2015 sa Pilipinas

Idinedetalye ng 2015 sa Pilipinas ang mahalaga at makabuluhang mga kaganapan ng tala na nangyari sa Pilipinas noong taong 2015. Ang mga pandaigdig na kaganapan na konektado, o nag-aalala sa Pilipinas ay kasama rin sa artikulong ito.

Ang taon ay itinalaga ng Kagawaran ng Turismo bilang Visit the Philippines Year.[1]

Mga nanunungkulan

Kaganapan

Enero

  • Enero 9 -- Sa isang desisyon, ipinahayag ng Korte Suprema en banc na labag sa konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o "pork barrel" funds.
Seremonya sa pagdating ni Pope Francis sa Villamor Airbase.
Ang 44 opisyal ng pulisya na napatay sa engkwentro.

Pebrero

  • Pebrero 16 -- Pormal na kinansela ng Pangasiwaan ng Kalakalang Pandagat (MARINA) ang lisensya ng Sulpicio Lines, na ngayon ay naglilingkod bilang Philippine SpanAsia Carrier, sa pagdala ng mga pasahero sa dagat dahil sa paglubog ng MV Princess of the Stars noong 2008.
  • Pebrero 25 -- Nagpahayag ang AFP ng kampanyang all-out offensive laban sa hiwalay na grupo ng MILF, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Marso

  • Daan-daang mga rebeldeng Muslim sa katimugang Pilipinas ang nagparehistro para makaboto sa Halalan ng 2016 sa ilalim ng kasunduang pangkapayapaan na dinisenyo upang tapusin ang apat na dekadang hidwaan.
Barkong pandigmang Hapones na Musashi (1944). Ang napinsalang barko ay natagpuan noong Marso 4 sa Dagat Sibuyan.

Abril

  • Abril 14 -- Kaugnay sa kasong serious illegal detention, napatunayang nagkasala nang walang makatwirang pagdududa si Janet Lim Napoles, ang utak ng PDAF Scam, at noon ay hinatulan ng reclusion perpetua.
  • April 29 -- Ipinagpaliban ang pagpapatupad ng bitay sa nahatulang Filipina drug mule na si Mary Jane Veloso sa bansang Indonesia.

Mayo

Hunyo

Nilikha ang Rehiyon ng Pulo ng Negros sa bisa ng Executive Order 183.

Hulyo

Agosto

  • Agosto 6 -- Naghain ng kasong diskwalipikasyon si Rizalito David laban kay Senador Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal.[6]
  • Agosto 18 -- Pansamantalang pinalaya ang isa sa mga akusado sa PDAF scam si dating Senate President Juan Ponce Enrile nang makapaglagak ng piyansa. Nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan siyang magbigay ng piyansa sa dahilang humanitarian.
  • Agosto 27-31 -- Nagsagawa ng mga demonstrasyon ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo malapit sa opisina ng Kagawaran ng Katarungan at kalaunan ay sa EDSA.

Setyembre

  • Setyembre 1 -- Pinatay ng isang grupo ng mga armadong paramilitary, di-umano'y kasama ng mga sundalo, sina Emerico Samarca, direktor ehekutibo ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), Dionel Campos, isang lider ng komunidad, at ang kanyang pinsan na si Datu Bello Sinzo, sa nayon ng Diatagon sa Lianga, Surigao del Sur. Bunga nito, hindi bababa sa 2,000 residente mula sa nayon ang lumikas.[7]
  • Setyembre 7 -- Sinimulan ng PNP Highway Patrol Group ang kanilang mga tungkulin bilang traffic enforcers na pinalawak sa Epifanio De los Santos Avenue (EDSA), lalo na sa 6 na pangunahing chokepoints kung saan natuklasan ang build-up ng trapiko.
  • Setyembre 20 -- Nadakip ang magkapatid na sina Joel at Mario Reyes, pawang mga pangunahing salarin sa pagpaslang kay Gerardo "Gerry" Ortega sa Puerto Princesa, ng mga immigration officer sa Phuket, Thailand.[8]

Oktubre

  • Oktubre 9 -- Napatalsik ng Ombudsman mula sa kanyang puwesto sa pagka-alkalde si Junjun Binay.
  • Oktubre 12-16 -- Naganap ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga kakandidato sa Pambansang Pangkalahatang Halalan, 2016.
  • Oktubre 25 -- Nahuli sa NAIA ang isang 56-taon gulang na babaeng Overseas Filipino Worker na patungo sanang Hong Kong dahil di-umano sa pagdadala ng bala ng baril.[9][10] Nagdulot ng mga reaksyon ng publiko ang insidenteng bahagi ng iskandalong 'laglag-bala.'[11]
  • Oktubre 30 -- Nagpasiya ang UN Permanent Court of Arbitration na may kapangyarihan ito upang dinggin ang kaso ng maritime claim na isinampa ng Pilipinas laban sa China.

Nobyembre

Disyembre

  • Disyembre 5 -- Tumanggap ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (PAF) ng dalawang FA-50 lead-in fighter jets, dalawang C-295 medium-lift fixed-wing aircraft at anim na Augusta 109 attack helicopters para sa pagtatanggol sa teritoryo, paghahanap at pagsagip, pagtugon sa sakuna at operasyong kombat.
Mapa ng Lalawigan ng Cavite na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Gen. Trias.

Iba pang Kaganapan

Kalakalan at Ekonomiya

  • Ipinahayag sa taong ito ang Pilipinas bilang Rising Tiger ng Asya.[15]
  • Sa ulat ng CPI noong 2015, bumaba ang corruption perception ratings ng bansa sa ika-95 (mula ika-85) sa 168 mga bansa na kasama sa CPI, na may markang 35 sa 100.[16]

Kalusugan

  • Disyembre 23 -- Ang Pilipinas ay naging unang bansa sa Asya upang aprubahan ang pagbebenta ng unang bakuna sa dengue sa mundo, ang Dengvaxia.

Palakasan

  • Pebrero 7 -- Boxing. Tinalo ni Jason Pagara si Cesar Chavez ng Mehiko sa ikalawang round sa "Pinoy Pride 29: Fists of Fury" na ginanap sa USEP Gym, Lungsod ng Davao. Napanatili niya ang titulong WBO International junior welterweight. Nagwagi rin sa kanilang mga laban sina Genesis Servania, Arthur Villanueva, Marc Magsayo at Arjan Canillas.[17]
  • Marso 28 -- Boxing. Tinalo ni Nonito Donaire si William Prado ng Brazil, at ni Donnie Nietes si Gilberto Parra ng Mehiko, sa "Pinoy Pride 30: D-Day" na ginanap sa Araneta Coliseum. Nagwagi rin sa isa pang laban si Albert Pagara.[18]
Natalo si Manny Pacquiao sa boxing match laban kay Floyd Mayweather, Jr.
  • Hulyo 12 -- Boxing. Tinalo ni Mark Magsayo si Rafael Reyes ng Mehiko, at ni Donnie Nietes si Francisco Rodriguez ng Mehiko, sa "Pinoy Pride 31: Clash of World Champions" na ginanap sa Cebu City Waterfront Hotel & Casino sa Lungsod ng Cebu.[19]
  • Agosto 7 -- Boxing. Nagwagi sina Albert Pagara at Jason Pagara sa "Pinoy Pride 32: Duel in Dubai 2" na ginanap sa World Trade Center sa Dubai.[20]
  • Oktubre 18 -- Boxing. Nagwagi sina Albert at Jason Pagara, at Mark Magsayo, sa "Pinoy Pride 33: Philippines vs. The World" na ginanap sa StubHub Center sa Carson, California.[21]
  • Nobyembre 28 -- Boxing. Nagwagi sina Arthur Villanueva, Milan Melindo, Kevin Jake Cataraja, AJ Banal at Rocky Fuentes, sa "Pinoy Pride 34: Back with a Vengeance" na ginanap sa Hoops Dome sa Lungsod ng Lapu-Lapu.[22]

Aliwan at Kultura

Nagwagi si Pia Wurtzbach ng titulo sa Binibining Pilipinas at kalaunan ay nakoronahan bilang Miss Universe 2015.
  • Mayo 7 -- Sa isang pormal na seremonya, ang Lungsod ng Vigan ay pormal na ipinakilala sa publiko bilang bahagi ng "New 7 Wonder Cities."[23]
  • Mayo 14 -- Nagwagi ang pangkat ng mga mananayaw ng karilyo mula Batangas na El Gamma Penumbra, na minsang sumali sa Pilipinas Got Talent, sa kauna-unahang serye ng Asia's Got Talent (naisahimpapawid sa AXN Asia) sa Singapore. Nailagay naman sa ikatlo sa kompetisyon ang Pilipinong klasikal na mang-aawit na si Gerphil Flores. Kabilang din sa finalists ang mang-aawit na si Gwyneth Dorado at grupo ng mananayaw na Junior New System.
  • Mayo 30 -- Nilahukan ng 8,018 katao ang pagtatangka sa bagong pandaigdigang tala ng Guinness (Largest human smiley) na isinagawa sa Burnham Green, Quirino Grandstand, Luneta Park, Maynila, at nakuha ito ng Alliance In Motion Global Inc. (Philippines).[24]
Nagwagi si Angelia Ong ng titulong Miss Philippines Earth at kalaunan ay nakoronahan bilang Miss Earth 2015.
  • Disyembre 31 -- Nakoronahang 2015 Miss Tourism Queen International si Leren Mae Bautista.

Sakuna at Aksidente

  • Enero 19 -- Hindi bababa sa 10 manggagawa ang nasawi nang gumuho ang isang kongkretong pader sa isang itinatayong warehouse sa Guiguinto, Bulacan.[31]
  • Mayo 13 -- Naganap ang sunog sa pagawaan ng tsinelas na Kentex Manufacturing. Nagresulta sa pagkasawi ng 72 mga empleyado.
  • Hulyo 2 -- 59 tao ang nasawi at 145 ang nakaligtas nang tumaob ang barkong M/B Kim Nirvana lulan ang 189 pasahero at crew ilang minuto pagkatapos umalis ng Ormoc.[32]
  • Hulyo 17 -- Isang pader sa isang malawak na hukay ng karbon ang gumuho, na ikinamatay ng 9 na manggagawa, sa lugar kung saan isang katulad na insidente ang naganap dalawang taon na ang nakakaraan sa open Panian pit sa Semirara Island, Antique.[33]
  • Agosto 4 -- Hindi bababa sa 7 tao ang namatay, kabilang ang 4 na bata, sa sandaling baha dulot ng malakas na ulan sa Timog Pilipinas.[34]
  • Agosto, unang bahagi -- Nanalasa ang Bagyong Hanna (Typhoon Soudelor) sa Pilipinas.
  • Agosto 14 -- Nasunog ang barkong MV Wonderful Stars na may lulang 544 pasahero sa pantalan ng Ormoc City, dalawang crew lamang ang bahagyang nasaktan.[35]
  • Agosto 22-23 -- Nanalasa ang Bagyong Ineng (Typhoon Goni) sa Pilipinas. Matapos umalis ng hilagang Pilipinas, nakapagtala ito ng hindi bababa sa 15 tao ang patay at maraming iba pang nawawala na karamihan ay nalibing sa pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar.[36]
  • Oktubre 6 -- Namataaan ng Philippine Coast Guard ang isang katawan, mga labi at isang oil slick sa laot ng dagat na nasa 400 km sa kanluran ng Laoag. Ang yateng Europa lulan ang dalawang Briton, isang Amerikano, isang Canadian at isang Pilipino ay naglaho habang naglalayag sa katubigang hinahagupit ng bagyo linggong nakaraan.[37]
  • Oktubre 18 -- Tinamaan ng Bagyong Lando, opisyal na tinawag bilang Typhoon Koppu, ang hilaga at gitnang Luzon, lumikha ng malawakang pinsala at baha sa Luzon. Unang nanalasa sa dalampasigan ng hilagang-silangang lalawigan ng Aurora kinaumagahan, nag-iwan ito ng hindi bababa sa 39 patay, at higit sa 65,000 residente ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Naging sanhi rin ito ng malawak na pinsala sa mga sakahan at pangisdaan.[38]
  • Oktubre 30 -- Nasawi ang 15 vendor kabilang ang 4 na bata sa sunog sa pampublikong pamilihan sa Zamboanga City.[39]
  • Disyembre 14-19 -- Winasak ng Bagyong Nona (Typhoon Melor) ang mga bahagi ng Pilipinas, pumatay ng 41 at umabot sa ₱ 2 bilyon ang mga pinsala.

Mga paggunita

Noong Hulyo 17, 2014, inanunsyo na ng pamahalaan ang hindi bababa sa 18 na pagdiriwang sa Pilipinas para sa 2016 tulad ng ipinahayag sa pamamagitan ng bisa ng Proclamation No. 831, serye 2014.[40] Tandaan na sa listahan, mga okasyon sa italiko ay "special non-working holidays," mga nasa bold ay ang "regular holidays," at sa mga nasa di-italiko at di-bold ay ang "espesyal na okasyon para sa mga paaralan."

Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming lugar ang mga lokal na pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bayan. Ito rin ay "espesyal na araw."

Kamatayan

Enero

  • Enero 7 -- Susan Calo-Medina, television host. (isinilang 1941)

Marso

  • March 4 -- Jam Sebastian, bahagi ng JaMich, isang real-life couple na nagkamit ng katanyagan sa YouTube. (isinilang 20 Marso 1986)[42]
  • March 14 -- Liezl Martinez, aktres, TV host at MTRCB board member. (isinilang 27 Marso 1967)[43]
  • Marso 27 -- Josefino Cenizal, aktor, musikero, kompositor at direktor. (isinilang 14 Setyembre 1919)

Abril

  • Abril 1 -- Roel Cortez, mang-aawit at manunulat ng awit noong dekada 1980. (isinilang 30 Hulyo 1967)
  • Abril 14 -- Ameril Umbra Kato, founding leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. (isinilang 18 Mayo 1946)
  • Abril 17
    • Gary Ignacio, bokalista ng bandang Alamid. (isinilang 1966)
    • Richie D' Horsie (Ricardo Reyes), komedyante. (isinilang 13 Setyembre 1957)

Mayo

Hunyo

  • Hunyo 13 -- Junix Inocian, aktor. (isinilang 17 Marso 1951)
  • Hunyo 28 -- Leoncio Pitao, o 'Kumander Parago,' ang punong kumander ng New People's Army.

Hulyo

  • Hulyo 7 -- Julia Buencamino, aktres. (isinilang 5 Disyembre 1999)
  • Hulyo 8
  • Hulyo 15 -- Pocholo Montes, beteranong aktor. (isinilang 1946)
  • Hulyo 17 -- Andal Ampatuan, Sr., dating gobernador ng lalawigan ng Maguindanao. (isinilang 1941)
  • Hulyo 23 -- Jimboy Salazar, mang-aawit at aktor. (isinilang 1981)

Agosto

  • Agosto 2 -- Marcelo "Ozu" Ong, kasapi ng “Masculados Dos.” (isinilang 1985)
  • Agosto 6 -- Amado Pineda (isinilang 5 Mayo 1938)
  • Agosto 17 -- Agapito 'Butz' Aquino, Senador (1987 – 1995). (isinilang 20 Mayo 1939)

Oktubre

  • Oktubre 5 -- Joker Paz Arroyo, Senador (2001 – 2013). (isinilang Enero 5, 1927)
  • Oktubre 8 -- Elizabeth Ramsey, artista, mang-aawit, at komedyante. (isinilang Disyembre 3, 1931)
  • October 10 -- Guillermo "Gerry" Katigbak, beterano at kilalang fashion designer. 
  • Oktubre 13 -- Rizzini Alexis Gomez, nagwagi ng titulong 2012 Miss Tourism International (isinilang 1990)[44]

Nobyembre

  • Nobyembre 3 -- Nolyn Cabahug (isinilang 1956)
  • Nobyembre 8 -- Willy Milan (Wilfredo Cruz) (isinilang 1947)

Disyembre

Mga taga-media na pinaslang sa bansa sa taong 2015 (sa pitong mamamahayag na pawang hindi pa tiyak ang motibo[45], tatlo rito ay posibleng may kinalaman sa kanilang mga trabaho:[46] Ybañez, Escanilla, Maestrado):

Estatistika

Iba pang impormasyon
Lawak 300,000 kilometro kwadrado (115,831 milya kwadrado)
Populasyon (Batay sa senso, Agosto 1, 2015): 100,981,437[48]
Kabisera Maynila (ang ilang mga opisina ng pamahalaan at mga kagawaran ay matatagpuan sa Lungsod ng Quezon at iba pang mga lugar sa Kalakhang Maynila)

Mga Panlabas na Kawing

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "It's still more fun in PHL: 2015 will be Visit the Philippines Year, says DOT"GMA News. 09-04-2014. Hinango 10-04-2016.
  2. "TIMELINE: Mamasapano clash" Rappler. 02-07-2015. Hinango 10-11-2016.
  3. "SLIDESHOW: AFP’s chronology of events of Mamasapano clash" INQUIRER.net. 02-09-2015. Hinango 10-11-2016.
  4. "DOJ conducts preliminary probe of 90 respondents in Mamasapano case" Naka-arkibo 2016-01-11 sa Wayback Machine. CNN Philippines. 11-27-2015. Hinango 10-15-2016.
  5. "Chronology of Events: Tukanalipao, Mamasapano Incident" Scribd (Upoaded by Office of the Presidential Adviser on the Peace Process) Hinango 10-15-2016.
  6. "TIMELINE: Grace Poe's citizenship, residency" Rappler. Setyembre 4, 2015.
  7. "TIMELINE: Attacks on the Lumad of Mindanao" Rappler. 09-16-2015. Hinango 10-01-2016.
  8. "TIMELINE: Gerry Ortega murder case" Rappler. Setyembre 22, 2015.
  9. "Japanese, OFW arrested at NAIA for bullets in bag" The Philippine Star. philstar.com. Oktubre 28, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  10. "Isang bala ka lang: Netizens decry 'laglag-bala' incident" Rappler. Oktubre 28, 2015. Hinango Setyebre 17, 2016.
  11. "TIMELINE: Recent cases of alleged bullet scam at NAIA" Rappler. 11-02-2015. Hinango 10-01-2016.
  12. "General Trias in Cavite now a city" Rappler. Disyembre 13, 2015. Hinango Setyembre 17 2016.
  13. "PSGC Updates (October to December 2015)"  Philippine Statistics Authority – National Statistical Coordination Board. Disyembre 31, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016. "Republic Act No. 10675, converting Municipality of General Trias into a component city was ratified through a plebiscite conducted by the COMELEC on December 12, 2015."
  14. "Aquino approves cityhood of General Trias in Cavite" Rappler. Agosto 27, 2015. Hinango Setyembre 17 2016.
  15. "Philippines to be $1-trillion economy by 2030" Rappler. Disyembre 5, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  16. "TIMELINE: anti-corruption initiatives in the Philippines" Naka-arkibo 2016-09-18 sa Wayback Machine. Rappler. 07-27-2016. Hinango 10-01-2016.
  17. "Pinoy Pride 29: Pagara stops Mexican Chavez in two" Inquirer Sports. Pebrero 10, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  18. "Donaire, Nietes defeat foes in Pinoy Pride 30" ABS-CBN News. Marso 29, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  19. "Pinoy Pride 31 Results: Nietes, Magsayo emerge victorious" Naka-arkibo 2016-12-28 sa Wayback Machine. ABS-CBN Sports. Hulyo 12, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  20. "Pagara brothers win in Pinoy Pride 32"[patay na link] The Manila Times. Agosto 8, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  21. "Pagaras, Magsayo score knockouts in Pinoy Pride 33" ABS-CBN News. Oktubre 18, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  22. "Pinoy Pride 34: Filipino boxers sweep foreign foes" Inquirer Sports. Nobyembre 29, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  23. "Vigan officially inaugurated as a New7Wonders City" World of New7Wonders. Mayo 8, 2015. Hinango Set. 20, 2016.
  24. "Largest human smiley" Guinness World Records. 2015. Hinango Setyembre 19, 2016. "The largest human smiley was achieved by 8,018 people during an event organized by Alliance In Motion Global Inc. (Philippines) at Burnham Green, Quirino Grandstand, Luneta Park, Manila, Philippines on 30 May 2015. The record was organized in occasion of AIM Global 9th company anniversary."
  25. "Video: Philippine city hosts Largest Zumba class workout" Guinness World Records. Hulyo 22, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
  26. "FULL LIST: Winners, Mutya ng Pilipinas 2015" Rappler. Agosto 2, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  27. "Enormous dragon made out of 20,000 origami lanterns sets record for Philippine mall" Guinness World Records. Oktubre 12, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
  28. "Listen to the largest gospel choir’s record-breaking performance in the Philippines" Guinness World Records. Oktubre 14, 2015. Hinango Setyembre 19, 2016.
  29. "FULL LIST: Winners, Miss World Philippines 2015" Naka-arkibo 2016-12-20 sa Wayback Machine. Rappler. Oktubre 19, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  30. "Zambales bet wins Miss Republic of the Philippines" Inquirer Entertainment. Nobyembre 5, 2015. Hinango Setyembre 17, 2016.
  31. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  32. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  33. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  34. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  35. "Ferry with 544 passengers catches fire in central Philippines; only 2 crew with minor injuries." Fox News. Agosto 14, 2015. Hinango Hunyo 20, 2016.
  36. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  37. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  38. "Timelines Disasters and Tragedies" Naka-arkibo 2016-06-04 sa Wayback Machine. Timelines of History. Hinango Hunyo 20, 2016.
  39. "Fire at public maket in southern Philippines kills 15 vendors, children." Fox News. Oktubre 31, 2015. Hinango Hunyo 20, 2016.
  40. "List of nationwide holidays for 2015". Naka-arkibo 2014-07-26 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Hulyo 23, 2014. Retrieved Mayo 15, 2016.
  41. "Proclamation No. 1128, s. 2015". Naka-arkibo 2016-09-17 sa Wayback Machine. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Set. 15, 2015. Hinango Mayo 15, 2016.
  42. "14 celebrities who died of cancer." ABS-CBN News. Marso 16, 2015. Retrieved Mayo 21, 2016.
  43. "14 celebrities who died of cancer." ABS-CBN News. Marso 16, 2015. Retrieved Mayo 21, 2016.
  44. "13 celebrities who died too young." ABS-CBN News. 10-23-2015. Hinango noong 05-21-2016.
  45. "Journalists Killed in Philippines" Committtee to Protect Journalists. Hinango Setyembre 18, 2016.
  46. "In the Philippines: Three Journalists Were Killed for Their Work in 2015" CMFR. Enero 6 2016 Hinango Setyembre 18, 2016.
  47. "CNN Philippines assistant cameraman gunned down in Cavite" Inquirer News. Hunyo 25, 2015. Hinango Setyembre 18, 2016.
  48. "Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population" Philippine Statistics Authority. Mayo 19, 2016. Hinango Set. 20, 2016.