Ang Silangang Linya ng Rikuu (陸羽東線, Rikuu-tō-sen) ay isang linyang daangbakal sa Japan, na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Kinokonekta nito ang Estasyon ng Kogota sa Misato, Prepektura ng Miyagi at Estasyon ng Shinjō sa Shinjō, Prepektura ng Yamagata, at nagsisilbing konektor sa pagitan ng Pangunahing Linya ng Tōhoku, Pangunahing Linya ng Ōu, at Tōhoku Shinkansen sa silangang rehiyon ng Tōhoku. Nagbibigay din ito ng akses sa hilaga-kanluran ng Prepektura ng Miyagi at hilaga-silangan ng Prepektura ng Yamagata. Kinokonekta nito ang Linyang Ishinomaki at Pangunahing Linya ng Tōhoku sa Misato, ang Tōhoku Shinkansen sa Ōsaki, at ang Pangunahing Linya ng Ōu at Yamagata Shinkansen sa Shinjō. Tumutukoy ang pangalang ito sa sinaunang lalawigan ng Mutsu (陸奥) at Dewa (出羽) (o sa ibang paraan, lalawigan ng Rikuzen (陸前) at Uzen (羽前) noong panahon ng Meiji), na kinokonekta ng linya.
Estasyon
Talababa
Salin ang artikulong ito mula sa Ingles na Wikipedia.
|
---|
Shinkansen | | |
---|
Pangunahin | |
---|
Lokal | |
---|
Iba pa | |
---|
Dati | |
---|