Ang DYBU (97.9 FM), sumasahimpapawid bilang 97.9 Love Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng MBC Media Group. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Room 303, 3/F Doña Luisa Bldg., Fuente Osmeña, Lungsod ng Cebu, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Legacy Village, Brgy. Kalunasan, Lungsod ng Cebu.[1][2]
Kasaysayan
1950s-1975: Mga Unang Taon
Itinatag ang DYBU noong 1950s sa 970 kHz. Ito rin ang nagsisilbing kapatid ng DYRC, na binili ng pamilya Elizalde pagkatapos ng World War II. Noong Setyembre 1972, nang ideklara ni PangulongFerdinand Marcos ang Batas Militar, nawala ang DYBU at DYRC sa ere.[3]
1975-1980s: Paglipat sa FM
Noong Pebrero 14, 1975, bumalik sa ere ang DYBU, sa FM band sa pamamagitan ng 97.9 MHz. Meron itong easy listening na format na binansagang "Beautiful Music". Noong panahong yan, nasa DYRC-DYBU FM Production sa F. Ramos St. ang tahanan nito. Tuwing Linggo, nag-simulcast ang DYBU sa DYRC.[4][5]
1980s-kasalukuyan: Love Radio
Noong dekada 80, nung naging katiwala si Manny Luzon sa mga himpilan ng FM ng MBC, muling binansagan ang DYBU bilang 97.9 Love Radio. Noong panahong iyon, lumipat ito sa F. Ramos St. patungo sa Cinco Centro Inn sa kahabaan ng Fuente Osmeña.
Noong Pebrero 14, 2000, kasabay ng ika-25 anibersaryo ng istasyon ng Maynila, muling inilunsad ang Love Radio na may pang-masa na format, pagkatapos ng tagumpay ng kapatid nito na Yes FM at Hot FM. Mula noon, binansagan itong "Kailangan pa bang i-memorize 'yan? Bisyo na 'to!", isang karaniwang pang-araw-araw na ekspresyon ng mga Pilipino.
Noong 2006, lumipat ang lahat ng himpilan ng MBC sa Eggling Subdivision, Busay Hills.
Noong Disyembre 6, 2015, lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa Doña Luisa Bldg. sa Fuente Osmeña.[6][7]