Enero 16 - Matapos bumoto ang 11 senador na huwag buksan ang pangalawang sobre, na naglalaman ng mga dokumento laban kay PanguloEstrada, lumakad paalis ang mga taga-usig.
Enero 22 – Idineklarang ika-99 na lungsod ang Vigan sa Ilocos Sur, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8988, pinagtibay Disyembe 27, 2000.
Pebrero 3 – Idineklarang ika-100 lungsod ang San Fernando, Pampanga, alinsunod sa Batas Republika Blg. 8990, pinagtibay Enero 26.
Pebrero 22 – Itinatag bilang ika-79 na lalawigan ang Zamboanga Sibugay, sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 8973 na nilagdaan bilang batas ni PanguloMacapagal-Arroyo.
Marso 10 – Idineklarang ika-101 lungsod ang Tanauan, Batangas, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9005, pinagtibay Pebrero 2.
Marso 24 – Idineklarang ika-102 at ika-103 na mga lungsod (mula sa lalawigan ng Albay) ang Ligao, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9008, pinagtibay Pebrero 21; at Tabaco, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9020, pinagtibay Marso 5.
Abril 21 – Idineklarang ika-112 at ika-113 na mga lungsod ang Malabon, bilang Mataas na Urbanisadong Lungsod alinsunod sa Batas Republika Blg. 9019, at Calamba, Laguna, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9024, kapwa pinagtibay Marso 5.
Abril 25 – Idineklarang ika-114 na lungsod ang Isabela, Basilan, alinsunod sa Batas Republika Blg. 9023, pinagtibay Marso 5.