Binuksan ng Mito Railway Co. ang linya noong Enero 16, 1889[1] na nagseserbisyo sa pagitan ng Estasyon ng Oyama at Mito. Noong Marso 1, 1892, isinanib ang Mito Railway Co. sa Nippon Railway Co.
Noong Hulyo 1, 1895, binuksan ang Linyang Joban ng Nippon Railway Co.. Epekto nito, nagkaroon ng sanga ang Linyang Mito sa Estasyon ng Tomobe. Ginawang pagmamay-ari ng pamahalaan ang kompanya noong 1906.
Noong Oktubre 12, 1909, pinangalanan ng Japanese Government Railways ang Tomobe sa seksyon ng Mito bilang bahagi ng Joban na nagresulta sa kasalukuyang "Linyang Mito" sa pagitan ng seksyong Oyama at Tomobe.
Kinuryentehan ang buong linya noong Pebrero 1, 1967.