Ang lambak ng Angrogna, Val di Angrogna, na matatagpuan sa Alpes Cocios sa pagitan ng Piamonte at Pransiya ay may makasaysayang kahalagahan para sa Simbahang Valdense. Isang makitid na lambak ng Alpino na nagsisimula sa Val Pellice, ang lambak ng Angrogna ay nagtatapos sa nayon ng Pra del Torno na kinalalagyan ng isang Valdenseng sentro ng misyon noong Gitnang Kapanahunan. Dahil sa makitid nito, ang lambak ay isang militar at relihiyosong kanlungan para sa mga Valdense at ang Pra del Torno ay ang sentro ng pakikibaka ng mga Valdense mula ika-13 hanggang ika-18 na siglo. Bilang katibayan ng kanilang mga pag-uusig, mayroon pa ring isang uri ng katakumba na matatagpuan malapit sa nayon ng San Lorenzo.
Mga mamamayan
Willy Bertin (b. 1944), ski mountaineer at biatleta