Ang Aklat ni Abdias[1], Aklat ni Obadias[2], o Aklat ni Obadiah[3] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Ito ang pinakamaliit na aklat sa Lumang Tipan sapagkat mayroong dalawamput-isang talataan lamang. Dahil dito, si Abdias din ang natatanging manunulat na umakda sa pinamaiksing aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya.[1][4]
Paglalarawan
Hindi nalalaman kung kailan humula si Abdias at kung kailan niya isinulat ang aklat na ito, pagkaraan ng pagbagsak ng Jerusalem noong 586 BK,[1][2] Ngunit maaaring sa pagitan ng 587 BK at 312 BK, sapagkat pinaniniwalaang ang tinutukoy ni Abdias na pagbagak ng Jeruselam ay yung pagsakop sa Jerusalem ng Babilonia noong 312 BK.[4]
At nilalarawan ding may pagkakatulad ang mga talata nito sa nasa mga pahina ng Aklat ni Jeremias. Tungkol sa kaparusahang darating sa Edom ang isa sa mga hula ni Abdias. Isang kaharian sa timog ng Dagat na Patay ang Edom, na nagpadanas ng mga kasamaan sa mga mamamayang taga-Juda. Matagal nang kalaban ng Juda ang Edom, kaya't ikinagalak ng huli ang pagbagsak ng Jerusalem.[2] Naganap ito nang lusubin ng mga Caldeo ang Juda noong 587 BK.[2][4] Nagnakaw rin ang mga Edomita (tinatawag ding mga Idumeo) mula sa lungsod at nakipagtulungan pa sa mga mananakop.[2] Subalit nangyari rin ang paghahatol ng Diyos laban sa mga Edomita nang sakupin naman sila ng mga Nabateo[5] noong 312 BK.[1][4] Kabilang pa sa mga hula ng propetang si Abdias ang pananaig at pagtatagumpay ng mga taga-Juda, ang pagkatalo ng lahat ng bansang kaaway ng Israel[2], at maging ang pagsapit "kaligtasan ng daigdig" na magmumula sa Bundok ng Sion.[1] Tiniyak ni Abdias sa mga napadalang-bihag na mga Israelita na ibabalik sila sa kanilang bayan, ang "Lupang Ipinangako," at mapapailalim sa kapangyarihan nila ang Edom.