DWQZ

Home Radio (DWQZ)
Pamayanan
ng lisensya
Pasig
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar
Frequency97.9 MHz
Tatak97.9 Home Radio
Palatuntunan
WikaEnglish
FormatSoft adult contemporary
NetworkHome Radio Network
Pagmamay-ari
May-ariAliw Broadcasting Corporation
(Insular Broadcasting System)
DWIZ
Aliw Channel 23
Kaysaysayn
Unang pag-ere
Setyembre 28, 1994
Dating call sign
DWCD (1982–1997)
Kahulagan ng call sign
QZ (baryante ng DWIZ)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassA/B/C
Power25,000 watts
ERP75,000 watts
Link
Websitehttp://www.979homeradio.com/

Ang DWQZ (97.9 FM), sumasahimpapawid bilang 97.9 Home Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Aliw Broadcasting Corporation sa pamamagitan ng Insular Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 5th floor, Citystate Center, 709 Shaw Blvd., Brgy. Oranbo, Pasig, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Nuestra Señora Dela Paz Subdivision, Sumulong Highway, Brgy. Santa Cruz, Antipolo.[1]

Kasaysayan

1994–2014: Unang panahon ng easy listening

Sinimulan ng 97dot9 Home Radio ang broadcast nito noong Oktubre 1994. Tinaguriang "#1 Easy Listening Station" sa Metro Manila, nagdala ito ng easy listening na format. Matapos makamit ang tagumpay sa loob ng kalahating taon, ipinatupad ito sa mga istasyong panlalawigan nito. Bukod sa karaniwang programming nito mula Lunes hanggang Sabado, nagpalabas ito ng iba't ibang hit programming tuwing Linggo.

Noong 2006, ipinakilala ng Home Radio ang una nitong 24-oras na ganap na awtomatikong DJ Jackie (tininigan ni Lannie Chan, na nagtrabaho rin bilang isa sa mga babaeng voiceover para sa RPN 9 ). Noong 2009, nag-recruit ito ng mga babae (at kalaunan, lalaki) na mga DJ sa board, kasunod ng istilong less talk, more music.

Noong Pebrero 28, 2014, pagkatapos ng 14 na taon, huling umere ang himpilan ng Home Radio sa nasabing format.

2014–2015: Panahon ng Masa

Noong Marso 17, 2014, pagkatapos ng dalawang linggo ng transisyon, ang network ng Home Radio ay nag-reformat sa isang mass-based na format, na may bagong slogan, " Natural! " . Pinangasiwaan ni Bryan "Idol T-Bone" Quitoriano, kasama ang , pinangalanan sila sa mga prutas. Ang OPM singers na sina Jimmy Bondoc at Duncan Ramos mula sa kasikatan ng Sabado Boys ay nag-host ng kanilang sariling programa sa radyo na "The R&B Show: The Ramos and Bondoc Show" mula Hulyo hanggang Disyembre ng taong iyon. Noong Nobyembre 2014, ibinalik ang pangalan ng himpilan tungo sa Home Radio.

2015–2017: Panahong Top 40

Noong Abril 5, 2015, unti-unting binago ng istasyon ang format nito tungo sa isang Top 40 na format na may diin sa OPM, na kilala bilang CHR Local. Sa pamumuno ni Migz Anzuares (ng RT), inangkop nito ang bagong positioner na "Be You".

Sa pagtatapos ng taon, tuluyang nagbago ang format ng Home Radio bilang Top 40 na istasyon kung saan si Braggy Braganza (ng WLS-FM) ang bagong namahala sa istasyon. Pinalitan nila ang islogan na "Natural!" tungo sa "The Music of Now" at "The Home Of the Millennials". Inilunsad din ng istasyon ang student DJ search nito na tinatawag na "Aircheck 979", kung saan kinuha ang iba't ibang student DJ mula sa iba't ibang paaralan at unibersidad sa buong bansa.

2017–kasalukuyan: Pagbalik sa easy listening

Noong Hunyo 30, 2017, sa ganap na 9am, ang Home Radio (binibigkas na ngayon bilang nine-seven-nine), bumalik ang himpilan sa orihinal nitong easy listening format, at bagong slogan na "It Feels Good to Be Home". Kasama ng reformat nito ang isang bagong jingle na kinanta ni Chi Bocobo (kilala noon bilanng Ces Datu). Kalaunan ay sinabi ni Braganza na ang biglaang pag-reformat ay ginawa upang ma-target ang mas malawak na madla at para mapataas ang benta ng istasyon.[2]

Mga sanggunian