lungsod ng Hapon, chūkakushi, prefectural capital of Japan, big city, inland city, city for international conferences and tourism, city with public health center
Pagkaraan ng pasimula ng panahong Meiji, ang dominyo ay naging Prepektura ng Morioka noong 1870, na naging bahagi ng Prepektura ng Iwate mula 1872. Kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa Hapon noong Abril 1, 1889, itinatag ang kasalukuyang lungsod ng Morioka bilang kabisera ng Prepektura ng Iwate. Naiugnay ang lungsod sa Tokyo sa pamamagitan ng tren noong 1890. Kaunti lamang ang naitamo nitong pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakaranas lamang ang Morioka sa dalawang bahagyang mga pagsalakay mula sa himpapawid sa kasagsagan ng digmaan.[5]
Noong Enero 10, 2006, sinanib ang nayon ng Tamayama sa Morioka. Itinalagang core city ang Morioka noong 2008, kalakip ng pinalaking pampook na pagsasarili.
Nang tumama ang lindol sa Tōhoku noong 2011, tumama sa Morioka ang 6.1 na lindol at maraming mga aftershock, subalit kaunti lamang ang naitamo nitong pinsala maliban sa malawak na mga pagwala ng kuryente.[6]
Heograpiya
Matatagpuan ang Morioka sa Limasang Kitakami sa gitnang Prepektura ng Iwate, sa salapong (kompluwensiya) ng tatlong mga ilog, ang Kitakami, ang Shizukuishi at ang Nakatsu. Ang Ilog Kitakami ay pangalawang pinakamalaking ilog sa dakong Pasipiko ng Hapon (kasunod ng Ilog Tone) at ang pinakamahaba sa rehiyong Tōhoku. Dumadaloy ito sa lungsod patimog mula sa hilaga at may ilang mga saplad sa loob ng mga hangganan ng lungsod, kabilang ang Saplad ng Shijūshida at Saplad ng Gandō. Nangingibabaw sa tanawin ng hilagang-kanluran ng lungsod ang Bundok Iwate, isang aktibong bulkan. Nasa hilaga ang Bundok Himekami, at minsang makikita naman sa timog-silangan ang Bundok Hayachine.
↑"Archived copy" 不来方 [Kozukata]. Dijitaru Daijisen (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2013. OCLC56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2013-02-01.
↑"International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures (sa wikang Ingles). Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 December 2015. Nakuha noong 21 November 2015.
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Morioka, Iwate ang Wikimedia Commons.