Ang Linyang Ryōmō (両毛線,Ryōmō-sen) ay isang linyang daangbakal na kumokonekta sa Oyama sa Prepektura ng Tochigi at Maebashi sa Prepektura ng Gunma. May haba itong 84.4 km (52.4 mi). Pinapatakbo at pagmamay-ari ito ng East Japan Railway Company (JR East). Tumutukoy ang pangalan sa dalawang prepektura na Gunma at Tochigi na kung saan ang dalawa ay bahagi ng isang sinaunang lalawigan na may pangalang Keno (毛野), na sa katagalan ay nahati sa Kōzuke (Gunma) at Shimotsuke (Tochigi). Kinokonekta ng linya ang parehang kalahati ng lalawigan.
Services
Karamihan sa mga serbisyo ng Linyang Ryōmō ay nagpapatuloy hanggang Shin-Maebashi at nagtatapos sa Takasaki sa Linyang Jōetsu. Tumatakbo ang mga lokal na tren kada isang oras sa araw sa pagitan ng Oyama at Maebashi at dalawa o tatlong beses sa pagitan ng Maebashi at Takasaki. Dumadaan naman ang ilang mabilisang serbisyo mula Ueno at sa Linyang Shōnan-Shinjuku sa Linyang Ryōmō, subalit nahinto sila sa lahat ng estasyon.
Lumalakbay naman ang limitadong ekspres na serbisyo na Akagi sa Maebashi mula Ueno (apat na beses kada araw sa Maebashi, dalawa o tatlong beses sa Ueno) o sa Shinjuku (isang lakbay kada araw). Sa normal na araw, ang ilang serbisyong Akagi ay tinatawag na Swallow Akagi.
↑Ang opisyal na simula ng Linyang Utsunomiya ng Tōbu ay sa Shin-Tochigi, subalit lahat ng tren ay bumibiyahe gamit ang Linyang Nikkō ng Tōbu papuntang Tochigi.
↑Ang opisyal na simula ng Linyang Agatsuma ay sa Shibukawa, subalit lahat ng tren ay dumadaan sa Linyang Jōetsu papuntang Takasaki.
↑Ang opisyal na simula ng Linyang Hachikō ay sa Kuragano, subalit lahat ng tren ay dumadaan sa Linyang Takasaki papuntang Takasaki.
Mga ginagamit na tren
Ang mga sumusunod ay ang mga tren na ginagamit sa Linyang Ryōmō.
↑"JR東日本 高崎線・両毛線 E233系3000番代営業運転開始" [JR East E233-3000 series enter revenue service on Takasaki and Ryomo Lines]. Tetsudō Daiya Jōhō Magazine. 41 (343). Hapon: Kōtsū Shimbun: 78. Nobyembre 2012.
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Ryōmō Line ang Wikimedia Commons.