Ang DWFO (87.5 FM), sumasahimpapawid bilang 87.5 Republika, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Philippine Broadcasting Service|Presidential Broadcast Service ng Presidential Communications Group. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa 4th Floor, Philippine Information Agency Building, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.
Sa pamumuno ni Rizal "Bong" Aportadera, Jr. (Sonny B) bilang Director General ng Philippine Broadcasting Service, binili ng PBS ang talapihitang ito at inapruba ito ng NTC.[1][3][4]
Noong Nobyembre 1, 2017, nagsimulang sumahimpapawid ang FM1. Makalipas ng ilang araw, opisyal itong inilunsad, kasama ang mga personalidad nito na galing sa iba't ibang mga himpilan.
Noong Hunyo 12, 2020, naging REPUBLIKA FM1 ito na binansagang Radio Republic of the Youth.
Noong Setyembre 2024, kilala ito lamang bilang Republika.