UM Broadcasting Network
Ang University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pag-aari ng pamilya Torres.[3] Ang punong tanggapan nito ay matatagpuan sa UMBN Media Center, C. Bangoy St. cor. Palma Gil St., Poblacion, Lungsod ng Davao. Nagpapatakbo ang kumpanyang ito ng mga himpilan sa buong bansa bilang UMBN News & Public Affairs sa AM, Wild FM at Retro, parehas sa FM. KasaysayanAng pinagmulan ng UMBN ay maaaring masubaybayan sa DXMC, ang unang himpilan sa Lungsod ng Davao at sa buong Mindanao na itinatag noong 1949 ng negosyanteng si Atty. Guillermo E. Torres sa ilalim ng Mindanao Colleges.[3][4][5] Noong Hunyo 22, 1957, kasabay ng pagpalit ng pangalan ng Mindanao Colleges sa bilang Unibersidad ng Mindanao, itinatag ang University of Mindanao Broadcasting Network.[6] Inilunsad din ang DXUM na kapatid ng DXMC. Mula noon, naglunsad ito ng mga himpilan sa iba't ibang lugar sa Mindanao.[3] Noong Setyembre 21, 1972, nawala ang mga himpilan ng UMBN sa ere nung naideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas militar. Hindi nagtagal at bumalik ang mga ito sa ere. Noong 1975, inilipat ang lisensya ng DXUM sa Mt. Apo Broadcasting System na pagmamay-ari din ni Torres. Noong 1988, lumipat ang DXMC FM at muling inilunsad bilang DXWT, na naging bumga ng Wild FM sa unang bahagi ng dekada 90. Noong 1994, nagpalaiwig ang mga operasyon ng UMBN sa Visayas sa paglunsad ng 105.9 Wild FM, na lumipat sa 103.5 FM noong 2002 nung naging kaanib ang Ditan Communications ng UMBN. Noong 2000, muling inilunsad ang mga himpilan nito sa AM bilang Radyo Ukay.[3] Noong 2003, binili ng UMBN ang mga operasyon ng 100.3 FM na pagmamay-ari ng Rajah Broadcasting Network na inilunsad bilang Oldies Radio. Noong 2008, naging Hit Radio ito. Sa susunod na taon, lumipat ang mga operasyon nito sa 95.5 FM na pagmamay-ari ng ACWS-UBN. Noong 2016, pagkatapos ng muling paglunsad ng Wild FM sa Cebu bilang Retro Cebu, naging Retro 95.5 ito. Binili ng UMBN ang talapihitang yan at inilagay yan sa ilalim ng Mt. Apo Broadcasting System. Noong Hunyo 16, 2020, iniretiro ng mga himpilan nito sa AM ng Radyo Ukay, bilang bahagi ng pagpapahusay ng mga programang pangbalita at serbisyo publiko. Mula noon, kilala ang mga ito sa kani-kanilang mga call letters.[7] Mga himpilanAM
Wild FM
Retro
Mga dating himpilan
Mga sanggunian
|