Ang DZBF (1674 AM) Radyo Marikina ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Marikina sa pamamagitan ng Public Information Office. Ang estudyo ay matatagpuan sa 2nd floor, Marikina City Hall, Shoe Ave., Marikina, at ang transmiter nito ay nasa Engineering Center, Gil Fernando Ave cor. Aquilina St., Marikina.[1][2][3][4][5]
Kasaysayan
Una itong umere noong Oktubre 1992 sa 90.3 FM sa ilalim ng mga call letter na DWPM.[6] Lumipat ito sa kasalukuyang dalas nito noong 1994.
Del Radio ang tawag sa himpilang ito nung si Del de Guzman ang Alkalde ng lungsod mula 2010 hanggang 2016.[7]