Ang DYNU (107.5 FM), sumasahimpapawid bilang 107.5 Win Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mabuhay Broadcasting System at pinamamahalaan ng ZimZam Management, Inc. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa 4/F Ludo at Luym Bldg., Plaridel St., Lungsod ng Cebu.[1][2][3][4]
Kasaysayan
Itinatag ang himpilang ito noong Pebrero 1, 1992, sa ilalim ng pagmamay-ari ng Progressive Broadcasting Corporation bilang riley ng DWNU na nakabase sa Maynila. Noong 2005, nagsimula itong magpalabas ng lokal na programa. Noong Pebrero 2011, namaalam ang NU 107 sa ere. Noong Marso 4, 2011, bumalik ito sa ere bilang 107.5 Win Radio.[5][6]
Noong 2016, matapos maipasa bilang batas ang House Bill No. 5982 [7], binili ng Mabuhay Broadcasting System ang mga himpilang pangrehiyonal ng PBC.