Ang Salassa ay isang comune (komuna o munisipalidad) ng Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 35 kilometro (22 mi) sa hilaga ng Turin sa tradisyonal na rehiyon ng Canavese.
Mga pangunahing tanawin
- Ika-13 siglong silindrikong tore-tarangkahan (na may baseng parihaba), nakatayo 24 m.
- Simbahang Parokya ng San Juan Bautista, sa estilong huling Baroko-Neoklasiko
Impraestruktura at transportasyon
Ang estasyon ng Salassa, na matatagpuan sa kahabaan ng daambakal ng Canavesana, ay pinaglilingkuran ng mga rehiyonal na tren na tumatakbo sa linya na tinatawag na Linya 1 ng Servizio Ferroviario Metropolitano di Torino na pinatatakbo ng GTT bilang bahagi ng kontrata ng serbisyo na itinakda sa Rehiyon ng Piamonte.
Sa pagitan ng 1883 at 1906 ang bayan ay pinagsilbihan ng isang hintuan na matatagpuan sa kahabaan ng tranvia ng Rivarolo-Cuorgnè.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link