Ang Aklat ni Baruc[1] o Aklat ni Baruch ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni Baruc, ang kalihim ng propetang si Jeremias, at pinaniniwalaan ding nasusulat sa Ebreo bago nalipon upang maging isang aklat.[1]
Si Baruc
Si Baruc ay anak ni Nerias na naging alagad at isang kalihim ng propetang si Jeremias. Noong 583 BK, ang panahon kung kailan nalukob ni Nabucodonosor ang Jerusalem, pumunta si Baruc sa Babilonia, kung saan sinulat niya ang hulang may layuning himukin ang mga nadalang bihag na mga Hudyo patungo sa gawain ng pagsisisi ng mga kasalanan, at para na rin masugpo ang pagsamba ng mga ito sa mga hindi totoong mga diyos.[2]
Ang aklat
Nasulat sa pagitan ng 582 BK at 540 BK ang Aklat ni Baruc. Binubuo ito ng tatlong bahagi: ang kasaysayan ng kapanahunan ni Baruc; ang pag-amin sa kanilang mga kasalanan ng mga Israelita; at ang pangaral kaugnay ng pagbabalik-kalooban sa tunay na Diyos ng mga mamamayan. May karagdagang pangaral si Baruc na nasa bandang huli ng aklat, ang tungkol sa kaniyang hindi pagsang-ayon sa pagkakaroon ng mga diyos-diyusan.[2]
Ang orihinal
Nawala ang orihinal na aklat na nasa wikang Ebreo, kaya't nakabatay ngayon ang mga pangkasalukuyang salin o anyo ng Aklat ni Baruc mula sa tinatawag na Salin ng Pitumpu (LXX) o ang Saling Griyego.[2]
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.