Ang Rivara ay unang nabanggit sa isang patente na nilagdaan ng Banal na Emperador ng Romano Enrique II noong 1014.
Ang eskudo de armas ng Rivara ay nagpapakita ng labing-isang burol at isang kometa na sinamahan ng Latin na motto na salubrior hisce montibus aer. Ang pagtukoy sa masarap na hangin sa bundok ay dahil sa lokasyong maburol ng nayon.
Mga pangunahing tanawin
Ang nayon ay may dalawang kastilyo, ang Lumang Kastilyo at ang Bagong Kastilyo. Ang Lumang Kastilyo ay nagmula noong Gitnang Kapanahunan, at ito ay kabilang sa mga Konde ng Valperga. Naglalaman ito ng dalawang tore, ang isa ay may almenahe at nagtatampok ng ilang ladrilyong Gotikong bintana.
Ang Bagong Kastilyo ay sumailalim sa maraming gawain sa pagsasaayos sa mga siglo hanggang 1796, nang ang Pamila ng Konde ng Valperga-Rivara ay nawala. Ang bagong pakpak na idinagdag noong 1835 ay ginawang isang hugis-parihaba na gusali na may tore na nakaposisyon sa gitna. Nakuha ng kastilyo ang kasalukuyang hitsura nito nang binago ng arkitektong si Alfredo d'Andrade ang patsada nito.