Ang Linyang Uchibō (内房線,Uchibō-sen) ay isang linyang daangbakal na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East) na kalapit ng Look ng Tokyo, katapat ng kanlurang (i.e., loob) baybayin ng Tangway Bōsō. Kinokonekta nito ang Estasyon ng Soga sa lungosd ng Chiba at Estasyon ng Awa-Kamogawa sa lungsod ng Kamogawa, na dumadaan sa mga munisipalidad ng Chiba, Ichihara, Sodegaura, Kisarazu, Kimitsu, Futtsu, Kyonan, Tateyama, at Minamibōsō. Nakakonekta ang dalawang dulo ng linya sa Linyang Sotobō. Nabuo ang pangalan ng Linyang Uchibō sa pagsasama ng dalawang karakter na kanji ng Wikang Hapon. Ang una, 内, ay may kahulugang "loob" at ang ikawala, 房 ay ang unang karakter ng Bōsō. Tumutukoy ang pangalan ng linya sa kanyang lokasyon sa loob na bahagi ng Tangway Bōsō na may kaugnayan sa Metro Tokyo. Ito ay sumasalungat sa Linyang Sotobō, "labas ng Bōsō" na kung saan ay ang kabaligtarang bahagi ng tangway. May isang trakto lamang ang nasa timog ng Kimitsu, samantalang may dalawang trakto ang nasa hilaga ng Kimitsu.
Estasyon
Humihinto ang lahat ng mga regular sa lahat ng estasyon.