Ang Linyang Yokosuka (横須賀線,Yokosuka-sen) ay isang linyang daangbakal sa Hapon na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East).
Kinokonekta ng Linyang Yokosuka ang Estasyon ng Tokyo at Kurihama sa Yokosuka, Kanagawa. Sa opisyal na usapan, ang pangalang Linyang Yokosuka ay nasa 23.9 km bahagi sa pagitan ng estasyon ng Ōfuna at Kurihama, subalit ang kabuuang ruta ay kadalasang tinatawag na Linyang Yokosuka ng JR East para sa serbisyong pampasahero.[1]