Ang Higgs boson ay isang hipotetikal na elementaryong partikulo na hinulaang umiiral ng Pamantayang Modelo ng partikulong pisika. Ang Higgs field ay isang hipotetikal na nasa lahat ng lugar na quantum field na may hindi-sero na halaga sa estadong lupa(ground state). Ang hindi-sero na halagang ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang mga pundamental na partikulo gaya ng quark at elektron ay may masa. Ang Higgs boson ay isang elementaryong pagpapanabik ng Higgs field sa ibabaw ng estadong lupa nito.
Ang eksistensiya ng Higgs boson ay hinulaan ng Pamantayang Modelo upang ipaliwanag ang pagkasirang spontaneyoso ng symmetriyang electroweak(ang mekanismong Higgs) ay nangyayari sa kalikasan na nagpapliwanag naman kung bakit ang ibang mga elementaryong partikulo ay may masa. [2] Ang pagkakatuklas nito ay karagdagang magpapatunay ng Pamantayang Modelo bilang likas na tama dahil ito lamang ang elementaryong partikulo na hinulaan ng Pamantayang Modelo na hindi pa napagmamasdan sa mga eksperimento ng partikulong pisika. [3] Ang Pamantayang Modelo ay kumpletong nagtatakda ng mga katangian ng Higgs boson maliban sa masa nito. Ito ay inaasahang walang ikot at walang elektrikong karga o kargang kulay at ito ay nakikipag-ugnayan sa ibang mga partikulo sa pamamagitan ng mahinang interaksiyon at interaksiyong Yukawa. Ang alternatibong mga pinagmumulan ng mekanismong Higgs na hindi nangangailangan ng Higgs boson ay posible rin at isasaalang alang kung ang eksistensiya ng Higgs boson ay inalis sa pagsaalang alang. Ang mga ito ay tinatawag na mga modelong walang Higgs(Higgsless models).
Ang mga eksperimento upang malaman kung ang mga Higgs boson ay umiiral ay kasalukuyang isinasagawa gamit ang Large Hadron Collider (LHC) sa CERN at isinigawa sa Tevatron ng Fermilab hanggang sa pagsasara nito noong huli nang 2011. Ang mga matematikal na konsistensiya ng Pamantayang Modelo ay nag-aatas na ang anumang mekanismong may kakayahang lumikha ng mga masa ng mga elementaryong partikulo ay magiging makikita(visible) sa mga enerhiyang mataas sa 1.4 TeV;[4] kaya ang LHC(na dinisenyong magbabangga ng dalawang mga7-TeV na sinag ng proton) ay inaasahang makasasagot ng tanong kung ang Higgs boson ay aktuwal na umiiral o hindi.[5] Noong Disyembre 2011, ang dalawang pangunahing mga eksperimento sa LHC(ATLAS at CMS) ay parehong independiyenteng nag-ulat na ang kanilang datos ay nagpapahiwatig ng posiblidad na ang mga Higgs ay maaaring umiral na may masang mga 125 GeV/c2 (mga 133 mga masa ng proton sa order na 10−25 kg). Kanila ring iniulat na ang orihinal na saklaw sa ilalim ng imbestigasyon ay napakitid ng malaki at ang masa sa labas ng tinatantiyang 115–130 GeV/c2 ay halos naalis sa pagsaalang alang. [6] Wala pang konklusibong sagot ang umiiral bagaman inaasahan na ang LHC ay makapagbibigay ng sapat ng datos sa huli ng 2012 para sa tiyak na sagot. [1][7][8][9]
Sa popular na media, ang partikulong ito ay minsang tinatawag na partikulong Diyos(God particle) na isang pamagat na pangkalahatang hindi nagustuhan ng pamayanang siyentipiko bilang hyperbole ng media na nakapagliligaw ng mga mambabasa.
[10]
Talababa
}}