Pebrero 12 -- Nagpadala si Jamalul Kiram III, ang sultan ng Sulu, ng 200 mga armadong tagasunod na sinasabing bahagi ng kanyang "royal army" ng Sultanato ng Sulu, na sumalakay sa Lahad Datu, Sabah, upang okupahin ang bahagi ng inaangking estado ng Sabah, na nagiging sanhi ng isang hidwaan na sumubok sa ugnayang bilateral ng Pilipinas at Malaysia. Pagkatapos ng 17 araw, ipinahayag ng Malaysia noong Marso 1, ng pagwawakas sa 17-araw na sagupaang inudyukan ng grupo. [1]
Marso
Inantala ng Korte Suprema ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Act na magbibigay sana ng libreng contraception sa mahihirap na kababaihan at kinakailangan ng sex education sa mga paaralan.
Mayo
Mayo 9 -- Pinaputukan mula sa sasakyang-dagat ng Philippine Coast Guard vessel ang isang Taiwanese fishing vessel sa Balintang Channel na di-umano'y sa loob ng teritoryong maritime ng Pilipinas, ang territoryal na tubig at EEZ na kapwa inaangkin ng dalawang bansa, Pilipinas at Taiwan, na ikinamatay ng isang mangingisdang Taiwanese.
Mayo 15 -- Ang Enhanced Basic Education Act of 2013, karaniwang kilala bilang K-12 program ay nilagdaan.[2]
Mayo 28 -- Naunang ipinahayag ng COMELEC ang 38 grupo bilang mga nagwaging party list sa Halalan. Nagwagi ang partidong pro-life na Buhay (nakakuha ng 1.2 milyong boto) na tanging nagkamit ng 3 upuan sa Kongreso, habang 13 ang nagkamit ng 2 upuan bawat isa, at 24 iba pa ang nagkamit ng tig-iisang upuan. May lima pang upuan ang nanatiling bakante.[3][4]
Hunyo
Hunyo 6 -- Inilabas ng COMELEC ang pinakahuling canvass report para sa Halalan sa pagka-Senador. Ang mga sumusunod ay mga nangunang labindalawang Senador ayon ritoː[5][6]
Naunang ipinahayag ng COMELEC ang unang anim na nagwaging Senador sa Halalan noong Mayo 16, ang sumunod na tatlo pa noong Mayo 17, at ang natitirang tatlo noong Mayo 18.[7][8][9][10]
Hulyo 26 -- Batas at krimen. Ayon sa LTFRB, ang pagbabawal sa mga bus sa pagpasok sa Maynila ay ilegal, ngunit nanindigan ang lokal na pamahalaan na legal ang ipinasa nilang resolusyon.[12]
Alitang armado at mga pag-atake. Isang pagsabog sa Lungsod ng Cagayan De Oro na ikinasanhi ng pagkamatay ng 6 na tao at 37 sugatan.[13]
Batas at krimen. Muling pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpasok at pagdaan ng mga bus na may prangkisa sa mga kalsada ng lungsod. Naglabas si Alkade Joseph Estrada ng mga kundisyon: kailangang may disiplina, siguruhing hindi makakasagabal sa trapiko at higit sa lahat, bawal mag-terminal o umistambay saanmang panig ng Maynila.
Agosto 2 -- Internasyonal na relasyon. Dumating sa karagaran ng Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz, ang pinakabagong barkong pandigma ng bansa mula sa Estados Unidos.[15]
Agosto 5
Alitang armado at mga pag-atake. Umabot sa 8 katao ang namatay habang 24 iba pa ang sugatan matapos ang isang pagsabog sa Lungsod ng Cotabato.[16]
Batas at krimen. Parehong nagdesisyon ang Senado at Kamara na itigil ang planong pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam matapos mapagkasunduan ng mga senador na ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng ilang ahensiya ng gobyerno.[17]
Agosto 6 -- Kalusugan. Ayon sa Kagarawan ng Kalusugan, mahigit sa kalahating milyong Filipino ang may problema sa mata, ang tatlong pinakamadalas na sanhi ng pagkabulag ay katarata, glaucoma at macular degeneration.[18]
Agosto 7 -- Alitang armado at mga pag-atake. Sugatan ang 7 sundalo sa Maguindanao matapos sumabog ang isang bomba.[19]
Agosto 8
Batas at krimen. Inirekomenda ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) ang pagsasampa ng kasong pagpatay sa kapwa laban sa walong tauhan ng Tanúrang Baybayin ng Pilipinas (PCG), kabilang ang kanilang namumunong opisyal, na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng mangingisdang taga-Taiwan sa Balintang noong nakalipas na Mayo 9.
Internasyonal na relasyon. Inalis ng Taiwan ang lahat ng pagbabawal na ipinataw sa Pilipinas pagkatapos humingi ng tawad ni Pangulong Benigno Aquino sa pamilya ng napatay na mangingisda sa Balintang noong Mayo 9.[20]
Agosto 9 -- Kalikasan. Ipinagbawal ang paghuli at pagkain ng mga hayop-dagat sa ilang parte ng probinsiya ng Kabite dahil sa pagtagas ng langis sa karagatan.[21]
Agosto 12
Sakuna at aksidente. Bagyong Labuyo (Utor - Internasyonal na pangalan), 2013: Nagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas ang ilang paaralan sa Maynila at maging sa mga probinsiya dahil sa pananalasa ng bagyong Labuyo. Isa ang patay dahil sa pagguho ng lupa sa probinsiya ng Benguet. Ipinasara rin ang Daang Kennon. Matinding hinagupit ng bagyo ang probinsiya ng Aurora, matapos nitong lumapag sa lupain ng Casiguran.[22][23][24]
Internasyonal na relasyon. Itinaas ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang badyet ng tulong militar sa Pilipinas mula sa 30 milyong dolyar sa 50 milyong dolyar.[25]
Batas at krimen. Kinumpirma kahapon ni Leila de Lima, kalihim ng Kagawaran ng Katarungan na sa mga susunod na linggo ay inaasahang maisasampa na ang kaso laban sa ilang mambabatas na sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Agosto 15 -- Internasyonal na relasyon. Itinaas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o DFA ang antas ng alerto bilang 3 sa Ehipto at pansamantalang ipinatigil ang pagpapadala ng mga manggagawa dahil sa kaguluhang nagaganap sa Cairo.[28]
Agosto 16 -- Sakuna at aksidente. Lumubog ang barko ng MV St. Thomas Aquinas pagkatapos bumangga sa isa pang barkong pangkargamento sa Cebu, 26 katao ang unang naiulat na namatay. Noong Agosto 17, Tumaas sa bilang na 31 katao ang patay at 170 pa ang nawawala.[29][30]
Sakuna at aksidente. Umabot na sa 7 ang nasawi at mahigit 600,000-katao ang naapektuhan ng hagupit ng nagsanib-puwersang bagyong "Maring" at habagat, naparalisa ang buong Maynila at malaking bahagi ng Luzon.
Sakuna at aksidente. Natagpuang buhay ang isang mangingisdang taga-Batanes na nawala noon pang Agosto 11, sa bansang Hapon matapos tangayin ng kanyang bangka ng malalakas na alon. [32]
Agosto 22 -- Sakuna at aksidente. Pumasok na sa teritoryo ng Tsina ang bagyong Maring "Trami" (internasyonal na pangalan) pagkatapos manalanta at kumitil ng 17 katao sa Pilipinas.[33]
Agosto 23 -- Sakuna at aksidente. Nasa 662 pa ring mga lugar ang nananatiling lubog sa baha dahil sa habagat, mula ito sa 88 munisipalidad na sakop ng Rehiyon I, III, IV-A, IV-B at Pambansang Punong Rehiyon o Maynila.
Agosto 26 -- Politika at eleksiyon. Binuo at ginawa ang ang malawakang kilos protesta laban sa Priority Development Assistance Fund scam sa iba't-ibang lugar sa buong bansa. Nagsagawa rin ang komunidad ng mga Pilipino sa buong mundo ng welga ng pagkakaisa. Ang pinakamalaking demonstrasyon na ginanap ay ang Martsa ng Milyong Katao sa Luneta Park sa Maynila.[34]
Agosto 28 -- Batas at krimen. Sumuko si Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III, kasunod ng pag-anunsuyo ng Pangulo na gagantimpalaan ng 10-milyong piso kung sino ang makakapagturo sa kanyang kinaroroonan. Si Napoloes ay hinanap ng awtoridad dahil sa kaugnayan nito sa pork barrel scam.[35][36]
Setyembre 28 -- Itinigil ang pag-iral ng UFSBR bilang pagkatalo sa krisis sa lungsod.
Setyembre 20 -- Sakuna at aksidente. Inilikas ang mga nakatira sa malalapit sa dagat sa Pilipinas at ipinatigil ang mga serbisyong pandagat maging ang mga pangingisda dahil sa paparating na Bagyong Usagi na may lakas na katergoryang 5.[41]
Setyembre 21 --Sakuna at aksidente. Tumama ang bagyong Usagi sa hilagang bahagi ng Pilipinas na naging sanhi ng pagbaha, pagguho ng mga lupa at pagparalisa sa mga sasakyan, komunikasyon at elektrisidad.[42]
Oktubre 15 -- Bandang 8:12 ng umaga (PST), niyanig ng matinding lindol ang lalawigan ng Bohol na may magnitude ng 7.2 Ms na nagresulta sa 222 nasawi, 976 nasugatan, at 8 nawawala.
Oktubre 28 -- Nilikha ang Davao Occidental bilang ika-81 lalawigan ng Pilipinas sa Bisa ng Batas Republika Blg. 10360.
Nobyembre
November 7 - Sa unang pagkakataon, humarap sa Senado ang umano'y mastermind sa P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles upang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.
Disyembre 28 -- Ipinatupad ang pagiging lungsod ng bayan ng San Pedro, Laguna, ang ika-144 na lungsod sa bansa, matapos magwagi sa isang plebisito.[44][45] Naunang nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Batas Republika Blg. 10420[46] na nagsabatas na gawing lungsod ang naturang bayan.[47]
Mga paggunita
Mga okasyon sa italiko ay "special holidays ," mga nasa bold ay ang "regular holidays."
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."