Ang Miss Republic of the Philippines o Miss RP ay isang patimpalak sa pagandahan sa Pilipinas. Una itong itinanghal noong 1969, nang makuha ng Spotlight Promotions ni Ferdie Villar ang prangkisa sa pagpili ng kandidata ng Pilipinas para sa taunang Miss World beauty pageant.[1][2] Ang mga runner-up ng Miss RP ay tinatanghal na Miss Luzon (1st runner-up), Miss Visayas (2nd runner-up), Miss Mindanao (3rd runner-up) at Miss Manila (4th runner-up).[1] Tumagal ang Miss RP hanggang 1976, nang ilipat na sa Mutya ng Pilipinas ang prangkisa ng Miss World at ang Miss RP 1977 na si Josephine Conde ay kinilalang kauna-unahang Mutya ng Pilipinas – World upang maitangi ito sa isa pang nagwawagi sa Mutya ng Pilipinas na lumalaban sa Miss Asia Quest.[1][2]
Matapos ang matagal na pagkawala ng Miss Republic of the Philippines, muli itong idinaos sa 2015 sa pangunguna ni Lynette Padolina, pangulo ng muling-binuhay na organisasyon, ngunit ang mga magwawagi'y hindi nakatakdang lumahok bilang kinatawan ng Pilipinas sa alinmang pandaidigang patimpalak, sa halip bibigyan ng scholarship grant ang mga ito para sa apat-na-taong kurso sa kolehiyo o kursong gradwado at maglilibot upang ipalaganap ang turismo at kulturang Pilipino.[3][4][5][6]
Mga nagwagi
Ang mga nagwawagi'y tinatanghal na Miss Republic of the Philippines ng susunod na kalendaryong taon, dahil halos katapusan na ng taon kung ganapin ang patimpalak, ngunit sila'y lumalahok sa Miss World nang taon kung kailan talaga sila nanalo.[1]
↑Constantino, Ronald (Abril 29, 2015). "Miss Republic of PH revived!" (sa wikang Ingles). Tempo. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 6, 2015. Nakuha noong Setyembre 6, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
↑Romulo-Tantoco, Mons (Nobyembre 5, 2000). "Miss Phils '76 & '77 forced to withdraw from Miss World". The Philippine Star (sa wikang Ingles). {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)