Unang Aklat ng mga Macabeo

Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Unang Aklat ng mga Macabeo[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isa ito sa mga librong deuterokanoniko ng Kanon Katoliko at Apokripa sa Kanon Protestante na isinulat ng isang Hudyong manunulat makaraan ang pagbabalik ng isang nagsasariling kahariang Hudyo noong mga 100 BC. Kasama ito sa mga kanon ng mga Simbahang Katoliko at Silanganing Ortodokso. Sa pangkalahatan, itinuturing itong isang tiyak na kasaysayan ng mga Protestante at mga Hudyo ngunit hindi nila isinama bilang bahagi ng Banal na Kasulatan.

Ayon sa pagkakabanghay sa Bibliya, kasunod nito ang Ikalawang Aklat ng mga Macabeo.[1]

Paglalarawan

Kabilang sa Apokripa o Deuterokanoniko ang Unang Aklat ng mga Macabeo. Sa katunayan, nagtatapos ang Apokripa sa Una at Ikalawang Aklat ng mga Macabeo.[2]

Itinuturing na isang tumpak at makatotohanang paglalahad ng pakikidigma ng mga Hudyo laban kay Antioco Epiphanes ang Unang Aklat ng mga Macabeo. Noong mga panahong iyon, kabilang sa imperyo ni Antioco Epiphanes ang Palestina. Sinubok pilitin ni Antioco ang mga Hudyo na makiayon at makibagay sa kaugalian ng mga Griyego, sa kabila ng pagtatakwil ng mga Hudyo sa pananampalataya ng kanilang mga ninuno. Nagsagawa ng pag-aaklas ang mga Hudyo laban kay Antioco sa ilalim ng pamumuno ng mga magkakapatid na Macabeo.[2]

Sinasaad sa mga pahina ng librong ito ang pagiging bayani ng taong nagngangalang Judas Macabeo at ng mga kapatid niya. Ipinagtanggol nila ang kanilang pananampalataya at bayan. Tinatayang naganap ang mga pangyayaring nakapaloob sa aklat na ito noong mga 167 BC/168 BC hanggang 134 BC/135 BC.[2] Naglalaman din ang aklat ng mga pagpapatunay tungkol sa kabilang-buhay, sa muling-pagkabuhay ng mga namatay na, ang purgatoryo, at ang perpetuwal na pagpaparusa sa taong nagkasala.[1]

Ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang tagumpay ng magkakapatid na mga Macabeo tuwing kapistahan ng Pagtatalaga.[2]

Mga bahagi

Binubuo ang Unang Aklat ng mga Macabeo ng apat na mga bahagi:[1]

  • Pambungad na Salita (1, 1-1, 66)
  • Kasaysayan ni Matatias (2, 1-2, 70)
  • Si Judas Macabeo, Pangulo ng mga Hudyo (3, 1-9, 22)
  • Si Jonatan, Pangulo ng mga Hudyo at Punong Pari (9, 23-16, 24)

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Macabeo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "First and Second Maccabees, Bible, p. 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing