Ang Vidracco ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) hilaga ng Turin. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 541 at may lawak na 3.2 square kilometre (1.2 mi kuw).[3]
Tore ng San Lorenzo: Ito ay tinatawag ding Toreng Sibiko. Itinayo ito noong ika-12 siglo bilang isang toreng pantanaw-militar. Malapit dito, limang gintong baryang Bisantino ang nahanap noong 1956. Ang mga ito ay barya ni Emperador Leo I (457-473 AD - mint sa Constantinopla) at apat na barya kay Emperador Basilio I (476-477 AD - mint sa Italya) na itinatago na ngayong sa Museo Arkeolohiko ng Turin.[4]