Pinag-uugnay ng pangunahing linya ang Estasyon ng Sakura at Estasyon ng Matsugishi (bilang isang alternatibong ruta sa Pangunahing Linya ng Sōbu), at kadalasang tinutukoy na Linyang Samatsu (佐松線,Samatsu-sen). Tinatawag naman ang isang sangang linya mula sa Estasyon ng Abiko hanggang Estasyon ng Narita na Linyang Abiko (我孫子線,Abiko-sen), at kilala naman ang ikalawang sanga bilang Linyang Paliparan (空港線,Kūkō-sen) na nag-uugnay sa Narita at Estasyon ng Narita Airport. Pagmamay-ari ng JR East ang naunang dalawang linya samantalang ang Linyang Paliparan ay pagmamay-ari ng ibang kompanya, ang Narita Airport Rapid Railway, na kung saan ay pinapayagan ang JR East at Daagbakal ng Keisei na gamitin ang linya para sa mga pasahero.