Ang Ōfunato (大船渡市,Ōfunato-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Iwate, Hapon. Magmula noong 30 Abril 2020 (2020 -04-30)[update], may tinatayang populasyon na 35,452 katao ang lungsod sa 14,895 mga kabahayan, at may kapal ng populasyon na 110 tao sa bawat kilometro kuwadrado.[2] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 322.51 square kilometre (124.52 mi kuw).[3]
Itinatag ang nayon ng Ōfunato sa loob ng Distrito ng Kesen, Iwate noong Abril 1, 1889, kalakip ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa Hapon. Ang lindol sa Sanriku ng 1896 ay nagdulot ng 25-metrong tsunami na ikinasawi ng 27,000 katao sa lugar. Itinaas sa katayuang pambayan ang Ōfunato noong Abril 1, 1932. Muling tumama ang isang tsunami sa bayan nang nagdulot ng isang 28-metrong tsunami ang lindol sa Sanriku ng 1933, na may kalakasang 8.4, at ikinamatay ng 1,522 katao.
Isinanib ang karatig bayan ng Sakari at mga nayon ng Akasaki, Takkon, Massaki, Ikawa at Hikoroichi sa Ōfunato noong Abril 1, 1952, at bumuo ito ng bagong lungsod ng Ōfunato. Nakilala sa daigdig ang lungsod nang tinamaan ito ng tsunaming sanhi ng lindol sa Valdivia, Tsile noong Mayo 22, 1960. Noong Nobyembre 15, 2001, isinanib ang bayan ng Sanriku (mula sa Distrito ng Kesen) sa Ōfunato.
Lindol at tsunami sa Tōhoku ng 2011
Muli naging ulong-balita ang lungsod ng Ōfunato nang napuruhan ito sa kasagsagan ng lindol at tsunami sa Tōhoku ng 2011.[4] Tinatayang umabot sa 23.6 metro ang taas ng alon.[5] Dahil sa makipot na look, tumuloy ang tsunami nang 3 kilometro paloob.[6] Ang teatro ng lungsod ay isa sa iilang mga gusaling nakatayo pa rin (at kapansin-pansing hindi gaanong napinsala) at naging pook na mapagtataguan ng humigit-kumulang 250 mga nakaligtas.[7][8] Itinala sa pansamantalang mga bilang ang 3,498 kabahayang winasak ng tsunami (sa 15,138 mga kabahayan) at 305 mga namatay.[9][10] Hindi bababa sa anim sa 58 itinalagang mga sityo ng paglikas ang nilubog ng tsunami.[11] Itinampok ang Ōfunato sa dokumentaryong Briton na "Japan's Tsunami Caught on Camera" na isinahimpapawid sa Channel 4 ng Nagkakaisang Kaharian.
Heograpiya
Matatagpuan ang Ōfunato sa timog-silangang bahagi ng Prepektura ng Iwate, at nasa silangan nito ang Karagatang Pasipiko. Sa dakong labas ng look nito, tumatagpo ang mainit at malamig na mga agos ng karagatan, kaya matagumpay ang industriya ng komersiyal na pangingisda. Sinusubukan ng lungsod na maging isang pangunahing pantalan ng pagbabarko. Itinalaga ng Ministeryo ng Kapaligiran ang Kaminari-iwa sa baybaying-dagat ng Goishi ng lungsod bilang isa sa 100 mga Soundscape ng Hapon.[12] Nakapaloob ang malaking bahagi ng lungsod sa mga hangganan ng Pambansang Liwasan ng Sanriku Fukkō.
Ayon sa datos ng senso ng Hapon,[15] umabot ang Ōfunato sa pinakamataas nitong populasyon noong mga 1980, ngnuit bumababa na ang populasyon nito sa nakalipas na 40 mga taon.
Historical population
Taon
Pop.
±%
1920
24,175
—
1930
28,608
+18.3%
1940
32,767
+14.5%
1950
41,589
+26.9%
1960
47,363
+13.9%
1970
48,816
+3.1%
1980
50,132
+2.7%
1990
47,219
−5.8%
2000
45,160
−4.4%
2010
40,737
−9.8%
Ekonomiya
Malakihang nakabatay ang pampook na ekonomiya sa komersiyal na pangingisda, kalakip ang paggawa ng semento at pagproseso ng kahoy bilang pangalawang mga industriya.
↑"International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 December 2015. Nakuha noong 21 November 2015.
Panlabas na links
May kaugnay na midya tungkol sa Ofunato, Iwate ang Wikimedia Commons.