Ang Bricherasio (Pranses: Briqueras) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Turin sa rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) timog-kanluran ng Turin.
Ayon sa ilan, ang pangalan nito ay nagmula sa Selta na personal na pangalan na Briccarius o Brittgarius, ayon sa iba mula sa terminong brich, na sa wikang Piamontes ay nangangahulugang "mataas na lupain".