The first Omega baryon discovered was the Ω−, made of three strange quarks, in 1964.[3] Ang pagkakatuklas nito ay isang dakilang tagumpay sa pag-aaral ng mga prosesong quark dahil ito ay natagpuan pagkatapos ng eksistensiya nito, masa at mga produkto ng pagkabulok ay hinulaan ng pisikong Amerikano na si Murray Gell-Mann noong 1962 at independiyenteng hinulaan ni Yuval Ne'eman. Bukod sa Ω−, ang isang may charm na partikulong Omega (Ω0c) ay natuklasan kung saan ang isang kakaibang quark ay pinalitan ng charm quark. Ang Ω− ay nabubulok lamang sa pamamagitan ng mahinang interaksiyon at kaya ay may relatibong mahabang panahon ng buhay.[4]Spin (J) and parity (P) values for unobserved baryons are predicted by the quark model.[5]
Dahil sa ang mga omega baryon ay walang anumang taas o babang mga quark, ang lahat ng mga ito ay may isospin na 0.
† Partikulo ( o kantidad, i.e. ikot) ay hindi napagmasdan o naipakita.
Mga kamakailang pagkakatuklas
Ang partikulong Ω−b ay isang dobleng kakaibangbaryon na naglalaman ng dalawang mga kakaibang quark at isang ilalim na quark. Ang pagkakatuklas ng partikulong ito ay unang inangkin noong Setyembre 2008 ng mga pisiko na gumagawa sa eksperimentong DZero sa Fermi National Accelerator Laboratory.[9][10] Gayunpman, ang naiulat na masang 6165±16 MeV/c2 ay labis na mas mataas kesa sa inaasahan sa modelong quark. Ang maliwanag na pagkakaiba mula sa Pamantayang Modelo ay mula nito tinawag na "puzzle naΩb". Noong Mayo 2009, ginawang publiko ng kolaborasyong CDF ang kanilang mga resulta sa paghahanap ng Ω−b batay sa analisis ng mga sampol ng datos na mga apat na beses na mas malaki kesa sa ginagmit ng eksperimentong DØ.[8] Sinukat ng CDF ang masa na 6054.4±6.8 MeV/c2 na may mahusay na pag-ayon sa paghula ng Pamantayang Modelo. Walang hudyat ang napagmasdan sa iniulat na halaga ng DZero. Ang dalawang mga resulta ay magkaiba nang 111±18 MeV/c2 o mhs 6.2 na pamantayang paglihis at kaya ay hindi magkaayon. Ang mahusay na pagkakasundo sa pagitan ng nasukat na masa ng CDF at mga teoretikal na ekspektasyon ay malakas na indikasyon na ang partikulong natuklasan ng CDF ay talagang ang Ω−b.