Maaaring tinutukoy ng kaalaman ang teoretikal o praktikal na pagkaunawa sa isang bagay.[1] Maaari itong panloob (tulad ng praktikal na kasanayan) o panlabas (tulad ng teoretikal na pagkaunawa); pormal o hindi; sistematiko o partikular. Katwiran ng pilosopong si Plato sa Theaetetus, may pagkakaiba ang kaalaman at tunay na paniniwala, na nagbigay-daan upang bigyan-kahulugan ang kaalaman bilang isang "makatuwirang tunay na paniniwala."[2][3] Ang problema ni Gettier, unang lumabas noong 1963, ang nagpalabas sa mga problema sa kahulugan na ito, at patuloy na itong pinagtatalunan sa larangan ng epistemolohiya simula noon.[2]