Ang DYBT (105.9 FM), sumasahimpapawid bilang Monster BT 105.9, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Audiovisual Communicators, Inc. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa West Entrance, G/F East Aurora Tower, #3 President Quezon (F. Cabahug) St., Kasambagan, Mabolo, Lungsod ng Cebu.[1][2]
Kasaysayan
Itinatag ang himpilang ito noong Marso 1, 1987 sa ilalim ng Capricom Production & Management. Sumahimpapawid ito bilang Z105 sa ilalim ng call letters na DYMZ.
Noong Abril 4, 1994, binili ng UM Broadcasting Network ang operayon ng himpilang ito at nagpalit ito ng call letters sa DYWC. Muli itong inilunsad bilang 105.9 Wild FM na may dance-leaning Top 40 na format.
Noong Mayo 1, 2000, binili ng Audiovisual Communicators ang himpilang ito mula sa Capricom nagpalit ito ng call letters sa DYBT. Muli itong inilunsad bilang Monster Radio BT 105.9 na may Top 40 na format.
Noong 2016, lumipat ito mula sa Mango Square Mall patungo sa kasalukuyan nitong tahanan sa East Aurora Tower at binansagan itong "Cebu's Hottest".
Mga parangal
2017 - 25th KBP Golden Dove Awards: Best FM Station (Provincial).[3][4]