Mga lalawigan ng Hapon

Ang mga lalawigan bandang 1600, mula kay Murdoch at  Yamagata.
Ang mga lalawigan mula sa Panahong Kamakura hanggang 1868.

Bago ipinatupad ang kasalukuyang sistemang prepektura, ang mga pulo ng Hapon ay hinati sa ilanpung kuni (国, bansa), na karaniwang isinasalin bilang lalawigan.[1] Ang bawat lalawigan ay hinati naman sa mga gun (郡, distrito, dating pangalan kōri).

Kasaysayan

Ang mga lalawigan ay unang nilikha alinsunod sa sistemang Ritsuryō bilang parehong dibisyong administratibo at rehiyong heograpiko.

Subalit, sa huling bahagi ng panahong Muromachi, dahan-dahang pumalit sa kanilang tungkulin ang mga dominyo ng mga sengoku-daimyo. Sa ilalim ng pamumuno ni Toyotomi Hideyoshi, idinagdag ang mga lalawigan bilang pangunahing lokal na dibisyong administratibo. Pinalago ang mga lupain ng mga lokal na daimyo.[2]

Panahong Edo

Sa panahong Edo, nakilala ang mga lupain ng mga daimyo bilang mga han. Lumikha ng sistemang komplementaryo ang mga lalawigang imperyal at dominyong shogunal. Halimbawa, noong inutusan ng shogun ang mga daimyo na gumawa ng senso o gumawa ng mga mapa, inayos ang naging likha ayon sa mga hangganan ng mga lalawiganing kuni.[3]

Panahong Meiji

Sa pagpapanunumbalik ng Meiji, isinabatas ang mga han bilang dibisyong pampamahalaan sa sistemang fuhanken sanchisei, ngunit dahan-dahang pinalitan ng mga prepektura mula 1868 hanggang 1871 (tinawag na fu ang mga prepekturang urban at ken mga prepekturang rural). Hindi tinanggal ang mga lalawigan bilang bahagi ng sistema ng adres, kundi, sa kabaligtaran, idinagdag. Noong 1871, umabot sa 304 ang bilang ng mga prepektura, habang 68 lamang ang mga lalawigan, hindi kasama ang Hokkaidō o ang Kapuluan ng Ryukyu. Hindi lamang naging magulo ang mga hangganan ng napakaraming mga prepektura, kundi hindi rin nagtugma sa mga hangganan ng mga lalawigan. Ipinagsama ang ilang mga prepektura upang bawasan ang bilang sa 37 pagdating ng 1881, at ilan naman ang hinati para bumuo ng 45 noong 1885. Nagdulot ang pagdagdag sa Hokkaidō at Okinawa sa kabuuang 47 prepektura.

Iniuri ang mga lalawigan sa Kinai (sa loob ng kabisera), at pito o walong  (ruta, o sirkito), na sa kabuuan ay kilala bilang goki shichidō. Subalit, hindi dapat maipagpalit sa kontekstong ito ang  sa mga linya ng trapiko sa kasalukuyan, tulad ng Tōkaidō mula Tokyo hanggang Kyoto o Kobe. Hindi rin dapat maipagpalit ang Hokkaidō sa kontekstong ito sa Prepektura ng Hokkaidō, bagama't iisa lamang ang lupaing sinasakupan nito.

Kasalukuyan

Tingnan din

Talababa

  1. Nussbaum, Louis-Frédéric. (2005).
  2. Mass, Jeffrey P. and William B. Hauser. (1987).
  3. Roberts, Luke S. (2002).

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Maaaring mahanap ang mga detalyadong mapa ng mga lalawigan sa iba't ibang panahon sa: