Matemátiká[1][a] ang larangan ng kaalaman na pangunahing nakatuon sa mga bilang, komputasyon, pormula, estraktura, hugis, espasyo, kantidad, at ang mga pagbabago nito. Dahil sa lawak ng saklaw ng larangan, wala itong napagkakasunduang isang tiyak na kahulugan, bagamat may mga matematiko at akademikong nagsubok na bigyang-kahulugan ito sa kasaysayan. Ang modernong matematika ay nahahati sa mga pangunahing sangay na kinabibilangan ng teorya ng bilang, alhebra, heometriya, at pagsusuri. Itinuturing ito bilang isang napakahalagang larangan kung saan nakaangkla ang ibang mga larangan, tulad halimbawa ng likas na agham, inhinyera, medisina, pananalapi, agham pangkompyuter, at agham panlipunan. Bagamat ginagamit ang larangan sa pagmomodelo sa mga penomena, hiwalay sa mga maagham na teorya at eksperimento ang mga pangunahing katotohanan ng matematika. May ilang sangay na nadebelop upang magamit sa ibang mga larangan, tulad ng estadistika at teorya ng laro, at madalas na ginugrupo sa ilalim ng matematikang nalalapat. Samantala, may mga sangay naman na hiwalay na nadebelop nang walang gamit sa simula, at ginugrupo sa ilalim ng purong matematika, bagamat kalauna'y nakahanap rin ang mga ito ng paggamit dahil sa samu't saring dahilan, tulad ng pag-usad ng teknolohiya.
Sentro sa mga gawain sa matematika ang paghahanap sa mga katangian ng mga basal na bagay (Ingles: abstract objects) gamit ang pagdadahilan upang patunayan ang mga ito. Madalas ito ay isang likas na kabasalan, o di kaya'y mga entidad na itinuturing na may mga partikular na katangian o mga aksoma. Patunay ang tawag sa mga resultang ginamitan ng sunod-sunod na paglalapat ng mga tuntunin sa imperensiya upang masabing totoo nga ito. Kasama sa mga resultang ito ay ang mga napatunayan na'ng teorema, aksoma, at ilang mga panimulang katangian na kinilala bilang mga tunay na simulain sa paggawa ng teorya.
Mga Griyego ang nagpasimula sa paggamit ng mga patunay sa matematika. Pinakasikat sa mga patunay ng matematikang Griyego ang Mga Elemento ni Euclides. Simula pa noon, hinahati na ang matematika sa dalawang sangay: heometriya at aritmetika. Nagbago ito simula noong ika-16 na siglo, nang sinama ang alhebra at kalkulo. Mula sa puntong yon, naging madalas na ang paggamit ng matematika upang makagawa ng mga pagtuklas sa agham. Naging sentro ng debate noong ika-19 na siglo ang mga haligi ng matematika, na nagbigay-daan upang mabuo ang sistemang aksomatiko. Sa modernong panahon, kasalukuyang kinilala ng Mathematics Subject Classification ang 60 larangan bilang mga pangunahing sangay ng matematika.[3]
Etimolohiya
Nagmula ang salitang "matematika" sa wikang Kastila na matemática,[1] na nagmula naman mula sa wikang Griyego na mathēmatiká (Griyego: μαθηματικά). Nagmula naman ito mula sa sinaunang Griyegongmáthēma (Griyego: μάθημα, lit. na
'mga bagay na nalalaman'), na nanganguhulugang "agham" o "pag-aaral", bagamat nagkaroon ito ng mas makitid na kahulugan pagsapit ng panahong klasikal sa Gresya.[4][b] Ang pang-uri nito ay mathēmatikós (Griyego: μαθηματικός), na nangangahulugang "mahilig mag-aral"; dito nanggaling ang salitang "matematikal".[6]Mathēmatikoi (Griyego: μαθηματικοί) ang tawag noon sa mga estudyante, bagamat dito nanggaling ang salitang "matematiko". Ang mga tagasunod ng Pitagorasismo ang nagpakitid sa kahulugan nito upang tukuyin lamang ang aritmetika at heometriya. Pagsapit ng kapanahunan ni Aristoteles, ganito na ang kahulugan ng matematika.[7]
Astrolohiya (o sa ibang kaso, astronomiya) ang karaniwang ibig sabihin ng matematika hanggang noong bago ang ika-16 na siglo. Nagbago ang kahulugan nito patungo sa modernong kahulugan nito pagsapit ng ika-19 na siglo. Nagresulta ang pagbabagong ito sa mga maling pagsasalin sa naturang salita; halimbawa, maling naisalin ang babala ni San Agustin sa mga Kristiyano sa kanyang kasulutan kontra sa mga mathematici. Astrologo ang ibig sabihin nito nung panahong niya, hindi matematiko, bagamat ginagamit pa rin ang pagkakamaling ito ng mga panatiko upang ikondena ang mga matematiko.[8]
Sa wikang Kastila nagmula ang modernong salitang Tagalog na "matematika". Ang matemática ay isang pangngalang isahan (Ingles: singular noun); ang maramihan nito ay matemáticas, na siyang opisyal na salin nito sa wikang Kastila.[9] Ganito rin ang kaso sa ibang mga wikang Romanse, lalo na sa wikang Ingles na mathematics. May mga teorya na dahil ito sa pagsalin sa sinaunang Griyego na ta mathēmatiká (Griyego: τὰ μαθηματικά), na nangangahulugang "lahat ng mga may kinalaman sa matematika", bagamat posible rin na nagmula lang din ito sa pang-uri nito at ginaya ng mga mananalitang Ingles ang lohika ng mga salitang physics (pisika) at metaphysics (metapisika), na parehong nasa anyong maramihan kahit na isahan lang ito. Pinapaikli rin ang salita bilang math, na popular na ginagamit din sa Pilipinas, o maths sa Britanikong Ingles.[10][11]
Samantala, isang neolohismo ang salitang "sipnayan". Nagmula ito sa diksiyonaryong Maugnaying Talasalitaan (1969) bilang bahagi ng mga mungkahi ng paggawa ng mga salitang Pilipino na kombinasyon ng mga wikang rehiyon ng Pilipinas. Sa salitang ito, nabuo ito mula sa pinagsamang salitang Bisaya na isip ("matematika") at hanayan. Tulad ng marami sa mga mungkahi ng diksiyonaryo, hindi ito madalas gamitin sa karaniwang diskurso.[12][2]
Nagsimulang maging ganap na larangan ang matematika ng mga sinaunang Griyego pagsapit ng ika-6 na siglo BKP, at hinihiwalay na ito mula sa agham ng ilang mga Griyego tulad ng mga tagasunod ni Pitagoras.[17] Bandang 300 BKP, sinimulang kolektahin ni Euclides ang kaalaman ng mga Griyego sa matematika sa pamamagitan ng paggawa ng mga palagay at mga unang prinsipyo, na kalauna'y nagresulta upang mabuo ang kaparaanang aksomatiko na ginagamit sa matematika magpahanggang ngayon.[18] Kinokonsidera ang kanyang aklat na Mga Elemento bilang isa sa mga pinakamatatagumpay na nalathalang aklat sa kasaysayan.[19] Si Arkimedes ang itinuturing na pinakamahusay na matematiko ng sinaunang panahon dahil sa kanyang mga nagawa sa larangan,[20] kabilang na ang mga solido ng paglibot (Ingles: solid of revolution) at ang paraang sapilitan (Ingles: method of exhaustion) upang makompyut ang sukat ng isang parabola gamit ang sumasyon ng isang seryeng walang-hanggan, paraang di nalalayo sa modernong konsepto ng kalkulo.[21] Bukod dito, ilan sa mga natatanging ambag ng mga sinaunang Griyego ay ang pag-aaral sa mga apa (Ingles: conic), trigonometriya, at mga simulain ng alhebra.[22][23][24]
Bumilis ang pag-usad ng matematika sa kanlurang Europa pagsapit ng maagang modernong panahon. Sa panahong ito lumitaw ang mga baryable at notasyong simboliko na unang ginamit ni François Viète. Ginawa naman ni John Napier ang konsepto ng logaritmo, na nagpabilis sa mga kalkulasyon sa astronomiya at paglalayag. Si Rene Descartes ang nagpakilala sa konsepto ng koordinado, na nakatulong upang magamit ang alhebra sa heometriya. Samantala, magkahiwalay namang naimbento nang sabay ang kalkulo nina Isaac Newton at Gottfried Leibniz. Si Leonhard Euler naman ang kinokonsidera bilang ang pinakamahalagang matematiko ng ika-18 siglo dahil sa kanyang paggawa ng isang pamantayang terminolohiya para sa mga larangang ito gayundin sa mga pagkumpleto niya sa mga ito sa pamamagitan ng pagtuklas at pagpapatunay sa samu't-saring mga teorema.[31]
Mabilis ang pag-usad ng matematika sa ika-20 siglo at papasok sa ika-21 siglo, lalo na sa tulong ng mga makabagong teknolohiya tulad ng mga kompyuter at superkompyuter. Noong 2006 halimbawa, nasa database ng dyornal na Mathematical Reviews ang mahigit kumulang 1.9 milyong papeles at aklat simula noong unang isyu nito noong 1940, na nadadagdagan pa nang 75 libo kada taon, karamihan mga bagong teorema at ang kani-kanilang mga patunay.[34]
Ginagamit ang notasyong pangmatematika sa agham at inhinyera para ipakita ang mga komplikadong konsepto at katangian sa paraang konsistent, tiyak, at tumpak. Gumagamit ang mga ito ng mga simbolo para sa mga operasyon, di-tiyak na bilang, relasyon, at ibang mga bagay sa matematika, kung saan pinagsasama sila sa isang ekspresyon o pormula. Baryable ang tawag sa mga simbolong ginagamit para sa mga bilang at ibang mga bagay, na kadalasan nakasulat sa sulat Latin o Griyego, at minsan ay nakaangat (Ingles: superscript). Ipinapakita ang mga operasyon at relasyon gamit ang mga partikular na simbolo o glipo, such halimbawa ng + (pagdagdag), (integral), at = (katumbas).
Nakabuo ang mga matematiko ng isang malawak na bokubularyo upang ilarawan nang tiyak at tumpak ang mga konsepto sa matematika. Nagdebelop rin sila ng mga pamantayang kahulugan upang magkaintindihan. Aksoma (Ingles: axiom) ang tawag sa mga pahayag na totoo at hindi na kailangan pang patunayan. Konhetura (Ingles: conjecture) naman ang tawag sa mga pahayag na kailangan pa munang patunayan. Kung sakaling mapatunayan ito, magiging teorema (Ingles: theorem) ito. Lema (Ingles: lemma) ang tawag sa mga teoremang ginawa upang patunayan ang isa pang teorema. Korolaryo (Ingles: corrolary) naman ang tawag sa isang napatunayang bahagi ng mas malawak na teorema.
Neolohismo ang marami sa mga salitang ginagamit sa matematika, tulad halimbawa ng polinomial at homeomorpismo (parehong mula sa wikang Kastila) o baskagan (Ingles: matrix). May ilan ding mga termino na iba nang bahagya ang kahulugan mula sa karaniwang paggamit.[35] Minsan, ginagamit ang mga karaniwang salita sa isang teknikal na konteksto, na nagiging dahilan tuloy ng kalituhan sa mga wala sa larangan; halimbawa nito ay "lahat ng parang ay singsing" (Ingles: all fields are ring), na isang totoong pahayag sa alhebra.
Sa heometriya nagsimula ang konsepto ng pagpapatunay, nang ginamit ito ng mga sinaunang Griyegong matematiko upang tukuyin ang mga pahayag na siguradong totoo. Sa sistemang ito, hindi sapat ang pagsukat sa isang bagay; dapat patunayan kung magkapareho sila sa pamamagitan ng paggamit sa mga pahayag na napatunayan na noon. Maaari ring gamitin ang mga likas na pahayag (hal. "walang sulok ang bilog") at mga napagkasunduang mga aksoma. Ang prosesong ito ay pormal na isinakodigo sa Mga Elemento ni Euclides noong 300 BKP.[47]
Walang nagbago sa pag-aaral sa heometriya hanggang noong ipinakilala ni Ren Descartes ang sistema ng koordinado sa larangan. Imbes na ituring na mga sukat sa isang linyang pambilang ang mga tunay na bilang, ginawa na itong mga punto sa isang kalapagan sa anyong koordinado na . Dahil rito, nagawang magamit ng mga matematiko ang alhebra sa pag-aaral, gayundin ang kalkulo at iba pang mga larangan kalaunan, na nagresulta sa paghati sa heometriya sa dalawang pangunahing sangay: sintetiko o tradisyonal, at pasuri o koordinado.[48]
Sa heometriyang pasuri mapag-aaralan ang mga kurba, na maipapakita sa isang grap ng punsiyon, na kalauna'y magiging sentro ng pag-aaral ng heometriyang deribatibo. Mabibigyang-kahulugan din sila gamit ang mga ekwasyong pahiwatig (Ingles: implicit equation), madalas mga ekwasyong polinomial; ito ang pinag-aaralan sa heometriyang alhebraiko. Naging posible ring pag-aralan dahil sa heometriyang pasuri ang mga espasyong Euclides na higit sa tatlong dimensiyon.[46]
Nadiskubre ng mga matematiko ang mga heometriyang di-Euclides, na hindi sumusunod sa palagay ng pagkaayon (Ingles: parallel postulate). Nagresulta ito sa kabalintunaan ni Russell at sa mas malawak na krisis sa haligi ng matematika. Naresolba ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sistematikong kaparaanang aksomatiko, at ipahayag na hindi isang problema sa matematika ang katotohanan ng mga piling aksoma.[49] Dahil dito, pinayagan ng kaparaanang aksomatiko na mapag-aralan ang mga heometriyang nagagawa sa pamamagitan ng pagbago sa mga aksoma o sa pagkonsidera sa mga katangian na hindi nagbabago sa ilalim ng mga partikular na transpormasyon sa espasyo.[50]
Sa pinakasimpleng kahulugan, alhebra ang sangay ng matematika na nakatuon sa pagmamanipula sa mga ekwasyon at pormula. Pinasimulan ito nina Diofante at al-Khwarizmi.[51] Niresolba ni Diofante ang ilang mga ekwasyon na may mga likas na bilang na hindi tukoy sa pamamagitan ng paghahanap sa mga relasyon hanggang sa makita niya ang solusyon.[52] Samantala, gumawa naman si al-Khwarizmi ng mga sistematikong kaparaanan para baguhin ang mga ekwasyon, tulad halimbawa ng paglipat ng isang bahagi nito papunta sa kabila.[53] Ang salitang alhebra ay nagmula sa pamagat ng kanyang aklat, Al-Jabr, isinulat noong bandang 820 KP sa Baghdad.[54]
Naging isang ganap na sangay ng matematika ang alhebra noong ipinakilala ni François Viète ang paggamit sa mga baryable upang kumatawan sa mga di-tukoy na mga halaga. Dahil dito, nagawang mailarawan ng mga matematiko ang mga operasyong gagawin sa mga bilang gamit ng mga pormula.[55]
Hanggang noong ika-19 na siglo, limitado lang ang alhebra sa pag-aaral sa mga ekwasyong linyar (ngayo'y bahagi ng alhebrang linyar) at polinomial na may nag-iisang hindi alam na halaga (tinatawag noon na mga ekwasyong alhebraiko, bagamat hindi na ngayon ito ginagamit dahil sa pagiging malabo ng naturang salita). Pagsapit ng ika-19 na siglo, nagsimulang gumamit ang mga matematiko ng mga baryable upang kumatawan hindi lang sa mga bilang kundi sa ibang mga matematikal na bagay kagaya ng matris, kung saan madalas tama ang mga operasyon sa aritmetika.[56] Dahil dito, ipinakilala sa alhebra ang konsepto ng estrakturang alhebraiko, na nagresulta kalaunan sa alhebrang basal sa pangunguna ni Emmy Noether.[57]
Pinag-aaralan sa alhebrang pangkalahatan at teorya ng kategorya ang mga estrakturang alhebraiko bilang mga bagay sa matematika.[58] Hindi limitado ang teorya ng kategorya sa mga estraktura sa alhebra; magagamit ito sa lahat ng mga estraktura sa matematika. Una itong ipinakilala kasama ng alhebrang homolohikal upang mapag-aralan sa alhebra ang mga bagay na di-alhebraiko, tulad ng mga espasyong topolohikal. Nagresulta ito sa pag-aaral na topolohiyang alhebraiko.[59]
Bagamat matagal na'ng pinag-aaralan ang lohika at teorya ng pangkat, naging pormal itong bahagi ng matematika pagsapit ng dulo ng ika-19 na siglo.[67] Bago ito, hindi kinokonsiderang mga bagay sa matematika ang mga pangkat, at mas ginugrupo naman ang lohika sa pilosopiya, bagamat ginagamit rin ito sa mga pagpapatunay sa matematika.[68]
Bago pag-aralan ni Georg Cantor ang mga walang-hanggang pangkat, hindi tinatanggap ng mga matematiko ang ideya ng isang koleksyong tunay na walang-hanggan, at mas kumikiling sa ideya ng kawalang-hangganan bilang resulta ng walang katapusang enumerasyon. Kontrobersiyal ang ideyang ito ni Cantor, dahil sa implikasyon na may iba't-ibang laki ang kawalang-hangganan na pinapatunayan ng argumentong pahalang ni Cantor.[69][70] Sa panahon ding ito natukoy sa maraming sangay ng matematika na may mga bagay sa matematika na hindi sapat ang kahulugan upang masiguro ang kahigpitan.[71] Kalaunan, nagresulta ito sa isang krisis sa mga haligi ng matematika.[72]
Naresolba rin ito kalaunan sa matematika sa pamamagitan ng pagsasagawa sa isang sistematikong kaparaanan ng paggawa ng mga aksoma sa loob ng isang pormalisadong teorya ng pangkat. Sa madaling salita, binibigyang-kahulugan ang bawat bagay sa matematika gamit ang pangkat ng lahat na magkakatulad na mga bagay at ang mga katangiang dapat meron ito.[40] Halimbawa, sa aritmetika ni Peano, binibigyang-kahulugan ang likas na bilang sa pahayag na "isang bilang ang sero", "may natatanging susunod ang bawat bilang", "may natatanging nauna ang bawat bilang maliban sa sero", at ibang mga tuntunin.[73] Nakaayon sa pilosopiya ng pormalismo ni David Hilbert ang kabasalan sa matematika mula sa realidad.[74]
Nananatiling isang problema sa pilosopiya ang kalikasan ng matematika, bagamat may mga matematikong may opinyon patungkol rito. Dahil dito, kinonsidera ang mga lohika, pangkat, patunay, at iba pa bilang mga bagay sa matematika, upang mabigyan sila ng mga teorema magpapatunayan sa mga ito. Halimbawa, sa mga teorema ng di-pagkakumpleto ni Gödel, sinasabi na sa bawat konsistent na pormalisadong sistema na naglalaman ng mga likas na bilang, may mga teorema na totoo (na mapapatunayan sa isang mas malakas na sistema) na hindi mapapatunayan sa sistemang yon.[75]
Estadistika ang sangay ng matematika na nakatuon sa pagkolekta at pagproseso sa mga datos, gamit ang mga kaparaanang hango sa matematika, lalo sa probabilidad. Gumagawa ng mga datos ang mga estadistiko gamit ang naka-random na sample o eksperimento.[76]
Ang sobra-sobrang pagkamabisa ng matematika sa ibang mga larangan, na unang napansin ni Eugene Wigner, ay isang penomenang kung saan maraming teorya sa matematika, kahit maging mga teorya sa purong sangay nito, ay nakahanap ng gamit labas sa mga layunin nito.[82] May mga teorya kasi na nagawa bago lumitaw ang teknolohiyang makakagamit nito.[83] Halimbawa nito ang pangunahing pagsasalik (Ingles: prime factorization) sa mga likas na bilang, na unang nadiskubre 2,000 taon na ang nakararaan at nagamit lang sa praktikal na paraan nang maimbento ang kriptosistemang RSA para sa seguridad sa internet.[84] Noong ika-19 na siglo, dumating kalaunan ang heometriya sa punto na natuklasan ng mga matematiko ang mga heometriyang di-Euclides, mga dimensiyon na higit sa tatlo, at mga manipoldo. Sa puntong ito ng kasaysayan, wala itong direktang gamit sa pisikal na realidad, hanggang noong nadebelop ni Albert Einstein ang kanyang teorya ng relatibidad na gumagamit sa tatlong konseptong ito; isang espasyong di-Euclides ang espasyo-panahon na inilarawan sa natatanging relatibidad na may apat na dimensiyon, at ang espasyo-panahon naman ng pangkalahatang relatibidad ay isang nakakurbang manipoldo na may apat na dimensiyon.[85][86]
Sa pisika naman, ginagamit ang matematika upang makagawa ng mga hinuha ukol sa mga posibleng partikulo na meron sa kalikasan. Halimbawa nito ang pagkadiskubre sa positron at baryon, na unang nailarawan sa teoryang matematikal bago natuklasan ang mga ito sa mga sumunod na taon sa pamamagitan ng mga eksperimento.[87][88]
Mga agham
Ginagamit madalas ang matematika sa agham sa pagmomodelo ng mga penomena upang makagawa ng mga prediksiyon base sa mga eksperimental na batas.[89] Matuturing na nakadepende lamang ang katumpakan ng mga prediksiyong ito sa kakayahan ng modelo dahil sa kalayaan ng katotohanan sa matematika mula sa kahit anong mga pag-eeksperimento.[90] Dahil dito, masasabing mali ang modelong ginagamit kung mali ang prediksiyon, imbes na mali ang mismong konseptong matematikal.[91] Halimbawa, maipapaliwanag lamang ang perihelyon ng Merkuryo sa pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein, na pumalit sa naunang batas sa grabidad ni Isaac Newton.[92]
Noong ika-19 na siglo, nagsimulang mag-imbestiga nang malaliman ang mga matematiko tulad nina Karl Weierstrass at Richard Dedekind sa mga problema ng matematika.[93] Nahati ang matematika bilang resulta nito, sa dalawang sangay na puro at nalalapat. Bagamat magkahiwalay, madalas na walang malinaw na hangganan ang dalawang sangay na ito. Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mabilis na umusad ang pagdebelop sa matematikang nalalapat sa Estados Unidos at ibang lugar. Marami sa mga teoryang nadebelop para magamit ay resulta ng interes ng mga matematikong purista, na kalaunan ay nakahanap din ng gamit labas sa matematika.[96]
Itinuturing ang matematika bilang isang mahalagang kagamitan sa pisika, at kabaligtaran.[97] Sa Pisika, inilarawan ni Aristoteles ang pagkakaiba ng dalawang larangan.[98] Ang pananaw na wika ng kalikasan ang matematika ay unang ipinahayag ng Pitagorasismo, na nagsasabing "lahat ay bilang" at "bilang ang hari ng mundo".[99] Sang-ayon si Galileo Galilei sa pananaw na ito, na nagsabi na isinulat sa wika ng matematika ang aklat ng kalikasan.[100]
Mahalagang konsepto sa matematikang pang-ekonomika ang ideya ng isang rasyonal na indibidwal na aktor, ang homo economicus (lit. na
'tao ng ekonomiya').[110] Sa modelong ito, palaging susundin ng indibidwal ang kanyang interes at isesentro ang lahat ng mga gagawin niyang pagpili gamit ang perpektong impormasyon.[111] Sa ganitong pananaw napapadali ang paggamit ng matematika sa ekonomika. Maaaring mamodelo sa tulong nito ang mga mekanismong nagpapaandar sa ekonomiya. Hindi lahat ng mga ekonomista ay sang-ayon sa ideya ng homo economicus.
Simula noong ika-20 siglo, nagkaroon ng mga adhikain sa larangan upang mailarawan ang mga kilusan sa kasaysayan sa anyong matematikal. Noong 1922, ipinahayag ni Nikolai Kondratiev ang kanyang konsepto ng mga siklong ipinangalan sa kanya, na nagpapaliwanag sa mga panahon ng pag-usad ng ekonomiya at ang mga krisis.[112] Sa pagtatapos ng nakaraang siglo, nagsimulang gamitin ng mga matematiko ang matematika sa heopolitika. Noong dekada 1990s, dinebelop ni Peter Turchin ang kliodinamika.[113]
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagamit ang matematika sa larangan. Sa kanilang kontrobersyal na aklat na Fashionable Nonsense (1997), kumontra sina Alan Sokal at Jean Bricmont sa abusadong paggamit ng mga terminolohiya sa agham, lalo na sa matematika at pisika, sa agham panlipunan.[114] Gumagamit ng matematika ang pag-aaral sa mga sistemang komplikado. Gayunpaman, nananatili pa ring kontrobersyal ang paggamit nito para sa ilang mga kriteryon, kagaya ng sa kawalang-trabaho.[115]
Mga astrologo din ang ilang mga matematiko, kagaya nina Ptolemeo at Johannes Kepler. Noong Gitnang Kapanahunan, kinokonsidera bilang isang agham ang astrolohiya, na kinabibilangan ng matematika. Sa ensiklopedyang isinulat ni Theodor Zwinger, astrolohiya ang "agham pangmatematika na nag-aaral sa aktibong paggalaw ng bawat bagay sa langit", at matematika naman ang "ginagamit upang makalkula ang probabilidad ng mga impluwensiya ng mga bituin upang malaman agad ang kanilang pagsalubong at paghihiwalay".[116] Hindi na itinuturing na agham ang astrolohiya sa modernong panahon, at karaniwan na itong ginugrupo sa mga seudosiyensiya.[117]
Magiging obhetibo (imbes na "subhetibo") ang isang bagay kung tayo ay kumbinsido na may ganito sa kaisipan ng iba sa anyong kapareho ng sa atin at kung maiisip ba natin ito at madidiskurso. Dahil sobrang tiyak ng wika ng matematika, sakto ito para sa pagbibigay-kahulugan sa mga konseptong napagkasunduang umiiral. Sa aking opinyon, sapat na yon upang mabigyan tayo ng pakiramdam na obhetibong umiiral ito, sa realidad ng matematika...[d]
Walang napagkakasunduang kahulugan para sa matematika, gayundin sa estado nito sa epistemolohiya.[120][121] Walang pake kadalasan ang mga matematiko sa kahulugan nito, o di kaya'y sinasabi na lang na wala itong kahulugan.[121] Hindi rin malinaw kung sining o agham ba ang matematika.[120] Madalas sabihin sa karaniwang diskurso ang katagang "matematika ang ginagawa ng mga matematiko", na bagamat isang pagdadahilang pabilog (Ingles: circular reasoning) ay maiintindihan pa rin, dahil madalas napapagkakasunduan kung alin ang itinuturing na matematika sa hindi.[121] Marami sa mga mungkahing kahulugan ay kahulugan batay sa pinag-aaralan nito.[122]
Ayon kay Aristoteles, matematika ang "agham ng kantidad". Ang pananaw na ito ang nanatiling kahulugan ng matematika hanggang noong ika-18 siglo. Gayunpaman, binigyang-pansin din niya na hindi sapat ang kantidad upang maihiwalay ang matematika mula sa mga agham tulad ng pisika; ayon sa kanya, ang natatanging naghihiwalay sa matematika ay ang kabasalan at ang pag-aaral sa kantidad bilang katangian na hinihiwalay ng kaisipan mula sa realidad.[123] Simula noong ika-19 na siglo, nang nagsimulang pag-aralan ng mga matematiko ang mga walang-hanggang pangkat, na hindi makikita sa realidad, nagsimulang lumitaw ang mga bagong kahulugan sa larangan.[124] Pagsapit ng ika-20 siglo, ang mabilis na pagdami ng mga bagong larangan ang naging dahilan upang ituring ng ilang mga matematiko na mahirap bigyang-kahulugan ang matematika.
Ginagamit ding kahulugan ang ideya na matematika na'ng maituturing ang isang larangan kung ginagamit nito ang mga kaparaanan sa matematika. Halimbawa nito ay ang pagpapatunay sa mga teorema, na nangangailangan ng lohika sa pagdadahilan.[125] Isa ring ginagamit na kahulugan ay ang teorya ng aksomatikong pangkat (Ingles: axiomatic set theory), ang teoryang kinokonsidera na ngayon bilang haligi ng modernong pag-aaral sa matematika.[126]
Kinakailangan ang kahigpitan sa matematika. Ibig sabihin, dapat malinaw ang mga kahulugan at maisusulat ang mga patunay sa isang serye ng paggamit sa mga tuntunin sa imperensiya nang di agad gumagamit ng mga ebidensiyang empirikal o kutob.[127] Bagamat hindi lamang sa matematika isinasagawa ang kahigpitan, mataas ang antas ng pagkahigpit sa larangan. Kahit na may mga tiyak na kahulugan sa matematika, kadalasang umaabot ng daan-daang pahina upang maisulat ang mga patunay. Mas lalo pa itong pinalawak pagsapit ng pag-usbong ng mga katulong na kompyuter sa pagpapatunay.[128] Nagresulta ito sa pilosopiyang kwasi-empirisismo (Ingles: quasi-empiricism), na nagsasabing di kailanman masasabing tama ang isang patunay dahil may probabilidad na kaakibat ang mga ito.[49]
Sa dulo ng ika-19 na siglo, humantong ang matematika sa puntong may mga kahulugan na hindi masyadong tiyak para maiwasan ang mga kabalintunaan (Ingles: paradox) at kontradiksiyon. Naresolba ito sa pamamagitan ng pagsama sa mga aksoma na may mga apodiktikong tuntunin ng imperensiya sa mga teoremang matematikal.[49] Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap ng marami sa patunay bilang tama sa paglipas ng panahon ay maituturing ang teoremang ito bilang mapagkakatiwalaan. Dahil dito, ang tradisyonal na konsepto ng kahigpitan ay nawala,[129] bagamat ginagamit pa rin ito para sa pagtuturo sa mga baguhan ukol sa pagpapatunay sa matematika.[130]
Matapos ang Madilim na Panahon sa Europa, itinuro ang matematika sa mga paaralang panrehiliyon bilang bahagi ng quadrivium. Nagsimula naman ang pormal na pagtuturo sa pedagohiya sa mga paaralan ng mga Heswita noong ika-16 at ika-17 siglo. Praktikal ang kurikulum ng matematika hanggang noong ika-19 na siglo, nang nagsimula itong seryosohin sa Alemanya at Pransiya, kung saan itinatag ang unang akademikong dyornal para sa pagtuturo ng matematika, ang L'Enseignement Mathématique, na nagsimula noong 1899.[136] Ang pag-usad ng agham at teknolohiya sa Kanluraning Mundo ang nagpahantong sa pagtatatag sa mga sentralisadong sistema ng pagtuturo sa maraming mga bansa, kung saan kabilang ang matematika sa mga mahahalagang asignatura, dahil sa pangangailangan ng militar nung una.[137] Bagamat iba-iba ang nilalaman ng kurikulum at kalidad ng pagtuturo, itinuturo ang matematika sa lahat ng mga bansa sa mundo sa kasalukuyang panahon.[138]
Habang nag-aaral, may korelasyon ang kakayahan ng isang bata sa matematika sa magiging karera niya sa hinaharap. Nakakaimpluwensiya sa interes ng bata sa matematika ang mga panlabas na salik tulad ng motibasyon ng mga guro, magulang, at kaklase.[139] Gayunpaman, maaari ring humantong ang ilan sa pagkatakot sa naturang asignatura, kilala sa tawag na pagkabalisa sa matematika, na kinokonsidera bilang isa sa mga pinakanakakaapekto sa kahusayan sa klase ng isang mag-aaral. Maaaring madebelop ang pagkabalisa sa maraming paraan, partikular na ang ugali ng magulang o guro sa pagturo sa matematika, mga maling akala sa lipunan, at maging mga personal na dahilan. Upang maiwasan o maagapan ito, marami sa mga paaralan sa mundo ang nagbabago sa paraan ng pagtuturo sa matematika.[140]
Nakasulat sa simpleng rasyo ang mga nota na kinokonsiderang magandang pakinggan sa Kanluraning musika. Nirerepresenta nito ang mga tiyak na dalasan, kagaya ng pagdoble nito sa kada pagpalit ng oktaba (Ingles: octave), at ang perpektong sangkalima (Ingles: perfect fifth) na nangyayari sa kada bahagi.[141][142]
Matematikang popular ang sangay ng matematika na nakatuon sa pagpapaliwanag sa mga konsepto sa matematika sa anyong maiintindihan ng marami.[148] Dahil madalas ay malayo sa realidad ang marami sa mga konsepto sa matematika, madalas ding nahihirapan ang mga taong hindi aral sa paksa.[149] Ipinapaliwanag ang mga ito kadalasan sa anyong nagagamit o nalalapat sa pang-araw-araw na buhay.[150]
Pinagsama ni David Hilbert ang sikat na ngayo'y na 23 di pa nalulutas na problemang kilala ngayon sa tawag na mga problema ni Hilbert.[154] Sa kasalukuyang, depende sa interpretasyon, labintatlo sa mga ito ay nalutas na.[154]
Samantala, inilathala naman noong 2000 ang pitong mahahalagang problema na kilala sa tawag na Mga Problema ng Premyo ng Milenyo. Isa lamang sa mga ito, ang hinuhang Riemann, ang nasa listahan din ni Hilbert. May kaakibat na premyong aabot ng $1 milyon (₱58.5 milyon sa 2024).[155] Sa ngayon, isa pa lang sa mga ito ang nalutas na, ang konhetura ni Poincaré.[155]
↑Halimbawa nito ang paggamit ni Platon sa ika-6 na aklat, bahagi 510c ng kanyang Republika, bagamat hindi niya itong direktang sinabi.[5]
↑Ginagamit din minsan ang ilang mga konsepto sa pagsusuri, tulad ng mga kaparaanan sa pagsusuring komplikado para sa paggawa ng serye.
↑Ingles: Something becomes objective (as opposed to "subjective") as soon as we are convinced that it exists in the minds of others in the same form as it does in ours and that we can think about it and discuss it together. Because the language of mathematics is so precise, it is ideally suited to defining concepts for which such a consensus exists. In my opinion, that is sufficient to provide us with a feeling of an objective existence, of a reality of mathematics ...
↑Zaslavsky, Claudia (1999). Africa Counts: Number and Pattern in African Culture [Nagbibilang ang Aprika: Bilang at Terno sa Kulturang Aprikano.] (sa wikang Ingles). Chicago Review Press. ISBN978-1-61374-115-3. OCLC843204342.
↑Mueller, I. (1969). "Euclid's Elements and the Axiomatic Method" [Mga Elemento ni Euclides at ang Kaparaanang Aksomatiko]. The British Journal for the Philosophy of Science (sa wikang Ingles). 20 (4): 289–309. doi:10.1093/bjps/20.4.289. ISSN0007-0882. JSTOR686258.
↑Singh, A. N. (Enero 1936). "On the Use of Series in Hindu Mathematics" [Ukol sa Paggamit ng Serye sa Matematikang Hindu]. Osiris (sa wikang Ingles). 1: 606–628. doi:10.1086/368443. ISSN0369-7827. JSTOR301627. S2CID144760421.
↑Kolachana, A.; Mahesh, K.; Ramasubramanian, K. (2019). "Use of series in India" [Paggamit ng serye sa India]. Studies in Indian Mathematics and Astronomy [Pag-aaral sa Matematika at Astronomiya ng India]. Sources and Studies in the History of Mathematics and Physical Sciences (sa wikang Ingles). Singapore: Springer. pp. 438–461. doi:10.1007/978-981-13-7326-8_20. ISBN978-981-13-7325-1. S2CID190176726.
↑Faruqi, Yasmeen M. (2006). "Contributions of Islamic scholars to the scientific enterprise" [Mga ambag ng mga iskolar na Muslim sa maagham na tunguhin]. International Education Journal (sa wikang Ingles). 7 (4). Shannon Research Press: 391–399. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2022.
↑Kent, Benjamin (2022). History of Science [Kasaysayan ng Agham] (PDF) (sa wikang Ingles). Bol. 2. Bibliotex Digital Library. ISBN9781984668677. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 16 Hunyo 2024. Nakuha noong 16 Hunyo 2024.
↑Tiwari, Sarju (1992). "A Mirror of Civilization" [Salamin ng Sibilisasyon]. Mathematics in History, Culture, Philosophy, and Science [Matematika sa Kasaysayan, Kultura, Pilosopiya, at Agham] (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) edisyon). New Delhi: Mittal Publications. p. 27. ISBN978-81-7099-404-6. LCCN92909575. OCLC28115124.
↑ 46.046.146.2Straume, Eldar (4 Setyembre 2014). "A Survey of the Development of Geometry up to 1870" [Sarbey sa Pagdebelop ng Heometriya hanggang 1870] (sa wikang Ingles). arXiv:1409.1140 [math.HO].
↑Riche, Jacques (2007). "From Universal Algebra to Universal Logic" [Mula Pangkalahatang Alhebra hanggang Pangkalahatang Lohika]. Sa Beziau, J. Y.; Costa-Leite, Alexandre (mga pat.). Perspectives on Universal Logic [Mga Pananaw sa Pangkalahatang Lohika] (sa wikang Ingles). Milano, Italya: Polimetrica International Scientific Publisher. pp. 3–39. ISBN978-88-7699-077-9. OCLC647049731.
↑Sipser, Michael (Hulyo 1992). The History and Status of the P versus NP Question [Ang Kasaysayan at Estado ng Tanong na P o NP]. STOC 1992 (sa wikang Ingles). pp. 603–618. doi:10.1145/129712.129771. S2CID11678884.
↑Snapper, Ernst (Setyembre 1979). "The Three Crises in Mathematics: Logicism, Intuitionism, and Formalism" [Ang Tatlong Krisis sa Matematika: Lohisismo, Intuisiyonismo, at Pormalismo]. Mathematics Magazine (sa wikang Ingles). 52 (4): 207–216. doi:10.2307/2689412. JSTOR2689412.
↑Rao, C. Radhakrishna (1981). "Foreword" [Panimula]. Sa Arthanari, T.S.; Dodge, Yadolah (mga pat.). Mathematical programming in statistics [Pagpoprogramang matematikal sa estadistika]. Wiley Series in Probability and Mathematical Statistics (sa wikang Ingles). New York: Wiley. pp. vii–viii. ISBN978-0-471-08073-2. LCCN80021637. MR0607328. OCLC6707805.
↑Johnson, Gary M.; Cavallini, John S. (Setyembre 1991). Phua, Kang Hoh; Loe, Kia Fock (mga pat.). Grand Challenges, High Performance Computing, and Computational Science [Mga Dakilang Hamon, Kompyuting na High Performance, at Agham Komputasyonal]. Singapore Supercomputing Conference 1990 (sa wikang Ingles). World Scientific. p. 28. LCCN91018998.
↑Sarukkai, Sundar (10 Pebrero 2005). "Revisiting the 'unreasonable effectiveness' of mathematics" [Pagbisita muli sa 'sobra-sobrang pagkamabisa' ng matematika]. Current Science (sa wikang Ingles). 88 (3): 415–423. JSTOR24110208.
↑ 84.084.1Wagstaff, Samuel S. Jr. (2021). "History of Integer Factoring" [Kasaysayan ng Pagsasalik sa Buumbilang] (PDF). Sa Bos, Joppe W.; Stam, Martijn (mga pat.). Computational Cryptography, Algorithmic Aspects of Cryptography, A Tribute to AKL [Kriptograpiyang Komputasyonal, Mga Aspeto ng Algoritmo ng Kriptograpiya, isang Pagpupugay kay AKL]. London Mathematical Society Lecture Notes Series 469 (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. pp. 41–77. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 20 Nobyembre 2022.
↑Wilson, Edwin B.; Lewis, Gilbert N. (Nobyembre 1912). "The Space-Time Manifold of Relativity. The Non-Euclidean Geometry of Mechanics and Electromagnetics" [Ang Manipoldo ng Espasyo-panahon ng Relatibidad. Ang Heometriyang di-Euclides ng Mekanika at Elektromagnetika]. Proceedings of the American Academy of Arts and Sciences (sa wikang Ingles). 48 (11): 389–507. doi:10.2307/20022840. JSTOR20022840.
↑Hanson, Norwood Russell (Nobyembre 1961). "Discovering the Positron (I)" [Pagtuklas sa Positron (I)]. The British Journal for the Philosophy of Science (sa wikang Ingles). 12 (47). The University of Chicago Press: 194–214. doi:10.1093/bjps/xiii.49.54. JSTOR685207.
↑Ginammi, Michele (Pebrero 2016). "Avoiding reification: Heuristic effectiveness of mathematics and the prediction of the Ω– particle" [Pag-iwas sa pagtatama: Heuristikong pagkamabisa ng matematika at ang prediskyon sa partikulong Ω–]. Studies in History and Philosophy of Science Part B: Studies in History and Philosophy of Modern Physics (sa wikang Ingles). 53: 20–27. Bibcode:2016SHPMP..53...20G. doi:10.1016/j.shpsb.2015.12.001.
↑Stewart, Ian (2018). "Mathematics, Maps, and Models" [Matematika, Mapa, at Modelo]. Sa Wuppuluri, Shyam; Doria, Francisco Antonio (mga pat.). The Map and the Territory: Exploring the Foundations of Science, Thought and Reality [Ang Mapa at ang Teritoryo: Paglalakbay sa mga Haligi ng Agham, Kaisipan, at Realidad]. The Frontiers Collection (sa wikang Ingles). Springer. pp. 345–356. doi:10.1007/978-3-319-72478-2_18. ISBN978-3-319-72478-2.
↑ 93.093.1Ferreirós, J. (2007). "Ό Θεὸς Άριθμητίζει: The Rise of Pure Mathematics as Arithmetic with Gauss" [Ό Θεὸς Άριθμητίζει: Ang Pag-angat ng Matematikang Puro bilang Aritmetika ni Gauss]. Sa Goldstein, Catherine; Schappacher, Norbert; Schwermer, Joachim (mga pat.). The Shaping of Arithmetic after C.F. Gauss's Disquisitiones Arithmeticae [Ang Paghuhulma sa Aritmetika matapos ang Disquisitiones ARithmeticae ni C.F. Gauss] (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. pp. 235–268. ISBN978-3-540-34720-0.
↑Asper, Markus (2009). "The two cultures of mathematics in ancient Greece" [Ang dalawang kultura ng matematika sa sinaunang Gresya]. Sa Robson, Eleanor; Stedall, Jacqueline (mga pat.). The Oxford Handbook of the History of Mathematics [Ang Handbook ng Oxford sa Kasaysayn ng Matematika]. Oxford Handbooks in Mathematics (sa wikang Ingles). OUP Oxford. pp. 107–132. ISBN978-0-19-921312-2.
↑Silver, Daniel S. (2017). "In Defense of Pure Mathematics" [Depensa sa Matematikang Puro]. Sa Pitici, Mircea (pat.). The Best Writing on Mathematics, 2016 [Ang mga Pinakamagagandang Kasulatan sa Matematika, 2016] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. 17–26. ISBN978-0-691-17529-4.
↑Uhden, Olaf; Karam, Ricardo; Pietrocola, Maurício; Pospiech, Gesche (20 Oktubre 2011). "Modelling Mathematical Reasoning in Physics Education" [Pagmomodelo sa Pagdadahilang Matematikal sa Pagtuturo ng Pisika]. Science & Education (sa wikang Ingles). 21 (4): 485–506. Bibcode:2012Sc&Ed..21..485U. doi:10.1007/s11191-011-9396-6. S2CID122869677.
↑Al-Rasasi, Ibrahim (21 Hunyo 2004). "All is number" [Lahat ay bilang] (PDF) (sa wikang Ingles). King Fahd University of Petroleum and Minerals. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 28 Disyembre 2014.
↑Hales, Thomas; Adams, Mark; Bauer, Gertrud; Dang, Tat Dat; Harrison, John; Hoang, Le Truong; Kaliszyk, Cezary; Magron, Victor; Mclaughlin, Sean; Nguyen, Tat Thang; Nguyen, Quang Truong; Nipkow, Tobias; Obua, Steven; Pleso, Joseph; Rute, Jason; Solovyev, Alexey; Ta, Thi Hoai An; Tran, Nam Trung; Trieu, Thi Diep; Urban, Josef; Vu, Ky; Zumkeller, Roland (2017). "A Formal Proof of the Kepler Conjecture" [Pormal na Patunay sa Konhetura ni Kepler]. Forum of Mathematics, Pi (sa wikang Ingles). 5: e2. doi:10.1017/fmp.2017.1. hdl:2066/176365. ISSN2050-5086. S2CID216912822. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Disyembre 2020.
↑Salsburg, David (17 Agosto 1992). "Commentary" [Komentaryo] (PDF). The Use of Statistical Methods in the Analysis of Clinical Studies (sa wikang Ingles). 46: 17.
↑Balaguer, Mark (2016). "Platonism in Metaphysics" [Platonismo sa Metapisika]. Sa Zalta, Edward N. (pat.). The Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Metaphysics Research Lab, Stanford University. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2022.
↑ 121.0121.1121.2Mura, Roberta (Disyembre 1993). "Images of Mathematics Held by University Teachers of Mathematical Sciences" [Mga Imahe ng Matematika na Pinanghahawakan ng mga Guro ng mga Agham Pangmatematika sa mga Pamantasan]. Educational Studies in Mathematics (sa wikang Ingles). 25 (4): 375–85. doi:10.1007/BF01273907. JSTOR3482762. S2CID122351146.
↑Ziegler, Günter M.; Loos, Andreas (2 Nobyembre 2017). Kaiser, G. (pat.). "What is Mathematics?" and why we should ask, where one should experience and learn that, and how to teach it ["Ano ang Matematika?" at bakit natin dapat tanungin yon, saan mararanasan at matutunan ng isa tungkol rito, at paano ito ituturo]. Proceedings of the 13th International Congress on Mathematical Education. ICME-13 Monographs (sa wikang Ingles). Springer. pp. 63–77. doi:10.1007/978-3-319-62597-3_5. ISBN978-3-319-62596-6.
↑Perminov, V. Ya. (1988). "On the Reliability of Mathematical Proofs" [Ukol sa Pagtitiwala sa mga Patunay Pangmatematika]. Philosophy of Mathematics (sa wikang Ingles). 42 (167 (4)). Revue Internationale de Philosophie: 500–508.
↑Davis, Jon D.; McDuffie, Amy Roth; Drake, Corey; Seiwell, Amanda L. (2019). "Teachers' perceptions of the official curriculum: Problem solving and rigor" [Mga pananaw ng mga guro sa opisyal na kurikulum: Pagreresolba sa mga problema at kahigpitan]. International Journal of Educational Research (sa wikang Ingles). 93: 91–100. doi:10.1016/j.ijer.2018.10.002. S2CID149753721.
↑Bernard, Alain; Proust, Christine; Ross, Micah (2014). "Mathematics Education in Antiquity" [Pagtuturo sa Matematika noong Sinaunang Panahon]. Sa Karp, A.; Schubring, G. (mga pat.). Handbook on the History of Mathematics Education [Handbook sa Kasaysayan ng Pagtuturo sa Matematika] (sa wikang Ingles). New York: Springer. pp. 27–53. doi:10.1007/978-1-4614-9155-2_3. ISBN978-1-4614-9154-5.
↑Dudley, Underwood (Abril 2002). "The World's First Mathematics Textbook" [Ang Unang Aklat ng Matematika sa Mundo]. Math Horizons (sa wikang Ingles). 9 (4). Taylor & Francis, Ltd.: 8–11. doi:10.1080/10724117.2002.11975154. JSTOR25678363. S2CID126067145.
↑Subramarian, F. Indian pedagogy and problem solving in ancient Thamizhakam [Pedagohiya ng India at pagreresolba ng problema sa sinaunang Thamizhakam] (PDF). History and Pedagogy of Mathematics conference (sa wikang Ingles). Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 28 Nobyembre 2022.
↑Siu, Man Keung (2004). "Official Curriculum in Mathematics in Ancient China: How did Candidates Study for the Examination?" [Opisyal na Kurikulum sa Matematika ng Sinaunang Tsina: Paano Nag-aaral ang mga Kandidato para sa Pagsusulit?]. How Chinese Learn Mathematics [Paano Natututo ang mga Tsino ng Matematika] (PDF). Series on Mathematics Education (sa wikang Ingles). Bol. 1. pp. 157–185. doi:10.1142/9789812562241_0006. ISBN978-981-256-014-8.
↑Cazden, Norman (Oktubre 1959). "Musical intervals and simple number ratios" [Mga pagitang pangmusika at mga simpleng rasyo ng bilang]. Journal of Research in Music Education (sa wikang Ingles). 7 (2): 197–220. doi:10.1177/002242945900700205. JSTOR3344215. S2CID220636812.
↑Hestenes, David (1999). "Symmetry Groups" [Mga Grupong Simetrikal] (PDF). geocalc.clas.asu.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 1 Enero 2023.
↑Bender, Sara (Setyembre 2020). "The Rorschach Test" [Ang Pagsubok na Rorschach]. Sa Carducci, Bernardo J.; Nave, Christopher S.; Mio, Jeffrey S.; Riggio, Ronald E. (mga pat.). The Wiley Encyclopedia of Personality and Individual Differences: Measurement and Assessment (sa wikang Ingles). Wiley. pp. 367–376. doi:10.1002/9781119547167.ch131. ISBN978-1-119-05751-2.
↑Bradley, Larry (2010). "Fractals – Chaos & Fractals" [Mga Praktal - Kaguluhan & Praktal]. www.stsci.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2023.
↑"Self-similarity" [Pagkakamukha]. math.bu.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2023.
↑Kissane, Barry (Hulyo 2009). Popular mathematics [Matematikang popular]. Ika-22 Bienyal na Kumperensiya ng The Australian Association of Mathematics Teachers (sa wikang Ingles). Fremantle, Kanlurang Australia: Australian Association of Mathematics Teachers. pp. 125–126. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Marso 2023.
Bouleau, Nicolas (1999). Philosophie des mathématiques et de la modélisation: Du chercheur à l'ingénieur [Pilosopiya ng matematika at pagmomolde: Mula sa mananaliksik hanggang sa inhinyero] (sa wikang Pranses). L'Harmattan. ISBN978-2-7384-8125-2.
Monastyrsky, Michael (2001). "Some Trends in Modern Mathematics and the Fields Medal" [Ilang mga Trend sa Modernong Matematika at ang Medalyang Fields] (PDF). CMS – Notes – de la SMC (sa wikang Ingles). 33 (2–3). Canadian Mathematical Society. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 13 Agosto 2006.
Peterson, Ivars (1988). The Mathematical Tourist: Snapshots of Modern Mathematics [Ang Turista ng Matematika: Mga Snapshot sa Modernong Matematika] (sa wikang Ingles). W. H. Freeman and Company. ISBN0-7167-1953-3. LCCN87033078. OCLC17202382.
Riehm, Carl (Agosto 2002). "The Early History of the Fields Medal" [Ang Maagang Kasaysayan ng Medalyang Fields] (PDF). Notices of the AMS (sa wikang Ingles). 49 (7): 778–782. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2006.
Whittle, Peter (1994). "Almost home" [Malapit na'ng makauwi]. Sa Kelly, F.P. (pat.). Probability, statistics and optimisation: A Tribute to Peter Whittle [Probabilidad, estadistika, at optimisasyon: Pagpupugay kay Peter Whittle] (sa wikang Ingles). Chichester, Inglatera: John Wiley. pp. 1–28. ISBN978-0-471-94829-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Disyembre 2013.
Jourdain, Philip E. B. (2003). "The Nature of Mathematics" [Ang Kalikasan ng Matematika]. Sa James R. Newman (pat.). The World of Mathematics [Ang Mundo ng Matematika] (sa wikang Ingles). Dover Publications. ISBN978-0-486-43268-7.