal na pangalan ng linya ang mga trakto sa pagitan ng Shinagawa at Tabata na ginagamit ng mga lokal na tren sa kanilang trakto kasama na rin ang kahilerang Linyang Pangkargada ng Yamanote na ginagamit ng mga tren ng Linyang Saikyō at Linyang Shōnan-Shinjuku, ang ilang limitadang serbsiyong ekspres at mga treng pangkargada. Subalit, tumutukoy na sa kabuuang 34.5 km paikot na linya ang "Linyang Yamanote" na sineserbisyuhan ng pang-araw-araw na lokal na tren[3]. (Ginagamit rin ng pahinang ito ang kaparehang kahulugan.)
Serbisyo
Tumatakbo ang mga tren mula 04:26 hanggang 01:18 ng susunod na araw na may pagitan na 2.5 minuto tuwing nasa kasagsagan ng karamihan ng tao samantalang apat na minuto kapag hindi. Umaabot ng 59 hanggang 65 minuto ang aabutin kapag inikot ang buong linya. Humihinto ang lahat ng tren sa bawat estasyon. Lumalabas at pumapasok naman ang mga tren mula sa serbisyo sa Ōsaki (para sa kadahilanang maitama ang pagooras sa mga tren) at minsan sa Ikebukuro. May ilang tren naman na nagsisimula mula sa Tamachi tuwing umaga at nagtatapos sa Shinagawa kapag gabi. Kilala ang mga tren na umiikot pakanan bilang sotomawari (外回り, "labas ng bilog") at ang mga umiikot pakaliwa bilang uchi-mawari (内回り, "loob ng bilog"). (Tumatakbo ang mga tren sa kaliwa, tulad ng mga sasakyan sa Hapon.)
Gumaganap din ang linya bilang sonang pangdestinasyon ng pasahe para sa mga tiket ng JR mula sa mga lokasyon na nasa labas ng Tokyo, na nagpapahintulot na bumiyahe sa kahit saang estasyon ng JR o sa iba pang silo. Tumutukoy ang silo sa linya ng Yamanote kasama na rin ang Linyang Chūō-Sōbu sa pagitan ng Sendagaya at Ochanomizu.
Ginagamit ang Dilaw berde Blg.6 ng JNR (■, kodigong Munsell 7.5GY 6.5/7.8), na kilala sa Hapon bilang "Japanese Bush Warbler green" (ウグイス色,uguisu-iro), bilang kulay ng linya sa lahat ng mga tren na ginagamit, sa mga estasyon at sa mga dayagramo.
Mananakay
Tinatantiyang 3.68 milyong pasahero [4] ang nasakay araw-araw sa Linya ng Yamanote sa Tokyo, na may 29 na estasyon. Sa pagkukumpara, nagdadala ang New York City Subway ng 5.08 milyong pasahero kada araw sa 26 na linya na sumeserbisyo sa 472 estasyon,[5] at 3.36 milyong pasahero naman ang dinadala ng London Underground kada araw sa 12 linya na sumeserbisyo sa 275 estasyon.[6]
Pangalan
Literal na tumutukoy ang "Yamanote" sa panloob, maburol na distrito o paanan (na naiiba sa lugar na mas malapit sa dagat). Sa Tokyo, makikita ang "Yamanote" sa kanlurang bahagi ng paikot na Linyang Yamanote. Binubuo ang salita ng mga salitang Hapones na yama, na may kahulugang 'bundok', anghenetibonghulapian na no, at te, na may kahulugang 'kamay', kaya maaaring literal na maisalin ito bilang "kamay ng bundok", na kaparehas sa terminong "paanan" sa Ingles.
Opisyal na nakasulat ang Yamanote-sen sa Wikang Hapones na walang kana na no (の、ノ), na kung saan ay nagbabago ang kanyang baybay kapag nailimbag na. Maaaring mabaybay ang mga karakter na 山手 bilang yamate, tulad na lamang sa Yamate-dōri (Eskinita Yamate), na tumatahak sa kanlurang bahagi ng Linyang Yamanote. Ginagamit din ang pagbabaybay sa Linya ng Seishin-Yamate sa Kobe at sa lugar ng Yamate sa Yokohama.
Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, iniutos ng SCAP na ang lahat ng mga paskil ng mga tren ay nakaromanisado, at naromanisa ang Linyang Yamanote bilang "YAMATE LINE"。 Naging salit-salit na ginagamit ang "Yamanote" at "Yamate" sa pagtawag sa linya hanggang 1971 nang mabago ng Japanese National Railways ang pagbaybay pabalik ng "Yamanote". Tinatawag pa rin ng ilang tao na "Linyang Yamate" ang buong linya.
Noong 1971, binago ng JNR ang lahat ng mga karatula para matukoy ang pagbabaybay sa mga pangalan ng linya. Maiuugnay ang pagbabagong ito sa pagbubukas ng Linyang Agatsuma, na maling nababasa bilang "Azuma" dahil tinanggal ang kanangga (が、ガ) sa pasulat na pangalan. Bilang bahagi ng pagbabagong ito, napagdesisyonan ng JNR na gamitin ang baybay ng Yamanote, isang dahilan na rito ay ang Estasyon ng Yamate sa Linyang Negishi sa kalapit na Yokohama.
Kasaysayan
Nagmula ang Linyang Yamanote noong 1885 nang simulang gawain ang Linyang Shinagawa (品川線,-sen) sa pagitan ng Shinagawa at Akabane, na nilalagpasan ang mga bagong tayong lugar at nagbibigay ng unang ugnay sa hilaga papuntang timog ng Tokyo. Pagkatapos ng pagbubukas noong Hulyo 1, 1886, noong panahon na iyon, nagseserbisyo na ang mga Estasyon ng Shimbashi-Shinagawa-Akabane sa mga pasahero sa apat na balikan sa isang araw[7]. Noong Setyembre 1, 1891, nakakonekta na sa daangbakal ang lahat ng linya ng ikalimang distrito na unang linyang daangbakal sa distrito, ang distrito ng Yokohama, Shimbashi, Shinagawa, Ueno, Takasaki, Utsunomiya, Fukushima, Sendai, Morioka, at Aomori.[7][8][9] Natapos ang itaas na bahagi ng ikot sa pagitan ng Ikebukuro at Tabata noong 1903 (na kilala bilang Linya ng Toshima (豊島線,-sen)) at nang makuryentehan ang linya noong 1909 ang parehang linya ay pinagsama at naging Linya ng Yamanote. Hindi pa tapos ang ikot noong mga panahong iyon, kaya ginagamit ng mga tren ang mga Linya ng Chūō at Keihin-Tōhoku, na bumabagtas mula Estasyon ng Nakano hanggang sa Estasyon ng Tokyo, timog ng Shinagawa, at pakanan sa Linya ng Yamanote Line papuntang Tabata.
Linyang Japan (pangunahing linya ng Linya ng Yamanote)
Linyang Japan (sangang Linya ng Yamanote)
Linyang Japan
1909
Linyang Yamanote (pangunahing linya)
Linyang Yamanote (sangang linya)
Linyang Tohoku
Linyang Tokaido (Yurakucho-Shinagawa)
1914
Linyang Tohoku
Pangunahing Linyang Tokaido
1972
Linyang Yamanote (pangunahing linya)
Linyang Akabane
Linyang Yamanote (pangunahing linya)
1985
Linyang Akabane (Linya ng Saikyo)
Natapos ang ikot noong 1925 nang buksan ang seksyon sa trakto sa pagitan ng Estasyon ng Kanda at Ueno, na nagbibigay ng ugnay sa hilaga-timog sa pamamagitan ng Estasyon ng Tokyo na dadaan sa sentro ng kalakalan ng lungsod[11]. Tumatakbo rin ang isang kahilerang linyang pangkargada, na natapos din noong 1925, sa panloob na bahagi ng ikot sa pagitan ng Shinagawa at Tabata[12].
Samantala noong panahon bago magdigmaan, hindi nagbibigay ng permit ang Ministri ng Daangbakal sa mga pribadong kompanya na gumagawa ng suburban na daangbakal para sa bagong linya na tatawid sa Yamanote mula sa kanilang terminal na estasyon sa gitnang distrito ng Tokyo, na nagpwersa na huminto sa mga estasyon ng linya[13]. Humantong ang polisiyang ito sa pagunlad ng mga bagong sentrong urban (新都心、副都心,shintoshin, fukutoshin) sa paligid ng pangunahing pagpapalitang punto sa Linyang Yamanote, mas kilala sa Shinjuku at Ikebukuro (na kung saan ay ang dalawa sa pinakamatrabahong estasyon ng linya sa buong mundo).
Dumating sa pagiging kontemporaryong linya ang Linyang Yamanote noong 1956 nang maihiwalay ito mula sa Linyang Keihin-Tōhoku at binigyan ng sariling pangkat ng mga trakto sa silangang bahagi ng ikot sa pagitan ng Shinagawa at Tabata[14]. Subalit, patuloy na pana-panahong ginagamit ng Linyang Yamanote ang mga trakto ng Keihin-Tōhoku, partikular na kapag bakasyon at hindi mataong oras, hanggang maisama ang mabilisang serbisyo sa Linyang Keihin-Tōhoku noong 1988.
Humantong ang isang pangunahing pagsabog sa Linyang Pangkargada ng Yamanote sa Shinjuku noong 1967 sa pagkalipat ng trapikong pangkargada sa mas malayong Linyang Musashino. Para solusyonan ang underkapasidad, muling binago ang hangarin ng linyang pangkargada para gamitin ng Linyang Saikyō at Linyang Shōnan-Shinjuku, kasama na rin ang ilang limitadong tren na ekspres tulad na lamang ng Narita Express at ilang serbisyong liner. Gayon din naman, mayroong kasalukyang planong magpahaba sa Pangunahing Linya ng Tōhoku sa Estasyon ng Tokyo para magbigay ng dagdag na kaluwagan sa mga matrabahong bahagi ng Linyang Yamanote ngayon, ang katimugang bahagi sa pagitan ng Ueno at Okachimachi.
Estasyon
Nakatala ang mga estasyon pakanan mula sa Shinagawa hanggang Tabata, subalit sa layuning pagpapatakbo opisyal na nagsisimula ang mga tren sa Ōsaki.
Pakanan (外回り,sotomawari, "labas ng bilog"): Shinagawa → Shinjuku → Ikebukuro → Tabata → Ueno → Tokyo → Shinagawa
Pakaliwa (内回り,uchimawari, "loob ng bilog"): Shinagawa → Tokyo → Ueno → Tabata → Ikebukuro → Shinjuku → Shinagawa
Opisyal na pangalan ng ruta para sa direktang destinasyon.
●:Humihinto ang lahat ng tren, ▲:Dumadaan ang mga espesyal na mabibilis (express special), ▼:Humihinto ang ilang tren, ━:Dumadaan ang lahat ng tren, ※:Hindi dumadaan ang mga tren, tinuturing na dumadaan ito, at Walang marka:Hindi dumadaan
Ang mga serbisyo ng linya ay pinatatakbo ng eksklusibo sa pamamagitan ng isang fleet ng 52 11-na bagon E231-500 series EMU, na kung saan ay phased in mula Abril 21, 2002. [15] Kasama sa mga tren na ito ang bawat isa ay may dalawang "six-door cars" na may anim na pares ng pinto sa bawat panig at bangkang upuan na nakatiklop upang magbigay ng nakatayong silid sa umaga hanggang ika-10 ng umaga Mula Pebrero 22, 2010, ang mga upuan ay hindi na nakatiklop hanggang sa umaga,[16] at ang lahat ng mga tren ay standardized sa mga bagong binuo apat na pinto mga kotse sa pamamagitan ng 31 Agosto 2011.[17] Ito ay dahil sa pinababang kasikipan sa linya pati na rin ang paghahanda para sa pag-install ng mga pintuan ng platform sa lahat ng istasyon ng 2017.[18]
Sinusuportahan ng serye ng E23 ang isang bagong uri ng sistema ng kontrol ng trapiko, na tinatawag na digital Automatic Train Control (D-ATC), na tutulong sa pagbawas ng isang round trip sa isang maikling 58 minuto. Ang serye ay mayroon ding isang mas modernong disenyo at may dalawang 15-inch LCD na sinusubaybayan sa itaas ng bawat pinto, isa na ginagamit para sa pagpapakita ng tahimik na mga patalastas, balita at taya ng panahon; at isa pang ginagamit para sa pagpapakita ng impormasyon sa susunod na hinto (sa parehong Hapon at Ingles) kasama ang abiso ng mga pagkaantala sa Shinkansen at iba pang mga linya ng tren sa mas malaking lugar sa Tokyo. Ang tren ng E231-500 ay batay sa Tokyo General Rolling Stock Center malapit sa Estasyon ng Ōsaki.
103 series (mula Disyembre 1963 hanggang Hunyo 26, 1988)[19]
205 series (mula Marso 25, 1985 hanggang Abril 17, 2005)
Yamanote Line 103 series train, March 1985
Yamanote Line 205 series train, July 2000
Hinaharap
Noong Enero 2012, inihayag na ang linya ng Yamanote ay makakakuha ng bagong istasyon, ang unang bagong istasyon sa loob ng 40 taon. Ang distansya sa pagitan ng istasyon ng Shinagawa at Tamachi ay 2.2 km, ginagawa itong pinakamahabang landas sa Yamanote Line sa pamamagitan ng parehong distansya at oras (3 minuto). Itatayo ang bagong istasyon sa ibabaw ng kasalukuyang 20-ektarya na railyard na sumasailalim sa muling pag-unlad ng JR-East. Ang Yamanote Line at ang Keihin Tohoku Line ay ililipat nang kaunti sa silangan upang mapalapit sa mga track ng Shinkansen. Ang lugar sa kanlurang bahagi ng bakuran na magiging available ay muling bubuo ng mga gusali na may mataas na gusali, na lumikha ng isang internasyonal na sentro ng negosyo na may mahusay na koneksyon sa Shinkansen at Haneda Airport. Ang pagtatayo ng bagong istasyon ay inaasahan na magsimula sa piskal 2014. Ito ay magdadala ng kabuuang bilang ng mga istasyon ng Yamanote sa 30 mula 29.[20][21]
↑Ikaisaandaang taon ng Taon, pagbabasa sa pinagsamang Linyang Yamanote (「山手線 命名100年-38年前に読み統一 「やまのてせん」に」,Yamanotesen meimei 100-nen - 38-nen mae ni yomi tōitsu `ya ma note sen' ni') "Asahi Shimbun" gabing bahagi, ikatlong eidsyon, ikalabingapat na pabalat, Marso 7, 2009
↑"Yamanote Line 100 years". Japan Railfan (sa wikang Hapones). 50 (586): 48. February 2010. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)
↑ 7.07.1Era na Nakikita mula sa Bilang ng Kagubatan-Kasaysayan ng Daangbakal na Nasusundan tulad ng Tablangoras (sa Hapones) ni Miyawaki Shunso(inilathala ng JTB)
↑Ang Hindi Naihahayag na Kwento ng Daangbakal ng Tochigi- Ang Galimgim ng Daangbakal ng Yoshu (sa Hapones) ni Omachi Masami (inilimbag ng Essay)
↑Depot Transition Dictionary (JNR·JR Edition) II (sa Hapones) (inilathala ng JTB)
↑JR電車編成表 2011夏. Japan: JRR. May 2010. pp. 74–75. ISBN978-4-330-21211-1. {{cite book}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)
↑"山手線6扉車を順次4扉車に". Hobidas (sa wikang Hapones). Neko Publishing. 17 February 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 June 2020. Nakuha noong 17 February 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)
↑"山手線全編成の6扉車置換えが完了". Japan Railfan Magazine Online (sa wikang Hapones). Japan: Koyusha Co., Ltd. 6 September 2011. Nakuha noong 6 September 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)
↑"山手線、朝も全座席使えます 混雑率がちょっぴり改善". "Yamanote Line, seats available mornings too; crowding improved slightly." February 17, 2010. Accessed February 17, 2010. (sa Hapones)